Tuesday, October 7, 2008

Tatlong Uri Ng Awitin

TATLONG URI NG AWITIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat naririnig natin na awitin iyon ay may ibig sabihin. Habang ginagawa pa lang ng compositor ang isang kanta nasa isip niya ang dahilan kung bakit niya iyon gagawin. At sa pag-iisip niya ang kanyang imahinasyon ay naglalakbay. Sa pag-iisip kasi walang limitasyon. Kung malungkot ka puwede kang mag-isip na napakasaya mo. Kung anu-ano ang nasa isip ng compositor depende sa uri ng awitin na kanyang gagawin.

Kung ang gagawin ng compositor ay love song. Natural na siya ay masaya sa isip niya. Iniisip ng compositor na komportable sila ng kanyang kasintahan sa lahat ng bagay. Iniisip niya na sila na sa habang-buhay. Iniisip niya na kahit ano pa ang mangyari hindi na sila magkakahiwalay pa dahil mahal nila ang bawat isa. Iniisip din niya na kapag sila ay magkasama gusto niya na di na sila magkalayo. At higit sa lahat iniisip niya na wala na siyang mahihiling pa sa kasalukuyan niyang lovelife.

Kung ang gagawin naman ng compositor ay sad song. Huh! natural na sa isip ng compositor ay malungkot siya. Iniisip ng compositor bakit ganun ang nangyari sa kanya. Ang dati na masayang pagsasama ay bigla na lang lumamig. Iniisip niya bakit siya nilayuan gayong lahat naman na gusto ay kanyang binibigay. Iniisip niya ano ang kanyang pagkukulang kaya siya hiniwalayan. Iniisip din niya ang masayang pagsasama na di na mauulit. At higit sa lahat iniisip niya ano ang wala siya na sa iba ay mayroon kaya siya nilayuan ng kanyang mahal.

Kung ang gagawin rin naman ng compositor ay inspirational song. Di maipagkakaila na sa isip niya siya ay inspirado. Iniisip niya na sasagutin talaga siya ng kanyang minamahal kaya pinagbubuti niya ang bawat ginagawa. Iniisip niya na kung magtatagumpay siya sa nais niya sa buhay ay magiging sila na. Iniisip din ng compositor na siya na ang tao na gustong makatuluyan ng kanyang minamahal. Kaya lahat ay gagawin masagol lang siya. Pinaririnig din ng compositor na dapat ay magsikap at maging determinado sa lahat na gustong gawin o nais para mapagtagumpayan. At higit sa lahat pinaririnig din ng compositor para mamulat ang tao sa katotohanan at magbago.At sa bawat natatapos na awitin na gawa ng compositor sa isip niya iyon ay ilan pa lang sa magagawa pa niya.

Dahil sa bawat araw di alam ang mangyayari sa buhay dahilan para isulat at gawing kanta ang nararamdaman.

No comments: