SIR BOBBY: PNP-TMG
Ni: Arvin U. de la Peña
Tawagin na lang natin siyang Sir Bobby. Ang pangalan niya kasi ay Roberto. Isa siya sa mga miyembro ng PNP-Traffic Management Group na hinahangaan ko. Dahil hindi siya tumatanggap ng suhol. Kapag mayroon talagang violation ang sasakyan ay huhulihin niya. Kahit sino pa ang may-ari.Ang paghanga ko sa kanya ay sobra-sobra. Kapag kami ay nagkakausap makikita mo talaga na pawang katotohanan ang sinsabi niya.Isa sa mga dahilan kung bakit hanga ako sa kanya ay tungkol sa buhay niya.
Noong nag-aaral pa raw siya ay may banda sila.Tumutugtog sila sa kung saan-saan at ang pera na ibinabayad sa kanila ay ginagasto nilang lahat sa pag-aaral. Ang iba daw na kasama niya sa banda ay nasa ibang bansa na. Kung nag-interes daw siya na mangibang bansa at tumugtog doon ay sigurado daw na matutupad iyon. Dahil magaling siyang maggitara at umaawit din siya. Dahil sa kanilang banda ay second voice siya sa vocalist.Marami pang dahilan kung bakit hinahangaan ko siya. Ngunit ang masyado kong hinangaan sa kanya ay ng makasalba siya sa isang hinostage na babae.
Nasa kalsada siya at ginagampanan ang tungkulin bilang PNP-TMG. Nang may mapadaan na taxi na sa loob ay may hostage. Agad ay hinabol nila ng kasamahan niya. Dahil matraffic bigla ay nakalabas ay driver ng taxi at naiwan sa loob ang biktima at ang suspek na ang hawak ay patalim. Sigaw pa raw ng sigaw ang suspek na papatayin niya ang biktima habang nasa loob ng taxi at tinututukan ng patalim ang biktima. Kahit anong pakiusap raw nila na palayain na ang babaing biktima ay ayaw makinig ng suspek. Kitang-kita raw niya na masyado ng kinakabahan ang biktima dahil hindi nagbibiro ang suspek.
Sa tawag ng tungkulin na baka tuluyan ng suspek ang biktima agad ay nag-isip siya kung paano babarili ang suspek na hindi makakahalata. Dahan-dahan ay pumunta siya sa likod ng taxi. May mga reporter na daw noon at nakavideo na ang nagaganap. At ng makalugar na siya na barilin ang suspek agad ay pinaputukan niya sa kanang braso ang suspek na doon hawak ang patalim. At agad ay nadampot nila ang suspek na namimilipit na sa sakit.Iyak ng iyak daw ang babae na hinostage pagkatapos na siya ay makawala na sa suspek.
Dahil sa akala ng babae ay katapusan na niya. Sa araw na iyon agad ay ipinakita sa TV ang naganap na pangyayari. Bayani siya sa tingin ng iba ngunit sa mga magulang ng suspek ay hindi. Dapat daw ay hindi binaril ang suspek at pinakiusapan lang ng mabuti na palayain ang hinostage dahil sa ang suspek ay galing sa mental hospital at kalalabas lang ng araw na iyon.Lalo siyang nagulat ng siya ay kinasuhan ng mga magulang ng suspek na mayaman pala. Dahil sa tingin niya tama ang ginawa niya at di niya alam galing sa mental hospital ang suspek ay nilabanan niya ang kaso.
Umutang pa raw siya ng pera para ipambayad sa abogado.Ang masakit ay bawat hearing ng kaso ay pumupunta siya sa Maynila. Dahil isang linggo pagkatapos na mangyari ang insidente ay nagpalipat siya sa probinsya. Dahil sa pakiusap na rin ng mga kaibigan niya na baka siya gantihan. Nakailang hearing din daw ang nangyari hanggang sa siya ay manalo sa kaso.Kahit daw pala ikaw ay alagad ng batas at gumawa ka ng hakbang na sa tingin mo ay tama ay hindi ka nakakasiguro na tama nga ang iyong ginawa. Dahil iyon daw ang nangyari sa kanya.
Hanggang ngayon si Sir Bobby ay patuloy pa rin na nagseserbisyo bilang PNP-TMG. Tapat siyang naglilingkod.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment