"Sa buhay dapat matuto tayong tumanggap ng pagkalo. Dahil kung hindi mo matatanggap na ikaw ay matatalo, puwes huwag kang sumali sa isang paligsahan na dapat may isang mananalo lang."
PROTESTA
Ni: Arvin U. de la Peña
Huwag ka ng magprotesta
Sa naging resulta ng iyong pagtakbo
Tanggapin mo na lang
Hindi ka ibinoto masyado ng mga botante.
Kagaya ng sugal na naglipana sa lipunan
Sa halalan ay ganun din
May panalo at talo
Iyon ang dapat mong tandaan.
Lumalabas tuloy na sakim ka
Ikaw ay sakim sa kapangyarihan
Nagsilbi ka naman dati sa bayan
Ano pa ba ang gusto mo.
Mayaman ka naman na tao
Kahit sa iyong kamatayan
Hindi mauubos ang pera mo
Kung mamumuhay ka lang ng normal.
Iurong mo na ang iyong protesta
Napagtatawanan ka lang tuloy
Baka iyon ay maging panis lang
Katulad ng ibang ibinebenta sa palengke.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
Dedicated ba itong tulang toh kay Mar Roxas? hehe XD nice poem!
Dapat huwag pikon. Tanggapin ang pagkatalo. Maging sport dapat ^_^
Oo nga ngayong automated na ang halalan ay mahirap makalusot ang pandaraya kaya yung mga nagpoprotesta sa kanilang pagkatalo ay lumalabas na sour graping lang. Para pagtakpan ang kanilang pagkatalo ay isinisigaw nila na sila ay nadaya. Sayang lang yung pagod nila at pera na gugugulin sa muling pagbilang nang boto. Nuong manual pa ang bilangan ay malaki ang pagasang manalo kung talagang nadaya pero ngayon na automated na ay parang dadaan sila sa butas nang karayom bago mapatunayang nandaya ang kanilang kalaban. Salamat sa tula at lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Ang galing mo naman... professional...
Just have followed you…
Hope you can also visit my other sites and join as well…
Maraming Salamat…
Just For A Thought
My Prince ---> Macoi
Emotera
Trying Hard Techie
@fiel kun.............hindi po ito dedicated sa kanya..sinulat ko lang ito kasi may mga politiko na nagproprotesta dahil sila raw ay dinaya sa halalan..iyon ang dapat..bago pa sumabak sa halalan dapat handa na kung anuman ang ang maging resulta..
@Mel Avila Alarilla............medyo sayang nga ang pera na gugugulin para lang sa pagprotesta..pero ang mga tao na politiko na nagproprotesta dahil nadaya daw sila ay hindi na panghihinayangan ang pera na gagamitin nila kasi marami silang pera,hehe..isa pa baka ang pera na ginagasto nila para sa pagprotesta ay galing sa pangungurakot..kaya okey lang sa kanila iyon kahit pa malaki ang magasto sa pagprotesta..ang di lang maganda ay minsan natatapos na lang ang termino ng prinopotesta pero hindi pa rin tapos ang kaso..
@momikoito...........salamat po sa iyong sinabi sa akin..tingnan ko ang iba mong blog..
hehehehe.. ganun nga talaga, kasi dito sa atin, pag natalo naku yun talaga ginagawa, kasi daw dinaya...
sadyang gnun may nananalo may natatalo...better luck next time ne lang hehe...
Buong akala ni Mar Roxas maipapanalo sya ng Iglesia ni Cristo ni Manalo.
Isa na naman sa mga nadaya ng Iglesia ni Manalo.
Kawawang Roxas gusto ko pa naman syang iboto magpapagamit lang pala sa mga Manalista.
Katulad ni Gloria Arroyo nagpagamit sa INC at kung hindi mandadaya "Hello Garci" hindi pa mananalo.
Kaya kayo magisip isip kayo, hindi totoo ang INC ni manalo ang nagpapanalo sa mga politiko sumasabay lang sa survey yun mga manalista kaya huling araw sila maglabas kung sino iboboto nila.
May mga tao talaga na kung matatalo sabihin na nandaya siya. Sino kaya pagtatawanan ng madla kung magagalit sila na natalo sila. Pagkatapos ng lahat sila din ang nahihiya sa ginagawa nila.
Thanks for your visit:)
Nice poem again Arvs, Sino ba ang nagprotesta ngayon? hehehe.. btw, I read in the news about the protest of Roxas.
Thank you for the visit
@tim.................karamihan kasi na mga pilipino ay hindi nila matanggap ang pagkatalo..kaya ayun nag iisip na sila ay dinaya..kaya ang gagawin ay magproprotesta..
@Jag.................yes, dapat tanggapin ng maluwag anuman ang kinalabasan ng isang sinalihan..pagbutihin na lang sa susunod na pagsali..hindi iyong magproprotesta pa..
@Pretsel Maker.............sa column ng isang diaryo ay nabasa ko rin na kung sino ang malakas sa survey ay iyon talaga ang sinusuportahan ng Iglesia Ni Cristo..dahil siguro alam nila na iyon ang mananalo..hindi po sila sumusuporta para sa isang mahinang kandidato..pero minsan may silat pa rin para sa ibang posisyon,hehe..hindi naman siguro lahat ng miyembro ay iboboto talaga kung sino ang nais ng kanilang pinuno..may mga sumusuway pa rin sa mga ganun..
@charmie..............ang isang hindi maganda para sa pag protesta ay kung manalo ka nga sa ginawang protesta ay sasabihin na malakas ka lang kaya nanalo ka sa iyong protesta..kung hindi man ay kung nanalo ka nga sa protesta ay makakarinig o makakabasa ka rin ng mga salita na kung hindi ka nagprotesta ay hindi ka mauupo sa puwesto..hindi yata maganda na mauupo ka sa puwesto na inagaw mo lang dahil sa pagprotesta..
@eden................thanks po sa sinabi mo..wala po akong tinutukoy talaga na tao para sa sinulat kong ito..sinulat ko lang ito para sa mga tao na nagproprotesta maging ito man ay sa halalan o hindi..
First time napadpad sa blog mo Arvs and was impressed to read your poems.
Nothing new sa pinas.. same 'ol' story pa rin .. rally.
Have a great day.
Bon Vivant
Bon Vivant
@Umma.............ganun ba..mabuti naman at nagustuhan mo ang blog ko sa una mo pa lang na pagpunta..the same pa rin po dito sa pinas..kung may nag iba man ay kaunti lang..add ko ang blog mo sa blog list ko..i hope add mo rin ang blog ko sa blog list mo..
Post a Comment