Tuesday, October 7, 2008

Kaya Ko

KAYA KO
Ni: Arvin U. de la Peña

Kakalimutan na kita. Iyon ang madalas kong sabihin kapag ako ay nag-iisa. Masakit man na tanggapin kailangan ay kayanin at magsimula sa panibagong buhay. Mahirap nga naman kapag ako ay lagi na lang sa isang tabi at inaalala ang nakaraan."Rose, gising na umaga na at papasok ka pa sa trabaho". "Huh!", si Inay pala ginising na naman ako. Ito talaga si Inay kahit kailan hindi ako binibigo. Lagi akong inuunawa. Kahit may pagkakamali ako iniintindi niya. Hindi katulad ni Itay na kinukunsinti pa ako. "Opo Inay" sagot ko.Habang nasa opisina walang ibang iniisip kundi ang trabaho.

Masarap talaga magtrabaho kapag wala kang inaalala masyado. Nakakaconcentrate ka sa iyong ginagawa. Kung bakit naging malungkutin ako dati. Simple lang naman ang dahilan. Hiniwalayan ako ng mahal kong si Andrew.Si Andrew ay isa lang sa maraming lalaking nanligaw sa akin. Sa pagtitiyaga niya ayun nakuha niya ang matamis kong oo. Sa bawat araw na aming pagkikita ni Andrew ay sumasaya talaga ako. Siya ang tipong lalaki na kapag magkasama kayo ay enjoy ka talaga. Kaya nga siya ang sinagot ko.Sa tatlong taon na aming relasyon ni Andrew marami talaga ang nangyari.

Mga pangyayari na masasabi ko talaga ay kami na ang magkakatuluyan. Ngunit hindi pala. Ang lahat pala ay may katapusan. Pagkatapos na makuha ni Andrew ang gusto sa akin ay iiwan din pala ako. Ang loko! pinagsawaan lang pala ako. Siya pa naman ang inspirasyon ko. Madalas pa naman niyang sabihin sa akin noong kami pa na hindi niya ako iiwan. Magpapakasal daw kami sa simbahan balang araw. Sinasabi lang pala niya para ako sumaya at mapagbigyan siya sa gusto niya. Iyon pala makikipaghiwalay din sa akin. Ang buhay ng babae nga naman madali talaga na mabola.

Ngunit ngayon, ngayong wala na talaga si Andrew sa isipan ko. Pipilitin ko na tuparin mag-isa ang mga pangarap ko na hindi siya inspirasyon. At pipilitin ko na makaya ang mga pagsubok na darating sa akin na hindi na siya katulong. Kaya ko iyon!, kayang-kaya ko. Nakakaya nga ng iba. Ako pa kaya. Isa pa marami pa naman ang nagkakagusto sa akin. Pero hindi muna ako magmamahal. Tutuparin ko muna ang mga pangarap ko pa sa buhay saka uli ako tatanggap ng manliligaw.

At pag nangyari iyon. Masasabi ko talaga na matatag ako sa buhay. Mayroong determinasyon. Nakakaya ko ang lahat. Kaya ko!.

No comments: