Wednesday, July 14, 2010

Nais

"Love always has its errors. Sometimes we try to refresh, then realize its best to shutdown. But the hardest part is to restart your life and reformat your brain."

NAIS
Ni: Arvin U. de la Peña

Nais ko pa ring pasalamatan ka
Sa mga sandali na narito ka sa akin
Dahil doon walang humpay ang kaligayahan ko
Ikaw na minamahal ko.

Wala ka naman ngayon sa akin
Wala naman ang iyong pag-ibig
Para ka pa rin kapiling ko
Dahil ang tulad mo di ko makalimutan.

Kung kaya lang ibalik ang nakaraan
Itutuwid ko aking mga pagkakamali
Gagawin ko ang lahat
Para hindi ka masaktan.

Hindi pala kita dapat binigyan ng hinanakit
Ang tulad mo pala dapat inaaruga talaga
Sadyang nasa huli ang pagsisisi
Para sa isang katulad ko.

Nagkamali man ako sa iyo
Umaasa ako sa iyong pagpapatawad
Patuloy pa rin na mananalangin
Saan ka man mapunta ay maging masaya.

45 comments:

Umma said...

Wow...I hope she will be able to read this Arvs.. what a great poem.. sagad sa puso ..wink

Btw, thanks for adding me to your blogroll, i will do the same.

from:
Bon Vivant

pusangkalye said...

reformat your brain? hirap nun ha. kung pwede lang nga mag reset para makalimutan ang mga di kanais nais na memories, matagal ko nang ginawa. sigh

Nanaybelen said...

Move on na lang Arvin. Ganon talaga...,

"Survivor mom"

Anonymous said...

Charing!... parati nga lang ako nag-rereformat ng brain ko kasi parating may virus... LOL.. thanks kaibigan sa pasyal...

Dhemz said...

awwww....ganda naman tong tula na ito...eheheh!

sabi pa ni sis Umma...sagad sa puso...ehehhee!

Mel Avila Alarilla said...

Lahat tayo ay nagkakamali, tao lang naman tayo. Ang importante ay yung matuto tayo sa ating pagkakamali. Ang tunay na kristiyano ay dapat magpatawad dahil tayong lahat naman ay naging makasalanan din bago tayo pinatawad nang Panginoon. Napakalungkot nang iyong tula. Sana mabasa ito nang taong pinaglaanan mo nang tulang ito. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

YAM said...

aww. sana patawarin ka nya. that's really a sweet way to say sorry.

Unknown said...

hehehehe, nag durugo ang puso nung sumulat neto.. sinu kaya.. hehehehehehe...

Jag said...

Ako hindi uubra ang reformat, kailangan palitan n utak ko hahaha...

Nice poem btw...

Kim, USA said...

Aba bakit mo naman pala siya binigyan nang hinanakit, kaya iyan tulay no where to be found na true love mo hehehe.

anney said...

I'm sure mapapatawad ka naman nya anuman yung nagawa mo na hindi nya nagustuhan.

Sam D. said...

hay! may kurot sa dibdib ang tula mo kaibigan. But I am so proud of you masasabi ko na nakamoved on ka na and you accept things as it is. Ang pagsisi naman laging nasa huli di ba? But you know there is always light at the end of the tunnel kaibigan. be happy always

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...............mababasa niya po ito kasi ipapabasa ko sa kanya..mag message ako sa kanya sa facebook..ganun ba..sagad sa puso..malalim siguro ang pagkakasagad,hehe..walang anuman..i hope you add me also in your blog list..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye.............hehe.. siguro marami kang nagawa na ayaw mo na talagang maisip pa pero naiisip mo pa rin..ano kaya iyon..kung hindi man maganda ang mga pinaggagawa mo na iyon ay magbago ka na..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen..............mahirap po ang mag move on lalo na kung napamahal na talaga ang isang tao sa iyo..mahirap mapalitan sa puso..panahon na lang ang makapagsasabi kung nararapat na siyang mapalitan sa puso ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Verna Liza................haha..maglagay ka ng anti virus sa brain mo..kung ganun ay laging mainit ang ulo mo,hehe..walang anuman iyon..salamat rin sa pag punta sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........maraming salamat at muli nagandahan ka sa sinulat ko..yes, siguro nakarelate talaga si Umma sa sinulat kong ito kaya niya nasabi na sagad sa puso,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..............yes..at sa ating mga nagawang pagkakamali doon ay may natututunan tayo na hindi pala dapat nag ganun..sa atin pagkakamali ay tayo rin ang nasasaktan..malungkot nga ang tula na ito kasi naranasan ko na ang ganito..mababasa po ito ng babae na hinahandugan ko ng tula na ito..

Arvin U. de la Peña said...

@ambiguous_angel..............umaasa ako na mapapatawad niya ako......kahit hindi na niya ako balikan ang mahalaga ay mapagpasensiyahan niya ang nagawa kong pagkakamali sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@tim....................nagdurugo po ang puso ko kung kaya ito ang dahilan at naisulat ko ito..i still love her..kaya lang lumayo na siya sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................natawa naman ako sa sinabi mo..wala pa akong nababalitaan na ang isang tao ay pinalitan ang utak......mahirap siguro gawin iyon na brain transplant..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............talaga..hmmmmmmmmmmmmm....sino kaya ang tao na iyon na medyo nasaktan ang puso mo..mabuti naman kung ganun na ayos ka lang..ako rin ay ayos lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim................nakakahiya po kung sasabihin ko kung ano ang dahilan..kasama na sa isang magkarelasyon ang magkaroon minsan ng hindi pagkakaunawaan..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............sana nga mapatawad niya ako para naman maging masaya ako..pinagsisihan ko naman ang aking nagawang pagkakamali sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@SAM............hindi pa po ako nakakapag move on..kaunti na lang at makapag move on na talaga sa pinanghihinayangan na relasyon na nangyari sa akin..salamat po sa iyong sinabi..ikaw din be happy always...

Sasarai said...

Hangsweet naman! :)) Sana may ganyan din ako in the future, na nanggaling sa taong gusto ko! MUAHAHAHAHAHA! Nice nice! Two thumbs up! ^^

Admin said...

Aaaaaw!!! 2 thumbs up Arvin!!! :))

Xprosaic said...

Naks! emo ah.. hehehhehe

eden said...

Nice poem, Arvs.
Ang dami mong minamahal..hehehe..
btw, lahat tayo ay maypagkakali. Sana mabasa niya ito.

fiel-kun said...

Aww... ang ganda naman ng poem mong ito parekoy *sniff*

Kung pwede ko rin lang sanang i-reformat ang utak ko pero hindi pwede eh... past is past. What's done is done na. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan... haayz >_<

Ang gawin na lang natin is to move-on! ^^

Arvin U. de la Peña said...

@Sasarai................eh kung ganun ang nais mo ay iyong magkakahiwalay kayo tapos handugan ka ng tula na parang ganito..iba ka rin pala,hehe..huwag mo na lang hangarin na handugan ka ng tula na ganito someday kasi ang tula na ito ay para sa nagkahiwalay..masakit iyon sa puso kung ikaw ay hiwalayan ng minamahalmo..

Arvin U. de la Peña said...

@LHEY.............thanks..salamat at muli nagustuhan mo ang sinulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.............haha..medyo tumpak ang sinabi mo..may pag ka emo nga ang tula na ito..medyo nakakalungkot,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@terrifields..............thanks for visiting my blog..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............salamat..marami nga akong minamahal..pero may isa lang na nabubukod tangi,hehe..walang tao sa mundo na walang nagawang kasalanan..lahat nga tayo ay nagkakamali..at doon sa pagkakamali natin ay nakapag iisip tayo na hindi na iyon ulitin kasi nakakasakit lang..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.............salamat rin sa iyo at nagandahan ka sa tula na ito..sa iba ay past is past sa kanila..pero may mga tao na ang nakaraan ay pilit pang binabalikan..kapag hiniwalayan ay gugustuhin pa na makipagbalikan..lalo na kung mahal na mahal talaga..hihingi ng hihingi ng pagpapatawad hanggang sa patatawarin..

eden said...

Hi, Arvs! andito na naman ako to thank you for always visiting and commenting my blog. Greatly appreciated. Tc always.

zagoo said...

^^ hi there, ayun at na visit ku na nga.. *nice* hope na mabasa na ni MJ to! ^^ keep it up!

if you don't mind pls check our very own official blog ng friends ko.. ^^

http://zagooprofile.blogspot.com/

thnks!God bless!

Glenn said...

hi arvz. keep on writing poems. ^_^. miss ko na ang blogging. xa nga pala. marami akong photos na nilgay sa site ko ^_^. God Bless

eden said...

Hi, Arvs! Thanks again for always visiting and commenting my post. Really appreciate it.

have a great week.

charmie said...

Time can heal the wound.. masaktan man ang puso natin pero i am sure dating ang time na makarecover din.. just move on and learn from the experience.

thanks for dropping by.. ang ganda ng poem :)

Arvin U. de la Peña said...

@eden................thanks din sa iyo sa palaging pagpunta sa blog ko kapag may time ka..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@zagoo............nabasa na po ito ni MJ..ok puntahan ko ang blog site niyo na magkakaibigan at add ko sa blog ko ko ang blog niyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn Kun..........salamat sa paalala mo..siyempre naman ipagpapatuloy ko pa ang mga pagsusulat ko ng kagaya ng mga nakikita mo sa blog ko..ganun ba..sige tingnan ko ang blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie..........makapaghihilom nga ang panahon sa sakit na nadama mula sa pagkabigo sa pag ibig..pero matagal nga lang..lalo na kung wala pang nahahanap na kapalit..thanks at nagandahan ka sa tula..