Saturday, June 6, 2009

Shabu

"Walang tao na nalulong sa shabu na sa kahulihulihan ay nagsabi na dahil sa shabu ay naging maayos ang buhay niya. Lahat sa kahulihulihan ay nagsisisi kung bakit pa siya naging sugapa sa shabu. Ang iba pa nga ay nagsasabi na hindi siya dapat tularan isang adik sa shabu. Wala talagang mabuti na naidudulot sa tao ang shabu."

(Sinulat ko ito hindi dahil isa akong adik sa shabu, kundi dahil ito ang katotohanan sa ibang gumagamit ng shabu)



SHABU
Ni: Arvin U. de la Peña

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko
Hindi na ako gagamit sa iyo
Pero hindi ko nagagawa
Lagi pa ring kitang binabalikan.

Sa pagsuyop ko sa iyo
Nagiging komportable ako
Relax na relax ako sa lahat
Kahit hindi ako nakakatulog.

Ganun man ang epekto mo
Ay ayos lang sa akin
Nabaliw na talaga ako sa iyo
Ikaw na ang hanap-hanap ko.

Kapag may pera ako binibili ka kaagad
Para sa iyo ay gumamit
Kapag wala namang pera ay nangungutang
O kaya nagbebenta ng bagay pa makasuyop sa iyo.

Kinababaliwan kong shabu
Hindi ka naman nakakain o naiinum
Pero ang dulot mo ay ibang-iba
Hindi ko tuloy alam kung hihinto pa ako sa iyo.

18 comments:

J.D. Lim said...

Napakalalim. :D Pero naarok ko naman, haha.. Namiss ko tuloy ang sumulat ng tula. Maganda ang tula na ito para naman matauhan di lang ung mga gumagamit ng shabu kundi lahat ng mga adik - sa bawal na gamot man o ndi.

Algene said...

nice one. ayoko ng shabu. never ko pang nagagamit yun. wala rin akong planong gamitin yun dahil ang mga kakilala kong mga user ay nagsasabing "wag ka ng tumulad sa'min. mahirap maging adik." i agree with them..

PaJAY said...

dagdagan natin dre!...

SHABU

Sa tuwing malasap ang usok mo
lalo akong gumagwapo
bunganga ko'y di mapigil sa pagsasalita,parating nanggigigil.

Minsan ma'y nabitin
ayos lang,basta't may tinagong totter
ito'y aking sisipsipin

buti na lang kamo
naalis ko rin itong bisyo
kaya pati sa foil at tissue
paalam sa inyo...

pinilit kong alisin na'to
pagkat nauubos lang pera ko
di ko akalain,isang dating adik
ay pwede pa palang magbago..


Kaya panawagan ko
sa lahat ng tumitira nito
tigilan nyo na kahibangan sa bato di naman kasi totoo na kayoy gumagwapo!....



lolz...

The Pope said...

Mahusay ang pagkakagawa tula, kapuri-puri Arvin.

Kahit dito sa Gitnang Silangan nasaksihan ko ang paglipana ng shabu, kapwa Pinoy din ang magdadala, na syang nagpapasama ng imahe ng ating mga kababayan sa abroad.

A blessed weekend sa iyo kaibigan.

Unknown said...

'tol..panalo kasa!

tirahin na natin yan bago mo iwasan..! dami pa ah...bawal buraot ha! tancha ko mga tig-tatlong baba tayo nyan..

nung DEU ako, dami dumugo ang ilong sa akin dyan...

Alam mo bang isang epekto ng bato e yung nakakalimutan mong magpagupit ng buhok?
pahupit ka kaya hehehe!

pare biro lang..peace bro!

Pero nice poem...

isang baba pa nga!

2ngaw said...

Pre may mga entries din ako at hindi lang cbox ang nasa pahina ko...

Hindi lang entries mo ang laging dapat basahin...

Xensya na...

Ching said...

vin,

ok na ayos na nabasa ko na ako naman basahin mo ang entry ko baka may magbago hehehhehe

thanks sa poem baka may nagbago

ching

""rarejonRez"" said...

this poem of yours and what PaJAY has additionally posted right above are good ones to pass to my kakilala who are using shabu! great job you writers! :)

shabu won't do any good talaga, ewan ko ba kung bakit nagpapa-adik pa sila. sayang lang sa pera! duh!

Anonymous said...

niiice one, good job.

