Habang sinusulat ko ito ang nasa isip ko ay ang aking nanay na namatay. Para po talaga sa kanya ang tula na ito. Di ako makapaniwala na ang na araw na iyon ang huli na naming pagsasama. Malakas pa naman iyon. Sa umaga ay nakasalo ko pa siya sa pagkain. Tapos ng oras na past 9 am yata o malapit ng mag 10 am para makipaglibing na nandoon din ako ay doon bigla nahimatay siya. Nawalan ng malay at dinala sa ospital sa aming lugar. At paglipas ng ilang minuto ay na coma na siya. Humihinga na lang, hindi na nagsasalita. At ilang sandali rin ay bumiyahe kami para ilipat sa isang ospital sa Tacloban. Wala rin nangyari ganun pa rin hindi na nagsasalita, comatose na siya talaga. At ng ilipat uli sa isang ospital past 7 pm yata dahil baka doon ay may pag-asa pa na mabuhay ay bigla doon nawalan na talaga ng pulso. Binawian na siya ng buhay. Napakalungkot ng sandali na iyon. Di lang para sa akin kundi para aming pamilya, sa dalawa kong kapatid at sa aming mga kamag-anak. Talagang mahirap makapag move on sa ganun na pangyayari. Hanggang ngayon nga parang mahirap ko pang tanggapin ang pagkawala niya. Pero wala na akong nagagawa dahil talagang ganun ang buhay dito sa mundo. Di talaga natin alam kung hanggang saan ang buhay natin. Talagang hiram lang sa diyos ang buhay natin. Enjoy life na lang talaga habang ikaw ay nabubuhay pa para kahit bawian ka ng buhay ay sulit ang naging pananatili sa mundo. Kahit ano ang estado ng buhay mo. Maging ikaw man ay mayaman o mahirap. After all ay mayroon namang life after death. Yah, naniniwala ako na may life after death. Sa life after death ko na lang aayusin ang buhay ko. Dahil sa ngayon na buhay ko ay magulo. Di tuwid ang buhay ko. May mga desisyon ako sa buhay na hindi naging maganda para sa akin. Napakadami kong naging mali sa buhay ko. Kahit sa mga tao na nakikilala ko lang sa pamamagitan ng diaryo na nagsusulat rin sila ng kuwento, poems, at tula, sa text, sa chat, o ano pa ay may mga kasalanan ako. Nagkakaroon kami ng di magandang sagutan sa text dahilan para di na maging magkaibigan. Minsan nanggugud time pa ako sa text. Pinapaniwala ko sila pero hindi naman pala totoo. I enjoy that minsan pero nakukunsensya din ako na ginagawa ko iyon. Talagang di maganda ang buhay ko sa ngayon. Sa life after death ko ay doon babawi ako. Magpapakatino ako at susundin talaga kung ano talaga ang maganda para sa akin. Kasi sa buhay ko ngayon ay ako ang nasusunod. Hindi ako nakikinig sa iba na kung nakinig ako sa kanila ay baka naging iba ang takbo ng buhay ko. Matigas kasi ang ulo ko, pero minsan ay malambot,. Nakikinig rin naman ako sa iba pero minsan hindi ko inaapply sa buhay ko. Ang pagkamatay niya ay sabi mabuti rin dahil hindi na siya pinahirapan pa ng husto. Di katulad ng iba na naghihirap muna at gumagasto pa ng malaki tapos mamamatay rin. Ang edad ng nanay ko ng mamatay ay 66 at ngayong June 22, 2009 ang second death anniversary niya.
(click niyo po ang naka scan na newspaper clip para po lumaki at mabasa niyo ang sa diaryo.)
SANA
From: Arvin U. de la Peña
To: Beltrana U. de la Peña
I
Sana muli kitang makasama
Ng madama ko ang pagmamahal mo sa akin
Sana muli kitang makita
Ng magkaroon ng kulay mata kong nalulungkot
II
Sana muli kitang makasabay sa pagkain
Para kahit ano ang ulam kasalo kita
Sana muli tayong makapamasyal
Para mayroon pa rin sigla
III
Sana muli tayong magkakuwentuhan
Para malaman ang suliranin ng isa't isa
Sana muli tayong manood ng tv
Ng malaman natin ang mga nangyayari sa ibang lugar
IV
Sana muli nating madama
Ang lungkot at saya na nangyayari sa atin
Kung buhay ka lamang
Ay mangyayari sana ang lahat ng ito
V
Sana buhay ka pa
Mahal na mahal kong Ina
Sana, sana buhay ka pa
Di ako masaya kung wala ka
From: Arvin U. de la Peña
To: Beltrana U. de la Peña
I
Sana muli kitang makasama
Ng madama ko ang pagmamahal mo sa akin
Sana muli kitang makita
Ng magkaroon ng kulay mata kong nalulungkot
II
Sana muli kitang makasabay sa pagkain
Para kahit ano ang ulam kasalo kita
Sana muli tayong makapamasyal
Para mayroon pa rin sigla
III
Sana muli tayong magkakuwentuhan
Para malaman ang suliranin ng isa't isa
Sana muli tayong manood ng tv
Ng malaman natin ang mga nangyayari sa ibang lugar
IV
Sana muli nating madama
Ang lungkot at saya na nangyayari sa atin
Kung buhay ka lamang
Ay mangyayari sana ang lahat ng ito
V
Sana buhay ka pa
Mahal na mahal kong Ina
Sana, sana buhay ka pa
Di ako masaya kung wala ka
19 comments:
hmmm...ganyan talaga ang buhay, minsan kasi d tayo natututo pag puro good and happiness ang experiences natin eh...
God allows suffering for our good,para may aral tayo mapulot. Pakabait ka lang ha.
salamat for sharing your story
wag ganyan nag papa iyak ka ng tao. hahahaha. loko lang po nice.
kakalungkot nung tula ah.. huhuhu..
I love the poem. Thanks for sharing your story Arvin. I was deeply saddened to hear of your loss mother. My thoughts are with you. I don't know what to do if I lost my mother. I am not ready yet. Life is eternal, and love is immortal, and death is only a horizon; and a horizon is nothing save the limit of our sight.
But you are strong person to handle the situation. Although no words can really help to ease the loss you bear, just know that you are very close in every thought and prayer.
Peace, prayers and blessings.
So sad... Really. Ako, hindi ko ma-imagine ang buhay ko kapag wala na ang mama ko. Kapopost ko pa nga lang noong nakaraang ilang araw ng isang tula para sa mama ko, eh...
Hay... At nawalan rin ako ng isang mabuting kaibigan last February.
In pace requiescat sa kanila.
Ang mga ina ay ang siyang bahagi ng paraiso na unang pinalalasap sa atin ng ating Panginoon sa ating buhay, at magbabalik ang hiram na bahaging iyon sa kanya at pararangalan dahil ang lahat ng ina ay dapat na parangalan. Pinabanal ng Diyos ang pagiging ina sa kanyang sariling Ina, si Maria, at tiyak na pakakabanalin din niya ang iyogn inang naging sandalan at buhay mo kahit na sa maliit na panahon lamang,
Condolences sa namatay mong ina, at pagpalain siya ng ating Panginoon saan man siya naroon.
sooo inspiring. Pano po ba magpapublish ng work sa newspaper? anu po un ipapasa mo lng?
ang buhay nga naman, hindi mo alam kung hanggang kelan.. kaya dapat sulitin ang bawat sandali na kasama mo ang mga mahal sa buhay.
Nakakalungkot naman ang nagyari sa inyo. Yan ang greatest fear ko.. ang mawalan ng minamahal. Sana talaga wag muna...
nice poem,
write more please...
happy blogging
this is a sad poem arvin but i like the way you express the feelings of lossing a mother.
thanks for sharing this story...Nice...
how sad..bt dats life..aja!
kalungkot nmn..
ako malulungkot tlga pag nwla mama ko.. : (
Thanks for sharing your poem--gusto kotuloy i-hug ang Mama ko after reading your entry(T_T)
naks.. galing nman..
I am sorry for your loss. I think that you just have to learn to be positive, decide to live life to the fullest, realize your dreams in life, you are still young, able, strong and smart. You have a lot things to offer.
Cheers!
Tess (life is beautiful)
I added you to my blog list.
Maraming Salamat sa palaging pag daan sa Sarili kong mundo at pag iwan ng mitsa (comment).
Isa itong karangalan sa akin...
Ang galing ng mga sulat mo..
IDOL ko ang mga katulad mo...
Kasi pangarap ko din noon ang maging isang writer...at mabasa ng ibang tao ang mga gawa ko...
NGayon ko lang na realize na ito na pala yon...Ang blog...Masyado lang talaga akong focus sa sarili kong mga problema...
Di ko na napapansin ang ibang mga bagay na meron ako..na BLESS pala talaga ako....^_^
GOD BLESS US ALL!!!
if i have to comment on the poem, i would say it's a scrap. nakakahiyang ipapangandalakan sa mga bloggers.
but, my heart goes for ur mom.
so touching, you have a gtreat talentin writing.
Post a Comment