"Isa sa masakit na nangyayari sa buhay ng ibang tao ay iyong paglipas ng maraming taon ay hindi na titira sa bahay na kinalakihan. Kasi para sa akin ang lahat na mga nangyari at alaala sa bahay na iiwan ay mahirap palitan ng kahit anong halaga. Mas masarap isipin at balik-balikan ang mga pangyayari sa bahay kaysa napuntahan mo na mga magagandang lugar o tourist spot dito sa mundo. Inihahandog ko ang tulang ito para lahat ng tao na lumipat na o kaya lilipat na ng bahay na titirhan. Alam ko nakakalungkot ang tula na ito pero sana hindi kayo malungkot."
MUNTING TAHANAN
Ni: Arvin U. de la Peña
May araw na iiwanan ka na namin
Saksi ka sa aming paglaki
Ramdam mo ang mga iyak namin noon
Nang kami ay sanggol at musmos pa.
Hindi naman kami tumira sa iyo
Madalas ka pa rin namin maaalala
Lalo na kung kami ay makakakita
Nang isang tirahan ng tao.
Ganyan ka man lang
Masakit sa amin ang di na tumira sa iyo
Dahil kahit munting tahanan ka lang
Diyan kami namulat sa iyo.
Maraming bagyo kang kinaharap
Sa mga bagyo na iyon
Naging matatag ka talaga
Hindi mo hinayaan na mawasak ka.
Munting tahanan na nabuo aming munting pangarap
Salamat sa mga masayang alaala sa iyo
Nabubukod tangi ka na bahay
Kahit kailan hindi ka namin makakalimutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
40 comments:
Tama! There's no place like home talaga...I missed my HOME...
What a beautiful poem Arvz? There is no place like home! Balikan ko man ang tahanan pero di ko gusto balikan ang hirap na dinanas ko! Pero di ko pwde di lingonin ang paghihirap na yon dahil yon ay challenge para marating ko ang goal ko.!
Thanks for the post, and thanks sa laging pagdlaw. God Bless!:)
There's no place like home... pero syempre life goes on... hehehhehehhe... where my family is...there goes my home...
Ang munting tahanan ay tutuong mahalaga sa atin. Saan man tayo makarating ay hindi dapat kalimutan ang tahanang ating kinalakihan. Dito nabuo ang mumunti nating mga pangarap. Dito tayo nakaranas nang lungkot at saya sa mga karanasan nang ating buhay. Pagyamanin natin ang munting tahanang ating kinalakihan. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
I agree with you Arvs. Great poem. I always miss my home. I have plenty of memories there that I always cherish forever.
Salamat naman sa Diyos at andoon pa rin mga pamilya ko sa nilakihan naming bahay. Pasalamat ako at mga magulang ko ay tinaguyod nila na magkaroon sila nang sarili nilang bahay. Ngayon itong bahay na ito pag ako ay uuwi sa Pinas doon din ako pupunta at maglagi. At tulad sa sinabi mo kahit ano pang ganda ang makikita ko sa aking pagbakasyon sa ibang lugar sa tahanan na kung saan ako lumaki ako ay uuwi din.
wow, korek ... ka diyan kaibigan pero ang masaklap ni wala akong sariling tahanan... huhuhu... salamat sa dalaw..
Home is where the heart is ....
you are absolutely right. my sister really wanted to repair our old house totally into a bungalow but my father said a big "nO". all memories are there in that house. so the house now is very old and we only made some slight repairs.whenever i go home i really visit that house. one of my sisters lives there. my sister who wanted to repair that old house has a house built near to our old house.
@Jag...............yup, masarap pa rin balikan ang bahay na kinalakihan talaga..kahit na ba minsan may mga malulungkot na pangyayari doon sa buhay natin..
@charmie................thanks po na nagandahan ka uli sa sinulat ko..ang nararanasan natin sa ating bahay lalo na noong bata pa ay inspirasyon talaga iyon para sa kinabukasan..kung mahirap ay magpupursige na hindi na maghirap para naman ang nasa loob ng bahay ay hindi laging naghihirap..walang anuman..salamat din sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@I am Xprosaic...........ang ganda ng sinabi mo..korek ka talaga..pero kahit na nasa ibang lugar na at doon na tumitira dahil doon ang pamilya at trabaho ay dapat hindi pa rin kinakalimutan ang kinalakihang bahay..
@Mel Avila Alarilla..............maraming salamat sa mga sinabi mo..sana ganun nga ang gagawin talaga ng lahat na hindi pa rin kalimutan ang kinamulatang bahay kahit na ba asensado na talaga o nasa ibang lugar na tumitira..
@eden.................ganun ba..siguro doon din na iyon na bahay lagi kang pinupuntahan ng mga manliligaw mo noo,hehe..madami ka rin sigurong natanggap na love letter sa bahay niyo na iyon..joke lang..
@ayu...........yes, i hope katulad ng iba pa ay lingunin mo rin sana ang pinanggalingan mo..kahit na ba halimbawa may bad experience ka sa bahay na iyon..
@Manang Kim.............masarap talaga kung nakamagulang ka na mayroon ng sariling lupa at bahay..mahirap kasi iyong palipat lipat ng tirahan..hindi biro ang ganun..ang pagdala lang ng kagamitan lalo na kung marami ay nakakapagod din..mabuti at nagkaroon ka ng ganun na mga magulang..hindi katulad ng iba..ang buhay talaga sa mundo ay iba iba..
@Vernz................hehe..ganun ba..kung umuupa ka man ng bahay ay ingat ka kasi marami ngayon ang akyat bahay gang..baka pagnakawan ka,hehe..joke..
