"Kapag pinakasalan mo ang isang tao ay ibig sabihin pinakasalan mo na rin ang kanyang pagkatao at ugali. Dahil doon dapat tanggapin mo kung anuman ang kinalabasan ng pagkatao niya at ugali paglipas ng ilang taon na kasal na kayo."
KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña
Huwag mong iiyakan kong nalaman mo man
Na ang iyong asawa ay may ibang babae
Sapagkat ganun ang ibang lalaki
Hindi kuntento sa isa lang.
Masuwerte ka pa nga sa iba
Ikaw ay maaari mong mabili anong gusto mo
Hindi katulad ng ibang babae na iniiwanan
Kahit bigas ay walang pambili.
Ipakita mo sa kanya
Kaya mong mabuhay kahit wala siya
Kaya mong mapalaki at mapag-aral
Ang inyong mga anak.
Hindi mo na rin siya dapat habulin pa
Dahil kung mahal mo talaga siya
Hahayaan mo na lang siya
Sa kung saan siya ay masaya.
Sa bandang huli ay mauunawaan mo
Na kasama sa buhay may asawa ang ganun
Ang sumpaan ng ikasal sa simbahan
Ay napuputol ng dahil sa bawal na pag-ibig.
Wednesday, November 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
54 comments:
Maganda, Arvin. Napakaganda. Pero sana hindi mangyari sa akin na iwanan ako ng asawa ko. (hu-hu-hu)
@Hi! I'm Grace.......salamat at nagandahan ka uli sa tula kong ito..sana nga hindi mangyari sa iyo na ikaw ay iwan ng iyong asawa..mabait ka naman at mabuti siguro walang dahilan para maghanap ng iba ang iyong asawa..
Masarap din kasi ang bawal na pag-ibig.. he he he
Kung ang lalaki ang may gawa nito, normal lang yan, palamuti yan sa buhay lalaking may asawa. pero hindi naman ito excuse para gawing itong libangan o palagi. pamilya pa rin ang priority sa lahat at si misis pa rin ang numero uno sa puso.
Kahit pa marami ang kulasisi ng lalaki, maging ito man ay 10 o 20 pa, hindi ito malaking problema ke misis. marahil gusto lamang tumikim si mister ng maraming putahe, o likas na manyakis.. he he he
pero kapag iisa lamang ang kulasisi, ay mag-isip isip na si kumander.. dahil tangay na pati puso ni mister.
Hindi na baleng may lalaki ni mister, huwag lang may lalaki si Misis.
sensiya na po, opinion lamang po yun.
Ay mali yung huling, talata.. correction pls.
"Hindi na baleng may Babae ni Mister huwag lang may Lalaki si Misis".. Ayun!
Pahabol, hindi baleng nambabae si mister, huwag lang siya manlalaki. he he he
agree ako dyan.. wag lang sana mangyari sa akin(at confident ako na hindi) pero if ever, hindi ako maghahabol.. kawawa lang talaga yung iba na iniiwanan at di iniwan din ang obligation
oh, rampant n yan, wedding day p nga, after a night hiwalay na..
Mas gugustuhin ko pang di magpakasal muna kung alam kong maghahanap din ako ng iba... pero kung meron nang divorce dito baka sakaling pagiisipan kong magpakasal agad agad... jijijijiji
Hhmm, parang ang saklap haha. Naku lesson: Wag magpakasal hangga't di sure! lol ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
so sad naman pag nagka ganyan ang marriage lalong lalo na pag may mga anak. sana di mangyari sa akin yan.
@Alkapon.........siyempre masarap nga ang bawal na pag ibig kasi may thrill..depende lang talaga sa lalaki kung magpapatangay siya sa tukso ng iba..sa ngayon kasi parang ang mga ganun na panlalaki at pambabae ay ordinaryo na lang..tingnan mo ang mga artista paiba iba ng asawa lalo na iyong mga artista sa amerika..parang balewala na lang sa kanila ang ganun..iba ibang putahe ang gustong matikman..
@Bambie dear.......sana nga hindi mangyari sa iyo ang ganyan..tama ka kawawa nga ang mga iniiwanan at sa iba ay sumama..kasi ang obligasyon ay hinahayaan na lang sa asawang iniwan..iyon ang mga pangakong napapako..
@tim.......mayroon din ganun na pagkatapos ng kasal ay nagkakaroon agad ng di pagkakaunawaan..madalas nangyayari ang ganun dahil sa mga regalo sa kasal o kaya iyong mga perang bigay..
@I am Xprosaic..........minsan ang paghahanap ng iba ay nangyayari na kapag matagal na kayong mag asawa..marami ang ganun na sa simula ay maayos ang relasyon pero pagtagal ay hindi na..maraming dahilan kung bakit kailangan na maghanap ng ibang babae ang lalaki..mostly kapag di na active sa sex si misis ay doon hahanap ang lalaki ng iba..punta lang sa mga beerhouse ay okey na..mga bayaran nga lang, hehe..
@Solo.........masaklap nga..gaya ng sinabi ko ay kahit kasal na ay hindi pa rin nakakasiguro na tapat ang kabiyak sa iyo..kasi ang mga ganun na kumakaliwa ay nangyayari kapag ilang taon ng nagsama ang mag asawa..
para maiwasan ang ganyan dapat tapat ang bawat isa sa kanilang sinumpaang pangako......in short wag ng tumingin sa iba...lolz
@eden.........nakakalungkot nga ang ganun kasi hindi lang kawawa ang misis kundi ang mga anak pa..masakit sa isang bata na tinutukso na hiwalay ang kanilang mga magulang..iba pa rin kasi para sa bata kapag buo ang kanyang pamilya..sana nga di mangyari sa iyo ang ganun..
Naku naku kakadaan ko lang kanina sa may mga bayarang babae... jijijiji pero umaan lang ako... jijijiji bakit gagastos pa kung pwede naman libre... jowk! jijijijiji
naalala ko tuloy sabi ng isa sa mga anghel ko.. 2 lang daw ang klase ng babae para sa ibang lalake. una yung magiging ina ng mga anak nya. pangalawa yung pang-kama lang. swerte daw kung ikaw yun pareho... malas kung magkaiba kayo. personally, walang pangangaliwa kung talagang may pagmamahal at respeto sa kabiyak.. hehe
@I am Xprosaic..........hahahahaha..tama ka bakit nga naman gagastos kung puwede libre..saang beerhouse ka dumaan..baka naman galing talaga kayo doon at nagkukunwari ka lang..hehe..joke..
@Raye.........ganun ba..pero paano kung palay na ang lumalapit sa manok..i mean ang tukso na ang lumalapit sa lalaki..parang mahirap yatang tanggihan..ang iba kasi gusto na tumikim ng bawal at makaisa lang..pero kapag nakatikim na ay umuulit ulit..kayo iyon ang nagiging dahilan ng paghihiwalay kasi napasarap sa isa..
Ako`y lumaki at nakita ang tatag ng samahan ng aking mga magulang...
Sana ganun din kami ng magiging pamilya ko pagdating ng panahon...
Dumalaw kahit may sakit bro!
ayoko ng usapang kasalan. :D
Wow! May talent ka when it comes to writing a poem Arvin. Keep it up kasi baka ma-discover ang galing mo someday...
I like the topic too kasi minsan, hindi na napapahalagahan ang kabanalan ng kasal...
love is a complicated matter---pwede mong gawing dahilan yan para mangaliwa kasi sadyang umaapaw ang pagmamahal mo. hehe
arvin!!!! sapul naman ako dito sa post mo, hahaha!pero yung akin naman ibang storya. ayoko nalang pag usapan magpapasko eh, gusto ko naman maging masaya :D kaw talaga!
nga pala na add na kita...sorry sa delay ha..
naku!!! tama ka Arvin. Kung ayaw eh di hwag. mabuhay na lang kaming mga anak ko na di na kailangan pa ng ibang lalaki . Hindi ako hilo para kukuha ako ng paninbagong pakisamahan at problema.Hehehe...
kung may awa ang Diyos malapit ng grumadweyt ang mga anak ko sa kolehiyo. sana po Lord...(at sabay yuko)
"Sa bandang huli ay mauunawaan mo
Na kasama sa buhay may asawa ang ganun"
hmmm hindi siguro kasama sa buhay magasawa yan kasi hindi naman lahat gumagawa nyan lalo na kapag ang magasawa may takot sa Dios
ni sa panaginip ayoko mangyari ang ganyan...palagi akong naniniwala na kapag hiniling mo sa taas. walang bagay na imposible..ipagdasal lang natin palagi ang magandang samahan ng mag asawa
@Jag........mabuti at ganun ang nangyari sa iyo..hindi katulad ng iba na nagiging broken family..sana nga ganun din ikaw kapag nagka pamilya na..bakit ano ang sakit mo..siguro naman ngayon ay magaling ka na..
@Ching.........bakit naman ayaw mo ng usapang kasalan?..may problema ba doon..o baka naman minsan ng may nagyayaya sa iyo ng kasal tapos hindi natuloy sa kabila na payag ka at medyo naging excited ka..just asking lang..
@kathy..........salamat sa iyo..siguro nga, ewan di ko alam..basta hilig ko lang din ang magsulat ng ganito..sa panahon nga ngayon hindi na masyadong pinapahalagahan ang naging sumpaan ng ikasal..ang dami rin kasing tukso..
@PUSANG-kalye........marahil ay tama ka..pero kahit na ganun dapat ang obligasyon sa asawa at mga anak ay hindi pabayaan..kahit hiwalayan basta ba bibigyan ng sustento ay ayos na rin iyon..kasi ang kawawa ay ang mga anak..ang iba kasing lalaki na iniiwanan ang asawa at mga anak para sumama sa iba ay hindi nagsusustento sa kanilang iniwanan..hindi tama at maganda ang ganun..
@Nanaybelen........ibig mo bang sabihin ay hiniwalayan ka rin ng asawa mo..kasi parang ganun ang pagkakaintindi ko sa comment mo..tama ba ako sa akala ko..kung tama nga ako ay mabuti naman at napagtagumpayan mo ang ganun kahit iniwanan ka..
@nancy........ganun ba..okey lang..di ko na lang aalamin bakit kayo nagkahiwalay kasi masakit pa rin iyon siguro sa puso mo kapag naaalala mo siya na iniwanan ka..nakapagtataka lang na sa ganda mong iyan ay iiwanan ka pa..hmmmmmm..hehe..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Pretsel Maker.........ang ibig kong sabihin bakit nilagay ko ang salitang iyan sa tula ay dahil sa bawat mag asawa ay nangyayari talaga na nagkakaroon minsan ng pagseselos..lalo na kung halimbawa sa isang party ay nagkita ang dating nakarelasyon..talagang may pagseselos pa rin..kahit nagkakaroon na ng mga anak..ang may matibay na pananampalataya at paniniwala sa diyos iyon ang nagiging matatag ang samahan ng mag asawa..hindi naghihiwalay..
@ellen..........lahat ng nagkakaroon ng asawa ay umaasa talaga na hindi sila maghihiwalay..pero minsan kung nakatadhana sa iyo o iyon ang kapalaran mo kapag mag asawa ay wala kang magagawa..kung nakatadhana sa iyo na kapag mag asawa ka ay hihiwalayan ka ay wala kang magagawa..yup, sana lahat ng mag asawa ay maging maganda ang samahan..
nakakatuwa naman ang mensahe nito! =)
Ganyan talaga ang ibang lalaki, pero thanks to god dahil indi ito ginagawa ng asawa ko sakin.
@Glenda.........ganun ba..ah okey..ang sinulat kong ito ay mensahe din sa mga babae na sana hindi basta basta na lang magseselos sa kanilang asawa..dahil kung talagang tunay silang mahal ng lalaki ay hindi na iyon maghahanap pa ng iba..magtiwala lang sana sa kanilang asawa para maganda ang samahan..
@MitsuMikotoChstr........oo nga ganun nga ang ibang lalaki..mabuti naman at hindi nangyari sa iyo ang nilalaman ng tula kong ito..