Unknown said...

tama ka, wala talaga magandang maidulot yang shabu. Trip , trip lang na panandalian, pag wala na ang epekto ng droga, mangangati ung kamay mo dumukot ng pera, bibili uli at sisinghot sa usok ng kapahamakan. Kaya pag di pa nyo na try wag na subukan. Sinasabi wala namang maganda makuha nyan, ung amoy nga di naman mabango, papasok lang sa utak mo at ginagawa kang bato. Minsan na akong nasadlak sa kadiliman at ayaw ko ng balikan..

Angie said...

kahit Sino mang tao,walang karapatang husgahan ka,o sino mang may nagawang mali.
Kasi lahat ng mga pagkakamali,o nanagawa ng tao ay kay dahilan yan.
Kailangan lang tayo maging open minded sa mga naging dahilan non.

Wag kang mag alala di ako judmental na tao.
Open Minded ako... ^_^
You can talk to me "ANYTHING UNDER THE SUN"

Take care always..Have a great day ahead...^_^

Rcyan said...

Rock on!!!

jhengrey said...

SHABU? Hay naku sisirain lang nyan ang buhay mo kaya kung sino man ang nagnanais sumubok tikman yan o gustong gumamit sa kadahilanang nais makalimot sa problema.. wag nyo ng ituloy dahil walang maidudulot na mabuti yan sa atin..

usapang lalaki lang said...

drugs? say NO ako diyan.

drew_shit said...
This comment has been removed by the author.
dong said...

shabu, wala namang tama yan e..d ko naramdaman na high ako sa shabu na yan, problema lng sa pgtulog.. ms my tama pa aq sa damo, na ha high lang ako sa cough syrup dati..

tadsulok plus said...

ang pag tira ay ok lng.. kung kaya mung sustentuhan.. d porke na ka tira ka d ka matutulog... mas ma katutulog ka nga kc relax ka dba. pag alang pera pam bili.. bili k gin at uminum ka para ma ka tulog... kc nga giyang ka at mahirap mtulog ng giyang ah#ha. at ang trip lng ng pag tira ay dalawa maging masipag at at tamad na kalikot lng ng kalikot ng celpon pwe.. san ka lalagay ..e shempre sa masipag at lahat na tatapos sa mag hapon n trabaho. ibug sabihin nasa nag dadala yan. tsk tsk

Unknown said...

Bawal na gamot
Shabu marijuana cocein o anu pa pang klase ng bawal na gamot. .


Pero anu ba to para sa mga sa taong nahumaling dto ?

Cguro eto ung bagy na umaalis ng problema. Ngng kaibgn sandaln . sa oras ng kalungkotan ngng kkampi sa oras ng kasawian sa buhay. .
Nka sama sa oras ng pag iisa.. .

Pero ngng dhaln ng tuluyang pag kasira . nging dhln ng pag kcra ng pamilya . pag kawala ng kinabukasn . tuluyang pag kawala ng pag asa.


cguro para sa iba mdaling husgahn ang mga katulad nmin. . mdling sbhn na pag adik msama . salot sa lipunan. .walng silbi .


Pero minsan mskit isipin na nhulog ka sa masamang. .sestima


Yong tipong pag tinignan mu ung litrato mu nung bata ka . .

Ni sa panaginip d mu nmn inisip na mging adik. . ung punong puno pa ng pangarp

Pero ngaun nkkta mu nlng Yong sarili mu na kaawa awa halos wala ng pag asa . .


Yong tipong ung problema mu ung mismong sarili mu . .


Kht ilang beses munang sbhng magbago . . d mu mgawa . .


Anu ba kseng mrun sa hayop na droga na yan. .


Mskit. LNG isipin na ung. Mga payo ng mgulang mu .d mu sinunod .

ung tipong maalala mu pa ung pangarap ng magulang mu sau na sobrang taas. . .


Ngaun ung. Isip mu nlng ung lumilipad d mu alm kung San babagsak ..


Sbayn pa ng mga taong mapanghusga . .

Gusto KO mag tanung kasalan ba namin na nalulung kme dto ?
Ksalan ba namin na nwawalan kme ng pag asa ngaun ..


Minsan naiingt sa problema ng iba . Sana ganun nlng ang problema KO . .

HND ung ganitong problema na kht alm mu ung solosyon .d mu mgawa ..

Msakit LNG ispin na d mu
Alm kung mkktakas kpa
Sa hayop na drugs na to .



Kaya sa iba wag nlng
Subukan ..wala. Sa tao yan kung maadik .. Pag tumikm ka cgurado sa pngalwa adik kna .