Saturday, March 11, 2023

Ang Pag Rally

 


Ang mga pag rally ay malaking tulong para sa mga pilipino. Dahil ang mga pagrally ang layunin ay interes ng sambayanan. Hindi pansariling interes lamang nila.


Masakit isipin na ang mga nagrarally ay tinatawag na komunista gayong ang ginagawa lang nila ay maipaabot sa gobyerno ang nararapat para sa hangarin nila. Karapatan naman ng mga pilipino ang magsalita, ilabas ang hinaing ayon sa saligang batas.


Kung hindi sa mga pagrally siguro ang sahod ng mga manggagawa hindi pa rin kasya sa kanila. Malaking tulong ang mga pagrally nakaraang taon na ang gusto ay dagdagan ang sahod na nangyayari naman. Dati kapag nagpaload ka ang expiry ay 3 days lang o kaya 15 days, o kaya 30 days.. Dahil sa mga nagrereklamo ang bawat pagpaload ang expiry ay isang taon na. Malaking tulong iyon para sa mga subscribers.


Kung ikaw ay nagbabatikos sa mga nagrarally ay dapat makonsensya ka na.  Dahil ang mga pagbatikos mo sa kanila ang hangarin nila ay nakamtan mo naman. Dahil sa kanila ay nabiyayaan ka kagaya tumaas ang suweldo mo o anu pa. Kaya dapat ay magpasalamat ka sa kanila na mga nagrarally.



Thursday, January 12, 2023

Sibuyas

 


Sobrang mahal ngayon ang presyo ng sibuyas. Halos mas mahal kumpara sa sahod ng mga ordinaryong manggagawa. Ang Pilipinas ay matatawag na agricultural country, pero bakit ganun ang nangyayari. Para sa akin kung ako ang tatanungin ay kulang sa suporta ang mga pilipinong magsasaka. Kapag nag aani na sila ng mga tanim sabihin na natin na sibuyas ang pinagbebentahan nila ng kanilang ani ay sabihin na over supply kaya hindi puwede na bilhin ng kung ano ang nararapat na presyo na gusto ng mga magssaka. Ang mangyayari ay ibenta na lang ng mura ang ani. Ang hindi alam ay taktika lang din para makatipid sa pagbili ng buyer at ang mga binili ay ibenta ng mahal ang presyo sa mga pamilihan.


Ang inportation kagaya ng sibuyas para daw bumaba na ang halaga ng presyo ay parang wala rin silbi. Hindi makatulong na bumaba ang presyo ng sibuyas. Nag angkat ng bigas mula ibang bansa, nag angkat ng mga isda mula ibang bansa. Ang mga iyon na pag angkat ay nakatulong ba para bumaba ang presyo ng bigas at isda. Hindi, hindi nakatulong kundi ganun pa rin ang presyo. Ang mga nasa ibang bansa na mga magsasaka o negosyante ay hindi nanan sila tanga para ibenta ang produkto nila ng mura. May bayarin din para sa pag import kaya imposibible talaga na nakakatulong ang pag import para bumaba ang presyo. Kung makatulong man bumaba ang presyo ay konti lang ang ibaba.


Tulungan ang mga magsasaka. Hindi biro ang gawain nila. Para kumita ay grabeng sakripisyo ang kailangan.


Sunday, September 11, 2022

Song title pangarap Compose by Arvin dela Pena.song by meliton talaba.. ...

Bawat isa sa atin ay mayroon pangarap. Sino nga ba naman ang walang ambisyon sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit naisulat ko ang kantang ito na Pangarap. Ang kantang ito sana makapagbigay inspirasyon sa mga makarinig.


Monday, August 1, 2022

Labanan Ang Fakenews


Ang fakenews ay nakakasira sa kaisipan ng tao. Kahit matalino ay napapaniwala sa fakenews. Hindi mabuti ang ganun kasi kung magpapatuloy ay walang magandang kahihinatnan ang bansa, maging kawawa ang mga pilipino. Hindi lang sa ngayon kundi pati sa hinaharap na panahon.

Kapag may nababasa na fakenews o napapanood ay dapat na ito ay salungatin ng katotohanan. Huwag mahiya at matakot magsabi sa katotohanan. Dahil ang ipinaglalaban ay para naman sa ikabubuti ng lahat. 

Kung malinis ang pagkatao ng isang tao ay sisiraan ng sisiraan sa mga fakenews at maraming tanga ang mapapaniwala kahit hindi totoo.Ganyan ang nangyari kay VP Leni Robredo. Masyadong siniraan ng mga fakenews na pinaniwalaan ng mga tanga at uto-uto. Sila na mga nagpapakalat ng mga fakenews ay wala silang konsensya. Masaya sila na marami silang nauuto, higit sa lahat kumikita pa sila pagpalaganap ng mga fakenews.

Kaya hanggat maaari huwag maniwala sa mga fakenews higit sa lahat ito ay labanan.

Tuesday, May 31, 2022

Bobotante

Ang pagkatalo ni VP Robredo sa halalan ay pagkatalo ng sambayanang pilipino. Sinayang ng napakaraming pilipino ang mapagsilbihan sila ng isang Leni Robredo. Sadyang napakarami na rin ang tinatawag na mga bobotante. Ang mga bobotante ay sila ang mga tao na hindi marunong pumili ng tamang kandidato na magsisilbi bilang politiko. Sa desisyon ng mga bobotante ay damay ang mga tao na bumoto kay VP Robredo. Kung magpapatuloy pa na sa bawat halalan ay napakaraming bobotante ay walang magandang kahihinatnan ang bansang Pilipinas.



Friday, March 25, 2022

Tula Para Kay Leni Robredo

Ang tulang ito ay sinulat ko para kay VP Leni Robredo na tumatakbo pagkapangulo ng bansa.


Tula Para Kay Leni Robredo

Ni: Arvin U. de la Peña


Sa iyo nakikita ang pag-asa

Bansang naghihirap at nagdurusa

Sa bawat binibitawan mong salita

Nagbibigay inspirasyon sa madla.


Mga tao ay nagkakawang gawa

Upang ikaw ay suportahan nila

Mula sa iba't ibang lugar ng bansa

Nagkaroon grupong kakampink upang ipaglaban ka.


Walang katulad ang sa iyo paghanga

Mayaman man o mahirap labis pinapakitang suporta

Gumagasto ng sarili nilang pera

Upang magamit ikaw ay ikampanya.


VP Leni Robredo marami sa iyo nagtitiwala

Mangyari sinusulong na plataporma

Pilipinas ay magkaroon uli ng sigla

Kapag ikaw ay naging pangulo na.



Friday, January 28, 2022

Ikaw at Ikaw parin song by Meliton Talaba.A.K.A..Mel Regaza..Compose by ...

Kasiyahan sa akin na ang sinulat kong kanta ay awitin ni Meliton Talaba a.k.a. Mel Regaza. Nakailang weeks din siya sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime.