Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa kaibigan ko na maituturing kong bestfriend sa buhay ko. Walang iba kundi si Magnolia. Ito po ang pang lima kong sinulat na tula para sa kanya na ang dalawa ay napublish sa newspaper. Sa lahat na naging kaklase ko sa elementary at high school kapag bakasyon at umuuwi siya mula sa Manila na doon siya nag-aral ng college at nagtrabaho kapag may inuman ang barkada ay lagi niya akong tinetext para sumali sa inuman na hindi ko alam magkakaroon pala ng inuman. Kapag may meeting naman ang batch namin sa high school kapag malapit na ang alumni at hindi ko gusto dumalo sa meeting tapos nandoon siya ay etetext ako na pumunta sa meeting. Doon ay nakakapunta tuloy ako kasi nakakahiya kung tanggihan ko siya. Napipilitan talaga ako ng dahil sa kanya na sumali kapag may inuman o meeting ang batch namin. Napakadaming beses niyang ginawa iyon na pinapaalam ako sa text para sumali sa inuman o kaya sa meeting. Kapag dumadaan naman ako sa bahay nila dahil sa pagbibisikleta o kaya naglalakad lang at nakikita niya ako ay tinatawag niya ako lagi. Doon nagkakausap kami kahit sandali lang. Minsan pa nga sa bahay nila ay pinapapunta ako para doon ay uminom dahil may inuman sa kanila. At kapag sinabi ko naman na wala akong pera para icontribute sa inuman ay sinasabi niya na siya ang bahala sa akin. Napakabuti niyang kaibigan sa akin. Siya lang ang gumagawa ng ganun sa akin. Nakakalungkot nga lang isipin na aalis na siya ngayong buwan papuntang ibang bansa para doon na manirahan. Pero masaya pa rin ako para sa kanya kasi it is her for own good lalo at isa pa muli pa naman kami nitong magkikita. Matagal na panahon nga lang ang lilipas bago kami muling magkita at magkainuman. Habang sinusulat ko ito ay nakakaramdam ako ng lungkot sa sarili kasi matagal na panahon uli bago ko makita ng personal ang bestfriend ko.
PANAWAGAN NA PAGMAMAHALAN
Kay: Magnolia Seron
Ni: Arvin U. de la Peña
Magmahalan tayong lahat
Pagmamahalan na walang kondisyon at limitasyon
Dahil hindi uusad ang adhikaing pinoy
Kung walang pagmamahalan sa bawat isa.
Kalimutan na ang mga pag-aaway
Ibaon sa limot ang di magandang pangyayari
Walang magandang patutunguhan
Kapag poot ang pinairal sa puso.
Minsan lang tayo mabuhay sa mundo
Kapag namatay na ay wala na ang lahat sa atin
Kung ang diyos ay marunong magpatawad
Tayo din dapat na kanyang nilikha.
Napakasarap isipin kung ang bawat isa ay
may ugnayan
Nagtutulungan sa suliranin na dinaranas
Sinasabi sa kapwa ang nais sabihin
Na kahit konti ay walang pag-aalinlangan.
Pilipino kayo, pilipino din ako
Iisang dugo lang ang ating pinagmulan
Magmahalan tayo para sa ating ikauunlad
Patungo sa magandang bukas.
Kay: Magnolia Seron
Ni: Arvin U. de la Peña
Magmahalan tayong lahat
Pagmamahalan na walang kondisyon at limitasyon
Dahil hindi uusad ang adhikaing pinoy
Kung walang pagmamahalan sa bawat isa.
Kalimutan na ang mga pag-aaway
Ibaon sa limot ang di magandang pangyayari
Walang magandang patutunguhan
Kapag poot ang pinairal sa puso.
Minsan lang tayo mabuhay sa mundo
Kapag namatay na ay wala na ang lahat sa atin
Kung ang diyos ay marunong magpatawad
Tayo din dapat na kanyang nilikha.
Napakasarap isipin kung ang bawat isa ay
may ugnayan
Nagtutulungan sa suliranin na dinaranas
Sinasabi sa kapwa ang nais sabihin
Na kahit konti ay walang pag-aalinlangan.
Pilipino kayo, pilipino din ako
Iisang dugo lang ang ating pinagmulan
Magmahalan tayo para sa ating ikauunlad
Patungo sa magandang bukas.
39 comments:
Sorry to hear that. Pro hwag kang mag-alala, babalik din naman ang bestfriend mo dyan at magkikita kayong muli... Hindi na naman mahirap mkaigpag-communicate sa kanya kasi may internet na.
@kathy........oo nga kaso sabi niya sa akin ay matanda na raw siya kung umuwi..sana biro lang iyon..iba pa rin kapag nakikita at nakakausap ng harap-harapan..mamimiss ko talaga ang mga sandali na kainuman siya na kahit madalas akong biruin ay ayos lang..bestfriend ko kasi siya..nang marinig ko nga mula sa kanya habang nag iinuman kami kasama ng iba pang mga kaibigan na aalis na siya this month ay nanghina ako..
Sarap naman... inuman... pero sadyang ganyan talaga ang buhay... makikipagsapalaran ang iba sa labas para sa ikauunlad ng sarili nila...
@I am Xprosaic..........masarap talaga kapag inuman ang pinag-uusapan..doon kasi na work ang husband niya kaya doon na rin siya..mag resign na siya sa work niya sa manila..baka nga dahil wala na siya sa inuman ng barkada baka lagi na lang tuba ang iinumin namin, hehe..okey rin naman ang tuba pero iba pa rin kapag san miguel beer di ba..
(baka tanduay na lang ang inumin para tamaan agad.)
Mahirap naman kasi na maiiwan pa siya dito lalo na kung nandun na ang asawa niya... mas may dahilan siyang umalis kesa magstay pa dito... Marahil sa kabilang dako ng mundo makukuha pa rin niya ang pinakainaasam niya... ang buo ang pamilya...
Dont Worry nandito naman kami eh
@I am Xprosaic......tama ka..kaya nga noong isang gabi ng nagkakainuman kami kasama ng iba pang mga kaibigan ng malaman ko na aalis na siya ngayong buwan papuntang ibang bansa pag uwi ko sa amin para matulog na ay text ko siya na "salamat sa mga pagpapainom sa akin"..magkikita pa naman kami..matagal pa nga lang na panahon..
@Pretsel Maker.........salamat at nariyan kayo na kaibigan ko sa mundo ng blog..
you surely gonna miss her a lot but you get used to the feeling without her close to you eventually. ganyan talaga ang buhay may iba iba tayong patunguhan. As long as both of you will keep in touch with each other, that's surely lessen the feeling of missing each other alot.
hey their my friend! this is sad huh, but anyway things will just gonna be okay soon, just believe and you will be okay. just keep the faith! you will win, it is up for grab!
Sad to say but that`s the truth. We can`t keep a butterfly in a glass, we have to set her free for her to fly freely and flourish. Ang mga msasayang alaala ang siyang tanging maiiwan at hindi mwawala mgpakailanman. For sure nalulungkot at the same time natutuwa ang bestfriend mo kc sa pmamagitang ng post na ito, naipapakita mo sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay mo...just keep in touch with na lang...
@eden.........oo nga eh, mamimiss ko talaga iyong mga sandali na nakakasama siya with other friends while drinking..ganun talaga ang buhay eh..pero kahit ganun masaya pa rin ako kasi ngayon na panahon ay high tech na..magkakaroon pa rin kami ng communication sa text, chat, email o ano pa..para sa amin ay true friends see heart to heart, even if they don't see eye to eye..
@tim...........yah, i know unti-unti ay makakarecover din naman ako na may inuman ang barkada o kaya meeting na wala ang presence niya..pero di maiwasan ang di maalala ang time na kasama siya sa inuman..
@Jag.....korek ka, masasayang sandali nga ang maiiwan sa isip ko na aalis na siya sa ibang bansa..ilang taon din ang lilipas na hindi ko siya makakainuman..dati pa ay may mga naisulat na akong tula para sa kanya..na post ko na dito sa blog ko..apat na tula na ang dalawa ay napublish sa diaryo..sa post ko na iyon ay makita ang newspaper clip..bestfriend ko kasi siya..siya lang ang naging kaklase ko na hinandugan ko ng tula at submit sa diayro para pag mapublish ay makita ang name niya..mabuti at napagtagumpayan ko iyon na may naisulat ako para sa kanya na napublish sa diaryo..
ganda nung tula! :D
korek...tama si sis kathy.....hay tek na tau....makikita mo sya sa webcam....lol!
btw, I would like to ask a favor if you could help us vote for my daughter....if you have time....your help is very much appreciated....
* You can Vote for Akesha by answering "ONE" of the following questions and post the whole sentence as your comment:
1. (Name of child) is my winning Pinoy Smile because…..
2. My tip for a healthy smile is……
3. My dental question for Pinoy Smile is …..
4. The Pinoy Smile website can be improved by ....
5. I take care of my teeth by...
6. Teeth are important because...
7. I take care of my child's teeth ...
Note: You can cast your vote and comment everyday. Thanks!
awww dats sad pero ok lang un kac lugar lang naman ang nabago eh, ung love,friendship,respect at communication ay na anjan pa rin basta wag lang kalimutan na magkamustahan kau.......:-D
@led.........thanks at nagandahan ka sa tulang ito na handog ko sa bestfriend ko..
@Dhemz..........oo nga tama siya kasi now na panahon ay di na mahirap makipagcommunicate kahit saang bansa pa..
@ladyinadvance.......oo ang lugar lang ang mag-iiba sa amin..pero iyong friendship na nabuo pa mula noong mga bata pa kami ay di iyon mag iiba..mananatili kami lagi na magkaibigan..
ang sweet naman ng best friend mo =) ang swerte mo at may friend kang tulad nya..at swerte din sya kc inalayan mo sya ng tula...sweet ka rin hehe =)
Awww... mahirap talaga mawalay sa isang taong malapit sa iyo. Pero don't worry, nandito naman kami. Cheer up dude!
Kaya mo yan. ;D Madali na ngayon ang komunikasyon kahit cp pa o computer yan. Bsta lagi kayong nag-uusap o may panahon sa isa't-isa. ;d
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
ok lang yan. friendship builds a bridge between two people. gaano man siya kalayo, parang malapit pa rin. =)
kakalungkot nga yan.. sympre mas maganda ung personal mo syang nakakausap,ipagdasal mo n lng n sana maayos sya s pupunthan nya...
@Meryl...........oo sweet siya..at suwerte ako na may isang kaibigan na natatangi na katulad niya..sa katunayan po ay ito ang panglima kong handog sa kanya na tula..dati pa ay may na post na ako dito sa blog ko na ang pamagat ay KAY MAGNOLIA at doon ay naroon ang apat na tula na ang dalawa ay napublish sa diaryo na siya ay hinahandugan ko ng tula..
@fiel-kun.......mahirap nga makapag adjust sa inuman ng mga barkada kung ang isang tao na katulad niya ay wala sa inuman ..talagang mamimiss ko siya at ng iba pa naming mga barkada...
@Solo.......salamat sa iyong mga sinabi..siyempre etetext ko pa rin siya kahit nasa ibang bansa na..mag email, o kaya ay mag chat..nakakachat ko rin naman kasi siya minsan..
@Rcyan M...........yes..at iyon ang isang tunay na kaibigan na kahit magkalayo ay hindi nalilimutan ang isa't isa kahit sa pangungumusta lang..true friends see heart to heart, even if they don't see eye to eye..
@Prettymom............malungkot nga kasi iba pa rin kung sa inuman o kaya sa meeting ng batch namin ay nandoon siya..sure naman na i will pray na maging matagumpay siya doon kagaya ng pagiging matagumpay niya sa Manila..
Mahirap nga yan, Arvin. Nahihirapan din ako ng iniwan ko ang bestfriend ko sa Cebu. Pero pagdating ko dito, naging ok na rin kasi every day kaming nag-chat mula sa office nya at nag-send din ako ng SMS every night. Thanks for the technology. :)
Sarap nga nun... Tara inuman na! jejejeje
@Hi! I'm Grace.........talagang mahirap..muli pa naman kaming magkikita kaso matagal pa na panahon uli..i am happy for her..
@I am Xprosaic..............sige inuman tayo..hehe..sarap talaga kapag inuman ang pinag-uusapan..
sad naman nito..yun lang po
lungkot naman nito! alak pa! hehehe
wow napublish sa newspaper ang gawa mo..galing mo ha...
^_^
ipagpatuloy mo ang iyong talento...
@Malou.......sad nga..muli magkikita pa naman kami pero matagal na panahon nga lang muna ang lilipas..
@pumpkienpie.......ganun, alak lang ang katapat..sige tagay pa..hehe..
@Meryl.....oo may napublish sa newspaper na dalawang tula na handog ko sa kanya..mabasa iyan sa sa 2008 kong post na ang pamagat ay KAY MAGNOLIA..doon ay makita ang naka scan na newspaper clip..
si Magnolia pala ang bestfwend mo akala ko si Selecta! hehehe! don't worry babalik at babalik din yun no!
ei arvin favor naman...
My blog was nominated this week (Filipino Blog of the Week) sa site ni The composed Gentleman, pa vote naman po ^_^
(nasa bandang left hand corner ng site yung poll... just scroll down a bit)
eto yung site link: http://salaswildthoughts.blogspot.com/
Maraming salamat!
@Magnolia.......oo si magnola na pangalan din ng ice cream..babalik din naman siya pero matagal pa..mga ilang taon din siguro ang lilipas para muli kaming magkita..
@fiel-kun......ibinoto na po kita..
keep the communication constant. kahit naman milyong milya ang layo nyo sa isa't isa, friends will always be friends basta may communication.. :D
@RaYe..........oo naman lagi ko siyang kontakin..lalo na sa yahoo messenger..nagkakachat naman kasi kami minsan..talagang tunay ko siyang kaibigan..mabait at mabuti siya sa akin..mahirap makahanap ng isang kaibigan na katulad niya..
Hi Arvin... eto ang sagot ko sa tanong mo: Sa Mandaue City ako. :)
Gaano katagal na bang lumisan ang kaibigan mong yan?
"and it's just another piece of da PAPEL!" jijijijijiji
@Hi! I'm Grace.........ic..madami din akong naging mga kaklase na taga mandaue..iyong apelyedo na lumbab at ybalane..
@I am Xproasaic.....hehe..ikaw talaga..ito po..and it's just another piece of the puzzle..just another part of the plan..oh when life touches the other..it's so hard to understand..still we walk this road together..we travel to as far as we can..and we have waited for this moment in time..ever since the world begun..
ang saya naman dito.. pers time ko.. :)
@enjayneer.com.........mabuti naman at nasiyahan ka dito..balik ka uli..hehe
Post a Comment