Sunday, October 25, 2009

Palagay Mo Ba

"May mga tao na akala nila ay sila lang ang kaligayahan ng tao na iniwanan nila. At ang ginawa nilang pag-iwan ay sinasabi pa sa kanilang mga kaibigan. Nagtetext, nag-eemail, o kung ano pang paraan ng komunikasyon para masabi sa kaibigan ang pag-iwan nila sa tao. Birds of the same feather fly together talaga. Sila-sila ay nag-aamuyan ng kani-kanilang mga baho."


Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not merely a one time trip, but a lifetime journey.

PALAGAY MO BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Palagay mo ba dahil wala ka na sa akin
ay di na ako makakakilos
Magiging malungkutin na ako
Mistulang isang bato na lang
Palagay mo ba ikaw lang ang
kaligayahan ko wala ng iba
Sa iyo lang ako puwede makaramdam
ng tunay na ligaya.

Palagay mo ba ikaw lang ang nalalamigan?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakatulog
ng may aircon?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakahiga
sa isang malambot at makapal na kama?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakakain
ng masarap na ulam?
Palagay mo ba hindi ko kayang makapag computer?

Palagay mo ba hindi ko talaga ramdam
na ikaw ay isang mata-pobre
Sa mga katulad mo lang ikaw nakikisalamuha
Iniiwasan mo ang sa palagay mo ay isang
hamak na hampas lupa lang
Palagay mo ba nanghihinayang talaga ako
na ikaw ay wala na sa akin
Kung sa palagay mo ay may panghihinayang ako
ay malaki ang pagkakamali mo
Dahil nagpapasalamat ako sa maaga pa lang
na maganda ang ating relasyon
Ay lumabas ang tunay mong pagkatao
Lumabas ang tunay na ikaw
Ang tunay mong kulay.

Palagay mo ba hindi ka rin makakapantay sa iba
Ikaw lang ang angat
Kung ganun ay nagkakamali ka rin
Dahil darating din ang araw
Papantay ka rin sa iba
Ang mga paa mo ay tuluyan ng magpapantay
Hindi na maitataas ang kahit anong paa mo
Para may apakan na tao.

Palagay mo ba wala na talagang pag-asa
pa sa akin
Dahil ang anino mo ay hindi ko na nakikita
Isang kahangalan kung ganun ang iniisip mo
Dahil ang bawat isa kapag iniwanan ay may pag-asa
pang makahanap na papalit sa nag-iwan
Palagay mo ba ano?
Ano sa palagay mo?

24 comments:

Unknown said...

Correct! hehe.. Pag may nang-iwan ay may pagkakataon pa para bumangon at humanap pa ng ibang paraan para pumantay ka sa taong nagmaliit sayo. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Xprosaic said...

Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not merely a one time trip, but a lifetime journey.--- tama! pero may iilan pa rin namang kasakasama mo hanggang sa kaduluduluhan... jijijijiji

Jag said...

That was sad bro...is it happening to you now? I hope not...friends can make you happy and they can make you cry too...sadyang ganoon tlga hndi maiiwasan...

eden said...

there are friends that will come and go but there are also who will stay with you forever..

Unknown said...

You don't need to focus on your mistake and being down at this moment. it only show that there must be greater thing that will happen to you, a wonderful thing that God has been waiting for you to claim it...

Arvin U. de la Peña said...

@Solo..........oo nga..sino naman sila sa akala nila..di ko sila pinanghihinayangan kung ang isang tulad ko ay layuan na nila..ang dami pang puwede na makaibigan at makainuman ng san miguel beer o kaya kahit anong nakakalasing..hehe..

@I am Xprosaic........may iba na naging kaibigan na hindi talaga nang-iiwan..sila iyong tunay at tapat na tao..tapat na naging kaibigan..maaasahan sila na tao dahil laging nasa iyo sa kahit ano pa.......

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...........i don't think so kung nangyayari nga ito ngayon sa akin..ang kaibigan ay nagpapasaya nga at minsan nagpapalungkot pa sa atin..but that is life..part iyon ng buhay ng tao..di nakapagtataka..

Arvin U. de la Peña said...

