Sunday, October 18, 2009

Rosas

"It is better to become a river, because it flows forever. Than a flower that blooms only in summer."


ROSAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Mamumulaklak na ang pulang rosas
Unti-unti ng nakikita ang kanyang ganda
Kayrami ng mga paru-paro
Ang umaaligid para makasipsip ng nektar.

Sayang wala ang may-ari
Mabantayan sana ang bulaklak
Hindi rin sana magkakaroon
Nang mga uod na siyang sisira sa rosas.

Kaninong mga kamay kaya
Ang pipitas sa pulang rosas
Sana kung pitasin ay ingatang mabuti
Huwag basta iwanan na lang.

Sapagkat sayang ang pulang rosas
Kung ihulog lang pagkatapos pitasin
Madaming pawis ang tumulo sa may-ari
Sa pagdilig niya kahit may sikat ang araw.

25 comments:

Jag said...

Nag-alaga ako ng rosas nung nasa mababang paaralan pa lng ako. Masakit para sa akin ang pitasin ang bulaklak lalo pa`t pinaghirapan ko itong alagaan jijiji...may laman ang iyong tula...

=supergulaman= said...

hindi ako mahilig sa bulaklak...maging ang aking grasya ay hindi din mahilig sa anumang bulaklak o maging sa rosas...magkagayunman ang rosas ay hindi lamang tungkol sa kanyang ganda at halina...tungkol din ito sa mga tinik na nasa tangkay ng kanyang pamumukadkad...

maganda ang tula...isang tula ng paghanga at paghihintay sa rosas ng kanilang buhay... :)

Grace said...

Maganda! Ganuon ba yon? Sige, river na lang ako. He-he-he

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.........ang pagtatanim mo ng rosas ay parte ba sa pag-aaral mo o sa inyong paligid ng bahay ka lang nagtanim..ganun nga iyon pag may bulaklak na ang iba hihingi..siyempre magbibigay ka kasi kaibigan o kakilala ang humihingi..

@Supergulaman........salamat at nagandahan ka sa tula kong ito..may tinik nga ang rosas..pero di naman masyadong masakit..siguro naman nabigyan mo rin ng rosas noon ng nililigawan mo pa lang ang iyong grasya..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace.........thanks..river ka..hmmmmm..ako dagat..haha..

Xprosaic said...

Ang bulaklak ay may climax din o peak ika nga dumarating na ubod ito sa ganda pero syempre nalalanta din ito... kahit ano pang pagaalaga darating pa din ang point na di lahat kaya mong protektahan... jijijijiji...

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.......what kind of climax..hehe..ang tao nga din may climax haha..nalalanta nga ang bulaklak..kaya habang di pa nalalanta ay namnamin ang ganda..hehe..huwag lang abusuhin..

Meryl (proud pinay) said...

ganda ng poem..
sige ako naman ay ocean...

=supergulaman= said...

aheks...yun nga parekoy eh...kahit kailan inde ko pa sya nabibigyan ng rosas o akhit na anu mang bulaklak...sinubukan ko noon..kaso nga papalapit pa lang ako sa flower stand...nasermunan na ako... kasi sabi nga nya may mas mahalaga pa daw na dapat na paglaanan kasya sa bulaklak... pero magkagayun man...ninais ko pa din na mabigyan sya...nagkataon lang na mas lagi nya akong inuunawa kasya sarili nya... kahit papano gusto kong suklian yun... :)

glee said...

matalinghaga ang iyong tula. maganda ang nilalaman at magandang pag-isipan ;)

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl.........thanks meryl at nagustuhan mo rin ito..ako rin dagat kasi malawak at mas madami ang likas na yaman ang makukuha sa dagat..hehe..salungat na yata ito sa post ko...

@Supergulaman..........sana lalo pang tumibay ang relasyon niyong dalawa..hanga ako sa kasintahan mo at inuunawa niya ang mas mahalaga pang bagay kaysa sa mga ganun na bulaklak..hangad ko ang tagumpay niyong dalawa..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn..........salamat rin sa iyo..at higit sa lahat salamat sa pagbisita at pagbasa sa naka post sa blog ko..

darkhorse said...

talented ka talga! keep it up tc!

Arvin U. de la Peña said...

@darkhorse.......salamat..i will..

Rcyan said...

hmmm. ang mga bulaklak ay maganda sa mata, pero napakahirap alagaan.

Unknown said...

Oh, that is stunning! i love the rose! it is love!

Pretsel Maker said...

nice one gawa nga ako gaya nyan ahehe

Arvin U. de la Peña said...

@Rcyan M........tama ka..maganda ngang tingnan pero mahirap alagaan..pag magtanim ka na mula sa pinutol mo lang dapat ay hindi muna pasisikatan ng araw..kasi pag masikatan iyan ng araw ay hindi mabubuhay..kahit nga hindi bulaklak basta bagong tanim ay pag masikatan talaga ng matindi ng sikat ng araw ay bihirang mabuhay.......ganun ang obserbasyon ko..

@Tim..........rose is for love nga..love your rose lalo na kung ang mahal mo ang pangalan ay rose, hehe.......

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker........ganun ba..katunayan ay nakita ko ang sinulat mo..maganda ang tula na river flow na sinulat mo..add nga pala kita sa blog list ko..sana ay add mo rin ako..

Meryl (proud pinay) said...

dropping by again ^_^

eden said...

nice poem arvs.

salamat sa dalaw.

Xprosaic said...

Hehehehhehe... UU nga... at gaya ng rosas na kung minsan mukha nang lanta ang rosas pero may iilan pa rin iniipit ito sa libro para lang mapreserve... ang tao naman... kahit nagbago na, dahilan sa katandaan, pero may iilan na handang magsama hanggang sa kahulihulihan...

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.........nagkaroon din kami ng project noon sa elementary na ang bulaklak ay iniipit sa libro ng ilang araw..tapos ay ilagay sa bond paper..project namin iyon..tungkol naman sa tao ay iyong may wagas talaga na pagmamahalan ang nagsasama habang buhay..ganun iyon..pinanindigan nila ang kanilang sumpaan na magsasama talaga sa hirap at ginhawa..

Anonymous said...

makatang makata..
ayos!

Arvin U. de la Peña said...

@Bino..........salamat sa pagbisita sa blog ko..ganun ba..hilig ko lang magsulat talaga..