Ahahahahahaha wag na sa beer house sa park lang yun... ahahahahahahaha... pinakamura... sang daan sa damuhan... ahahahahahahahaha... jowk lang! jijijijiji
Another sad poem T_T
Ang pag-aasawa talaga di sya kaning isusubo at pag napaso, basta mo na lang iluluwa!
ouch sakit naman nito, wala akong masabi arvin kasi ako hiwalay na din sa gago kong asawa, akalain mo ba namang may iba na palang pinakasalan bago kami. anyway, no regrets may anak ako, its what matters.lalaki, who needs them?
@I am Xprosaic.........hahahahahahaha.. ganun sa park lang..parang sinabi mo rin na sa tabi tabi lang..teka baka bata pa iyan..corruption of minor..
Mukhang busy ka ah.
Walang bagong tula? :)
Kumusta ang bayan natin?
@fiel-kun............tama ka..ganun nga iyon..kaya nga ako ayoko ng mag asawa kasi baka lokohin uli ako, hehe..
@imelda..........ah ic..ibig palang sabihin ay niloko ka niya..sinabi niya na wala pa siyang asawa at napaniwala ka niya..so sino ngayon ang bago mong magiging asawa..siguro naman ay mayroon na..
@Hi! I'm Grace............busy nga ako..ayos naman ang bayan natin..ganun pa rin magulo..araw araw ay ganun ang mga balita..lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon..madalas lagi nababalita ang mga tatakbo sa halalan..
wag na kasi nating tawagin na marriage. "legal union" na lang, para mas maayos ang property acquisition, para alam kung kanino mapupunta ang mga anak at ari arian pag ayawan na. hehe.
the least we can do is accept the fact that love is transitory and that cheating happens. if you are cheated, you just have to cheat back. :D
Sumilip at nakibasa..
Ah, dapat pag nambabae si mister, PUTULIN!! nyahhaha! Lupit eh.. ^_^
@tomato cafe........may punto ang sinabi mo..ganti na lang kung sakali man na saktan..madali lang naman siguro ang gumanti ng ganun lalo na kung ang babae ay maganda pa at seksi..pag nambabae si mister ay tiyak madami ang papatol kay misis dahil bukod sa maganda at seksi na ay may pera pa..hehe..
@ilocana.........haha..ganun.. parang sa pelikula na pinutol ang ipinagmamalaki ni mister dahil nambabae..ang lupit naman kung ganun..salamat sa muli mong pagbisita at pagbasa sa blog ko..
Nakakalungkot na katotohanan. Shocks bf nga lang malaman mong me ibang kina career para ka nang mauubusan ng hininga! How much more pa kaya na asawa mo na at me anak kayo. OH No!!! (Manlalake din ako para patas.. hahaha )
Bata pa ba?! teka macheck nga sila?! nyahahahahahaha...
Ay pa comment---"no comment" hehehe!
@Yen...........hahahahaha..ganun gaganti ka rin..puwede din iyon para patas..yup, lalo na kapag ang babae ay selosa at malaman niya na siya ay tinotwo time ng boyfriend tiyak magwawala talaga lalo na kapag may nangyari na sa kanila..
@I am Xprosaic.........ewan, di ko alam,hehe..next time alamin mo baka ma child abuse tayo diyan..haha..joke.....
@Ayie........kumusta ka naman..okey lang..salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..
natawa ko dito kay Alkapon oo, di bale na raw my lalaki si mister waaaaa.
ok lang, ang importante talaga di nakasandal buong likod ng babae sa lalaki para kung sakalit magluko man si lalaki at mangibang pugad e di apektado si misis at mga bata.
bago pa man ako nagpakasal e pinaghandaan ko nayan at pinalaki kaming ganyan, kaya nung
magluko si mister e diko
na hinintay na umalis sya, binitbit ko ng mga gamit nyat ako na naghatid sa kanyang chicks hehehe, sabay bilin na, toplachi, no return no exchange,ang magbalik may multa nyahahaha.
@Lee.............nakakatawa nga ang sinabi ni alkapon..kahit ako ay natawa..oh ganun,......mabuti naman at di ka kayo nag away ng makita mo ang ibang babae ng mister mo..hehe..bihira ang ginawa mo..
Post a Comment