@Eden..............tama ka diyan..ang kaibigan na nasa iyo forever ay bihira lang..kaya nga kung alam mong siya ay maaasahan talaga at di ka iiwan ay treasure him or her para di ka layuan o iwasan..

@Tim..........salamat sa paalala mo..oo nga eh at saka may iba pa namang mga tao..di lang naman sila ang tao na puwedeng maging kaibigan sa ating buhay.......

Kablogie said...

Arvin salamat sa pagbisita mo lagi sa akin bahay...Im back now! ^_^

AJ said...

"may ibubuga pa si erap"...
hope so!

(perhaps only if he would win, but voters doubt now after all what happened in his short term..)

"para sa akin ay mabuti si erap kasi hindi siya masyadong nagpahawak sa mga big time na mga negosyante" - you mean nagpahawak pa rin sya?

PALAGAY KO we are entitled to our own opinions in our blogs..and reactions too. so your counter are NOTED.

iyon lang din..

txs.

fiel-kun said...

Sa palagay ko... isa na namang obra ang iyong nalikha. nice poem Arvin ^_^

Bihira na lang na talga na makatagpo ng isang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan hanggang uli.

Ayon nga sa kasabihan, friends are rare and be sure to treasure them. :D (tama ba tong quotes ko or gawa-gawa ko lang haha )

Anonymous said...

sakto! may mga taong akala mo diyos sila..tsk

Grace said...

Rise up! Soar! Ipakita mo sa kanila that you became a better person after the storm.
Be glad na lang that it was over and learn from it constructively so that you don't have to go over it again.

iya_khin said...

sa palagay ko nga! may tama ka!ehehe!

Wanderer Tolentino said...

another good poem from you ^^

Arvin U. de la Peña said...

@Kablogie............walang anuman iyon..kasi tinutupad ko lang ang sinabi ko na dahil na add mo ako sa blog list mo ay ipapaalam ko kapag may new post ako..ganun kasi ginagawa ko..halos lahat ng nasa blog ko ay nag memessage ako na ibig sabihin ay may new post ako..except lang kung ang message ko ay dumaan lang or kumusta na.......hehe

@AJ.........may ibubuga pa naman siya..tatakbo ba siya kung hindi siya gusto ng marami ding mga tao..oo nagpahawak pa rin siguro siya pero hindi gaano kahigpit..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Fiel-kun.......bihira na nga talaga..kaya nga kung may nakilala ka at nakaibigan na palagay mo ay mabuti talaga ay huwag ka gumawa ng hakbang na maaari niyang ikagalit sa iyo..

@pumpkienpie........mayrun nga..ang mga iyon ay hinahayaan na lang kasi di lang naman sila ang tao na puwede na maging kaibigan..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace.........salamat sa sinabi mo sa akin..nakakainspired iyon..pagkatapos ng bagyo at ulan ay may maganda pa namang sikat ng araw na darating..hehe

@Iya_khin........may punto nga ang sinabi ko..marahil ay tama..tama ng alak, hehe..joke lang...

Arvin U. de la Peña said...

@MitsuMikotoChstr........thanks at you like this poem..

Meryl (proud pinay) said...

talagang ganyan friends come and go...but may time na magkikita rin ang mga landas nyo..tapos papa burger ka ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl.........oo nga pero sa oras na muling magkita ay iba na ang nararamdaman..kung magka usap man ay hindi na masyadong masigla gaya noong di pa nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan......nagkakaroon na kasi ng pag aalinlangan..

Anonymous said...

hay naku yang mga nag-iiwan na yan dapat kinakalimutan... hihi... madami pa jang iba, may darating na mas ok...

Xprosaic said...

Yup! at ang mga kaibigan ay masarap kasama sa inuman... jijijijiji

Arvin U. de la Peña said...

@dhyoy............oo nga..pero minsan mahirap silang kalimutan kasi may mga pinagsamahan din..talagang may dumarating na ibang mga kaibigan..

@I am Xprosaic..........masarap nga lalo kapag sa inuman na may videoke..habang umiinom ng malamig na beer ay kumakanta ng mga paboritong kanta..iba ang pakiramdam kapag sa inuman may kumukanta..nakakawala din ng kalasingan, hehe..