Sunday, October 11, 2009

Tunay Na Pagtulong

"Sometimes it is too late to be hero."



TUNAY NA PAGTULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang tunay na pagtulong ay hindi ipinagmamalaki
Hindi ipinagkakalat sa mga tao
Kung magkanong halaga ang ibinigay
Dahil kung ganun ay di tapat ang pagtulong mo.

Bagkus ikaw ay nagyayabang
Nagmamayabang ka na angat ka sa iba
Mas mayroon kang kakayahan
Magbigay ng maitutulong sa nangangailangan.

Kung tunay kang tumutulong
Dapat nung panahon na kailangan ng tulong
Ay naroon ka sa kanila
Handang ibuwis ang buhay maisalba lang sila.

Tumulong ka ng naaayon
Hindi dahil nagkakaroon lang ng kalamidad
Mas hahangaan ka kung iyon ang gagawin mo
Dahil iyon talaga ang may malasakit sa kapwa.

18 comments:

Unknown said...

wow, that is true! if you will just helped people just to be known and be famous, direct fame ang tawag dun, just back off. you did helped but the hidden agenda was so horrible. Wag ka nlng tumulong if you have the ability to impress people because you wanted something from them. God will never look on how big or small, he will look on how serious and heartily you give! nice post!

Arvin U. de la Peña said...

@Tim........salamat at muli nagustuhan mo ang sinulat ko..ganun kasi iyon eh kapag may ibinigay ay binabanggit pa ang amount..at kadalasan sa ganun ay iyong mga celebrity..hehe..para lalo silang hangaan at para pag may takbuhan sila sa halalan ay iboto sakali dahil galante..

Jag said...

NIce Blog! Quite unique from the rest. Keep it up bro! I`ll sure link this up hope you do too with mine. Dalaw ka din minsan sa mundo ko...nweiz, totoo ka sa sinabi mo na ang tulong ay hndi lng dapat ngyayari sa panahon ng kalamidad...nkklungkot na may mga umaabuso at gnagamit ang pagkakataon pra sa sarili nilang kapakanan tulad ng mga pulitiko...

Xprosaic said...

Ahahahhahaha... daming pinatamaang pulitiko at artista niyan ah... jijijijiji... well tama naman talaga pag tumulong... tulong na lang, wag na ibroadcast na tumulong ka pa... naiiba na ang meaning eh... jijijijijiji

Ayie Marcos said...

Hi Arvin. Ganyan ang buhay eh--hindi mo na alam ang dapat at tama sa peke at sa totoo.

Mahirap.

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.......salamat sa pagbisita sa blog ko..talagang ganun minsan sinasamantala ang mga pangyayari ng ibang tao para sila mapag usapan..lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon..add mo ako sa blog list mo at add din kita..

@I am Xprosaic..........hindi lang naman artista at politiko kung hindi ay sa iba pang mga tao ang puwedeng tamaan ng sinulat kong ito..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Ayie.........mahirap ngang malaman kasi sa ngayon marami ang nagbabalatkayo..akala ay mabuti pero di pala..napakasama pala..mahirap ng magtiwala ng tao..

Glenda is the name. =) said...

loveeett! well written!

fiel-kun said...

Very well said indeed. Ang pagtulong talaga sa kapwa ay dapat bukal sa kalooban at walang hinihintay na kapalit.

Keep it up sir Arvin!

Arvin U. de la Peña said...

@Glenda.........salamat at you love what i write..

@fiel-kun..........ganun ang tunay na pagtulong..walang hinihintay na kapalit..at hindi na expect na may kapalit ang ginawang pagtulong..okey sa akin na ang tawag din ay sir arvin, hehe..

Jag said...

Parekoy! Napadalaw lng uli...naisama n kita sa listahan ko jijiji... salamat bro!

Rcyan said...

...maraming ipokritong tumutulong lang for self-recognition.

The thing is, we should not follow their example. It's always important to be sincere and true.

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.........salamat sa muli mong pagbisita..at salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add na rin kita..i will add you also to my blog list..

@Rcyan M........korek ka rin..bihira lang ang tumutulong na walang pansariling interes sa kanilang tinulungan..mostly kapag tumulong sila ay they expect something..

Meryl (proud pinay) said...

dapat ang pagtulong ay taos sa puso at di ng dahil sa gusto lang sumikat o ano pa man...

Gag Ong said...

astig, tamaan sana lahat ng lintik na mga pulitiko lalong lalo na yung mga nilalagay pa yung mga muka sa mga plastik at styrofoam ng pinamimigay nilang relief goods.

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl.......oo nga dapat ganun ang pagtulong..ang hirap kasi ngayon ay tumutulong just for popularity..

@Gag Ong..........tamaan nga sila, hehe..ganun ba ang mga styrofoam na ipanamimigay ay may mukha ng isang tao na balak kumandidato....

ROM CALPITO said...

ang mhalaga tumulong kahit sa anong paraan, mas mahirap cguro yung hindi na nga nakakatulong namimintas pa di ba?

ilagay natin sarili natin sa mga nangangailangan ng tulong,

tayo ba pag nanganga ilangan ng tulong may tumulong sa atin sa harap ng kamera magagalit ka kaya sa tumutulong sa iyo dahil nkaharap sa kamera? di ba mas mahalaga yung tumutulong kaysa hindi.

Unknown said...

Salamat...Nakapag Assignment ako dahil dito