Ang Bobong Bayani
Ni:Arvin U. de la Peña
May isang tao na ang tawag sa kanya ay bobo. Siya ay nasa grade six sa paaralan. Sa kanilang klase siya ay tampulan ng tukso. Madalas nagkakatuwaan ang mga kaklase niya lalo kapag sinasabihan siya kung bakit nakakapasa gayong bobo naman. Lahat na mga pangungutya sa kanya ay tinitiis niya lang dahil sa pagkakaalam niya nakakasagot naman siya minsan kapag tinatanong ng guro. Hindi lang madalas na nakakasagot siya. At kung may pagsusulit naman ay nakakakuha naman siya ng iskor.
Minsan nga lang ay zero.Ngunit sa kanilang bahay ang tinatawag na bobo ay isang magandang halimbawa ng mabait na bata. Tumutulong muna siya sa lahat ng gawaing bahay bago siya maglaro. Palibhasa ay mahirap sila ay halos hanga ang mga kapitbahay niya sa sipag niyang mag-ibig ng tubig at kung ano pa na gawain sa bahay.
Minsan sa klase nila nagkaroon sila ng field trip. Sasakay sila ng bus at pagkatapos sasakay naman ng bangka para makapunta na sa pakay nila. Isa sa kasama ang tinatawag nilang bobo. Sa loob ng bus ay masayang-masaya silat at nagkakatuwaan pa dahil sa panunukso at pagbibiro kay bobo. Si bobo naman ay wala lang kibo. Pagkatapos na nilang sumakay ng bus ay umupa na ang guro nila ng tatlong bangka para makatawid sa dagat.
Sa simula ay sinabihan na sila na medyo maalon kaya dapat ay umupo lang ng maayos at huwag malikot pag nasa bangka na.Nang umalis na ang tatlong bangka ay masyadong masaya ang mga estudyante na sakay si bobo. Binibiro pa nga na sana ay maglangoy na lang si bobo kasi magaling din naman siya maglangoy.
Sa di inaasahang pangyayari ay bigla lumakas pa ang alon at doon ay tumaob ang bangka na sinasakyan nina bobo. Palibhasa siya lang ang masyadong marunong lumangoy bukod sa nagmamaneho ng bangka ay bigla tinulungan niya ang mga kaklase niya na makakapit sa tumaob na bangka. Kita ng mga sakay ng dalawang bangka na mga kaklase din niya ang ipinakita niyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod.
At aminado ang guro at ang ibang kaklase na kung hindi dahil kay bobo ay may nalunod na estudyante dahil hindi makakaya ng mag-isa ng nagmamaneho ng bangka na masagip lahat na estudyante lalo at malayo-layo pa ng konti bago nakarating sa kanila ang dalawa pang bangka.Pagkatapos ng trahedya ay umuwi na lang sila.
Lahat na mga estudyante pati ang guro nila ay tinsiyonado pa rin sa nangyari. At si bobo ay ganun pa rin walang kibo dahil noon pa ay di talaga siya kasundo ng mga kaklase niya. Pag-uwi sa bahay ay agad na ikinuwento ni bobo ang nangyari sa kanyang mga magulang. Doon ay ipinagmalaki niya ang kanyang kabayanihan at umaasa siya na dahil doon ay sana di na siya tuksuhin pa ng mga kaklase niya.
Kinabukasan sa paaralan dahil alam na ng lahat ang nangyari ay nagpasya ang principa ng paaralan na bigyan ng parangal si bobo sa kanyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod. Ngunit ay ipinagtaka nila ay ala siyete na ay di pa rin dumarating si bobo sa paaralan. Gayong kahit kailan ay di nag absent si bobo.
Pupunta na sana ang guro sa bahay nina bobo ng bigla ay dumating ang pinsan ni bobo para ipaalam na kailanman ay hindi na makakapasok si bobo sa paaralan dahil patay na siya. Lahat ay nabigla sa ibinalita na patay na si bobo. Di sila makapaniwala na mamamatay si bobo ng ganun kadali. Ang mga kaklase niya ay nag-iyakan. Iyon na sana ang araw na hihingi ng tawad ang mga kaklase niya sa ginagawang panunukso. Iyon na sana ang araw ng tatawagin na siya sa tunay niyang pangalan na Edward.
At ang kanyang guro habang may luha sa mga mata ay sinabihan ang mga estudyante na wala ng ang bobo na madalas na tuksuhin. Sa kanilang bahay naman nina bobo ay nag-iiyakan pa rin ang mga nandoon lalo na ang kanyang mga magulang. Nang dumating ang guro ay agad na umiyak at nagsalita pa tungkol sa kabayanihan ng kanyang estudyante.
Ang iba ay sinasabi na bangungot ang ikinamatay ni bobo. Ang iba naman ay baka sakit sa puso. Pagdating ng mga tao nu susuri kung bakit namatay si bobo ay agad sinuri ang bangkay ni bobo. Doon ay may nakita kanyang binti na namamaga dahil sa kinagat ng kung ano. Nang ikuwento sa sumuri sa bangkay ni bobo na siya ay nagligtas sa kapwa estudyante na nalulunod sa kahapon ay agad nagsabi ang tao na baka habang nasa dagat si bobo at nagliligtas sa mga kaklase na nalulunod ay baka may kumagat sa kanya at ang lason ay mga ilang oras muna bago umepekto.
Ang namamaga sa binti na kinagat ng kung ano ang naging basehan sa pagkamatay ni bobo ng mga tao na sumuri sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment