"Linisin mo muna ang iyong sarili bago ka magsabi sa isang tao na linisin ang kanyang sarili. Sa madaling salita ay punasan mo muna ang baho sa iyong katawan bago ka pumunas ng baho ng ibang tao."
MATINO
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung matino ka na tao hindi ka magsasabi
Sa isang tao na siya ay magpakatino
Dahil kung matino ka
Hindi ka makikialam sa buhay ng ibang tao.
Matuto kang tumanggap ng katotohanan
Na ang bawat tao ay iba-iba ang ugali
Huwag kang makialam sa kanya
Lalo at hindi ikaw ang nagpalaki at nagpapakain sa kanya.
Pinapahiya mo lang ang sarili mo
Pati na ang iyong pamilya
Hindi mo hawak sa leeg ang isang tao
Para siya ay pagsabihan mo ng kung ano.
Kung ganyan ka dapat ay maging guro ka
Doon ka dapat sa paaralan
Hindi sa kung nasaan ka ngayon
Para doon ay mangaral ka ng mga estudyante.
Huwag ka ng gumanyan
Ibuhos mo ang atensyon sa iyong sarili na lang
Ito ay isang payong kaibigan lang
Mula sa aking puso.
Thursday, October 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Mas madali pa rin gawin yung "kung wala ka namang magandang sasabihin wag ka na lang magsalita" jijijijiji... walang perpekto kaya walang dahilan ang pagpupuna sa iba...
(blog walking) i totally agree. ^^
ummmm...pero minsan masakit din ang masabihan na wala kang pakialam...
ang akin lang...tama lang din minsan ang pumuna ng kapwa...lalo kung ang iyong layunin ay para sa ikabubuti nya... ngunit sa kabilang banda, hindi ito magiging kaaya-aya kung ito ay nakakapagpababa ng pagkatao ng iba... :)
pers time ko dito... ^^
NYOG | Not Your Ordinary Guy
if you don't have good thing to say just shut up! wag n mg dada...
that`s true! we are of different characters ...of different personalities...so better mind your own jijijijiji...
@I am Xprosaic......oo nga tama ka..wag na lang magsalita kung hindi rin lang maganda ang sasabihin kasi minsan nakakasakit ng tao..at saka huwag makialam lalo kung hindi ka naman niya pinakikialaman..
@aneng.......salamat sa iyong pagbisita sa blog ko at sa pag agree mo sa post kong ito..
@supergulaman......madalas na kapag ang isang tao ay pinuna sa kanyang gawa o anu pa man ay parang bumaba ang kanyang pagkatao..kasi madalas ang isang tao kapag may ginawa para sa kanya ay perfect iyong ginawa niya..kaso hindi pala..nakakasakit nga iyon minsan sa isang tao at nauuwi sa pagtatalo..pero may iba naman na mapagkumbaba at kahit punahin ay ayos lang kasi dahil doon sa pagpuna ay maitutuwid ang mali niyang ginawa..
@NYOG........sana bumalik ka uli rito..at salamat sa pagbisita sa blog ko..
@Tim........korek ka..para sa akin ay huwag makialam sa isang tao kung ikaw ay hindi naman niya pinakikialaman lalo na kung walang relasyon sa buhay..
@Jag.......yah,..bawat isa sa atin ay may kanya kanyang ugali..at may kanya kanyang diskarte sa buhay..kung anuman ang makitang di maganda sa isang tao ay hayaan na lang kasi ang isang tao ay alam niya kung anuman ang kanyang ginagawa..alam niya kung ano ang tama at mali..
kung hiningi opinion - ok lng...pero kung hindi di wag ng magsalita dba? nice topic tc!
Ang pagtama naman sa mali tanda ng pagibig sa kanyang kapwa. Sa tingin ko kung may mali sa isang tao dapat talaga itama kahit na hindi natin maaalis na may kamalian rin sa atin maliban na lang kung hindi talaga nakikita ng taong may mali yun kamalian nya.
may mga taong ganyan kaya they don't have peace of mind.
have a nice weekend
hello
sa araw araw nating pamumuhay may mga tao tayong makikilala na iba't iba ang ugali...ang masasabi ko lang:
"peace not war"
Pero minsan dadating ka talaga sa point na pupunahin mo ang tao sa mali nyang ginagawa lalo na't napagdaanan mo na ang ganung mistakes sa buhay mo.And because you already know the negative effect, syempre you are going to protect the person, ayaw mo kasi mangyari din sa kanya yung napagdaan mo lalo na't mahal mo yung tao. =)
@darkhorse.........kung opinyon ay ok lang iyon kasi opinyon nga at hinihingi kung ano ang opinyon..pero iyong basta na lang pagsasabihan ang isang tao ay parang di maganda iyon lalo na at ikaw ay di naman niya pinakikialaman..
@@Pretsel Maker..........minsan para sa ating kaibigan o kakilala ay sinasabi talaga natin kung ano ang mabuti na sa tingin niya ay mali ang ginagawa ng kanyang kaibigan o kakilala..advice iyon na mabuti but dapat hindi naman makakasakit o kaya makaka offend ng tao..
@eden.........oo nga eh, ang hirap unawain ng mga tao na ganun..sabagay sa ganun na pamamaraan ay kasiyahan siguro nila..
@cheese......hi din..kumusta ka..
@Meryl..........tama ka..sa ibat ibang tao na nakakahalubilo natin ay di natin kabisado ang ugali niya..peace not war nga..pero paano kung ang giyera ang lumalapit sa iyo..pinipilit mong iwasan pero ginigiyera ka......
@Yen.........yah, kapag nadaanan mo na ang isang sitwasyon at di mo nagustuhan ang epekto ay tiyak naman na isasabi mo sa isang kaibigan mo o kilala na gustong gumawa ng ganun na huwag ituloy..walang problema ang ganun..pero kung ang iba sa parte ng buhay mo ay basta na lang pakikialaman parang di naman yata tama iyo..
Magkakaiba ang mga tao... magkakaiba rin ang perspective kaya di talaga maiwasang may di pagkakaintindihan...
@I am Xprosaic........oo nga..bawat tao may kanya kanyang opinyon para sa nakikita niya sa isang tao..di maiwasan na sa isang tao ay iba iba ang sasabihin ng mga tao..
Matindi na ito, ah. Arvin, may kaaway ka ba diyan?
@Hi I'm Grace...........wala po akong kaaway..kumusta ka naman diyan..
Post a Comment