@itsyaboykorki.............yah, dahil mahirap talaga kalimutan ang bahay na doon tayo nagkaisip..makapunta ka man sa ibang lugar ay maiisip pa rin talaga ang bahay na kinalakihan natin..kaya nga may salita na THERE IS NO PLACE LIKE HOME............
@FaYe.....................ganun ba..mas mabuti nga ang ganun..para mapanatili pa rin ang hitsura ng bahay..ang kabutihan ng isang tao ay hindi nakikita sa anyo ng bahay..kung ang isang tao ay mabait talaga at mapagkakatiwalaan ay kahit pa hindi maganda ang bahay ay idolohin pa rin ng mga kakilala niya..dahil katulad ng ibon na nasa kulungan..ang tinitingnan ng tao ay ang ibon.....hindi ang kulungan..
hanga talaga ako sa lahat ng tula mo kaibigang Arvin. lalo na ito bigla tuloy akong sobrang nalungkot dahil naalala ko iyong munting tahanan namin na hindi natirahan ng nanay ko bago siya pumanaw. thank you for keeping in touch. God bless always
Ohh... makes me miss my home in the Philippines. Sabagay, malapit na ako uuwi. :)
Tama ka talaga, Arvin. :)
Home sweet home.. nothing can beat that. Though you already live in a different lifestyle, ang sarap balik balikan ang mga nakaraan especially natupad mo ang mga pangarap sa buhay.
Bon Vivant
Mom Conversations
Simplify your Life
kakalungkot!
ako mismo naranasan kung lumipat ng bahay.
nakakamiss ang dating tahanan talaga
kaya ako di nagboboard.. haha! uwian pa rin.. iba pa rin sa bahay eh. :)
@SAM............maraming salamat sa labis mong paghanga sa mga sinusulat ko..nagbibigay iyon ng inspirasyon sa akin para magsulat pa lalo..ganun ba..nakakalungkot nga ang ganun..thank you din sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@Hi I'm Grace.............haha..ganun ba..kahit sino na makakabasa nito at wala sa bahay na kanyang kinalakihan ay tiyak maalala ang bahay na iyon..kailan ka uuwi..
@Umma.............korek ka..kapag umalis ka ng bahay mo para sa ibang lugar hanapin ang pangarap at natupad iyon ay masarap talaga na bumalik sa kinalakihang bahay..kasi doon nabuo ang pangarap at ambisyon sa buhay..
@Pretsel Maker..........ic......bakit naman kayo lumipat ng tahanan..pinaalis ba kayo..hindi ba sa inyo ang bahay na kinalakihan mo..o kaya ibinenta ng magulang mo para sa ibang lugar kayo tumira,hehe..nakakalungkot nga po ang ganun kasi sobrang mamiss ang mga alaala na nangyari doon..lalo na noong kabataan pa..
@Benh...........baka naman ang paaralan na pinapasukan mo ay hindi masyado malayo sa bahay niyo kaya umuuwi ka..kung malayo talaga ay tiyak mag board ka,hehe..
Hay, nalungkot naman ako sa tula na to. Bigla ko na miss ang bahay namin. Para bang gusto ko nang bumalik nalang sa bahay, wala pang gastos na renta buwan buwan. Nice poem Arvs.
That is what i felt when we moved out from the house that we grew up to love. I missed Home.Kahit anong bahay pa mn tirhan, walang katulad angbahay na kinalakhan.
nice poem Arvin. thanks for sharing it
kakalungkot talaga lumipat ng tirahan mula sa bahay na kinalakihan. lalo na kung sa probinsiya ito..
kasama na ako sa listahan...eheheh! there is no place like home indeed....kami this is our 3rd time to move...wala kaming permanent add...sana permanent add na namin to dito sa Texas...ehehhehe!
love the poem Arvin....:)
sensya na po pala at ngayon lang me ulit nakadalaw dito...super busy lang kasi sa paglipat...salamat sa dalaw at comment...btw, sana maka salik ka sa giveaway contest ko.
ganun talaga. masakit, mahirap pero life is like that----life is about moving on and moving forward~~
@Yen.................ganun ba..hindi ko iyon sadya ha na malungkot ka..kahit sino po na makabasa nito at hindi sa bahay nila tumitira ay tiyak maalala ang bahay nila..kaya mo naman magbayad ng renta ng bahay kahit mahal pa ang upa kasi madami kang raket,hehe..joke..
@Shydub.............i hope kung saan ka man ngayon tumitira ay diyan na talaga kayo hanggang sa pagtanda..para hindi mo na uli maramdaman ang naramdaman mo ng lumipat kayo ng bahay..kasi alam nakakalungkot iyon..
@simply_kim...........tama ka..kahit sa siyudad ay ganun rin po nakakalungkot..isa sa nakakalungkot ay iyong hindi mo na makikita pa lagi ang mga naging kababata mo..panibagong pakikipagkaibigan na naman ang haharapin sa mga magiging kapit bahay..
@Dhemz.............pansin ko nga madalas kayong lumipat ng tirahan..di ko alam bakit ganun..siguro dahil sa work ng husband mo..sana nga diyan na kayo sa texas,hehe..hindi ko po alam kung sasali ako..pero iblog ko ang 2nd blog contest mo..
@pusang kalye...............nauunawaan ko ang sinabi mo..tama ang sinabi mo..pero sa pag forward po para sa life ay hindi maiwasan ang nangyari sa nakaraan..
Tama ka Kuya, nakakalungkot din kapag lilipat ka ng bahay. ANg dami alaala at mga kaibigan ang iiwanan. Baka this year ya lumipat kami ng bahay... ang mahal kasi ng renta namin eh kaya no choice
Post a Comment