Thursday, January 12, 2023

Sibuyas

 


Sobrang mahal ngayon ang presyo ng sibuyas. Halos mas mahal kumpara sa sahod ng mga ordinaryong manggagawa. Ang Pilipinas ay matatawag na agricultural country, pero bakit ganun ang nangyayari. Para sa akin kung ako ang tatanungin ay kulang sa suporta ang mga pilipinong magsasaka. Kapag nag aani na sila ng mga tanim sabihin na natin na sibuyas ang pinagbebentahan nila ng kanilang ani ay sabihin na over supply kaya hindi puwede na bilhin ng kung ano ang nararapat na presyo na gusto ng mga magssaka. Ang mangyayari ay ibenta na lang ng mura ang ani. Ang hindi alam ay taktika lang din para makatipid sa pagbili ng buyer at ang mga binili ay ibenta ng mahal ang presyo sa mga pamilihan.


Ang inportation kagaya ng sibuyas para daw bumaba na ang halaga ng presyo ay parang wala rin silbi. Hindi makatulong na bumaba ang presyo ng sibuyas. Nag angkat ng bigas mula ibang bansa, nag angkat ng mga isda mula ibang bansa. Ang mga iyon na pag angkat ay nakatulong ba para bumaba ang presyo ng bigas at isda. Hindi, hindi nakatulong kundi ganun pa rin ang presyo. Ang mga nasa ibang bansa na mga magsasaka o negosyante ay hindi nanan sila tanga para ibenta ang produkto nila ng mura. May bayarin din para sa pag import kaya imposibible talaga na nakakatulong ang pag import para bumaba ang presyo. Kung makatulong man bumaba ang presyo ay konti lang ang ibaba.


Tulungan ang mga magsasaka. Hindi biro ang gawain nila. Para kumita ay grabeng sakripisyo ang kailangan.


No comments: