Sir Donnie
Ni: ArvinU. de la Peña
Isa siya sa mga maestro na hinahangaan ko. Bukod sa napakagaling magturo ay guwapo pa! Disenteng-disente talaga ang dating niya kapag pumapasok na sa paaralan. Karamihan nga sa klase namin ay crush siya. Ngunit hanggan doon na lang dahil may asawa na si Sir Donnie. Iyon kasi ang pakilala niya sa amin. Taken na raw siya.
Isang umaga habang ako ay papasok sa paaralan ay tinawag ako ni Sir Donnie. Nasa tapat siya ng paaralan. Ewan ko kung sinadya niya talaga na hintayin ang pagpasok ko. Paglapit ko sa kanya agad ay sinabihan niya ako na kung puwede ay mamasyal raw kami sa Sabado. Nagulat ako ng sabihin niya sa akin iyon. Kasi sa isipan ko ay may asawa na si Sir. Dahil isa niya akong estudyante at crush ko rin si Sir Donnie ay pumayag ako.
Nasa loob na ako ng paaralan ay tuwa at takot ang nararamdaman ko. Tuwa dahil ako ang napili ni Sir na mamasyal at takot dahil baka makita kami ng misis niya at pagsabihan ako ng masama. Habang nagtuturo nga ang guro namin ay hindi ako nakikinig. Nasa isip ko talaga ang mangyayari sa sabado.At ng matapos na ang klase at si Sir Donnie na ang susunod na magtuturo ay namutla ako. Lalo na ng pumasok na siya. Habang siya ay nagtuturo tinitingnan ko talaga siya ng mabuti. Nasa isip ko ano kaya ang plano niya sa akin? Bakit? ako ang napili niya na mamasyal, gayong hindi naman ako masyadong maganda at mahirap lang kami.
Araw ng Sabado na pagkikita namin para mamasyal ay balisa ako. Ngunit ng makita ko na siya bigla ay nagalak ako. Paano? kasama ko ang guwapong si Sir Donnie na hinahangaan sa paaralan. Hindi siya mukhang thirty years old. Kundi mukha siyang twenty years old.Habang kami ay namamasyal na ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang asawa. Na love at first sight daw siya sa misis niya ng una niya itong makita. Nakilala daw niya ito sa isang seminar na pinuntahan niya. Isa daw itong guro. Halos magkasing-edad lang daw sila. Ngunit nagtuturo sa pampublikong paaralan sa probinsya nila.
Sa pagsasalaysay pa niya tungkol sa kanilang mag-asawa ay nalungkot ako ng magsabi siya na hindi raw sila nagkakaroon ng anak. Sa loob daw ng pitong taon na sila ay mag-asawa hindi nagbubuntis ang misis niya. May diperensya daw ito. Dahil sabi ni Sir ay hindi siya baog. Gusto na raw niya na magkaroon ng anak.Sa pagtapat ng isang restoran bigla ay nagyaya siya na kumain kami.
Habang kami ay kumakain na bigla ay nagsalita siya ng hindi ko inaasahan. Oo, crush ko si Sir Donnie at alam niya iyon dahil nakikita niya sa kislap ng mga mata ko kapag siya ay aking tinitingnan. Pero hindi ako desperada na babae para pumayag sa kanyang alok na maging kabit para siya magkaroon ng anak. Dahil bata pa ako at may pangarap pa sa buhay na dapat tuparin. Pagkasabi ko sa kanya na ayoko ay ayos lang sa kanya. Hiniling lang niya sa akin na sana walang ibang makaalam sa pinag-usapan namin. At pumayag naman ako.
Pagdating ng Lunes sa oras ng klase ni Sir Donnie parang wala lang nangyari. Nakibati rin ako tulad ng iba kong kaklase ng "good morning sir." Nasa isip ko kung may anak lang sana si Sir Donnie masayang-masaya sana siya.Sa likod ng kanyang mga ngiti kapag nagtuturo ay may nakatago palang kalungkutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment