May second giveaway contest po ang kaibigan na blogger na si Dhemz. I hope sumali po uli kayo. Malaman niyo po kung paano sumali sa blog niya. Puntahan niyo po siya sa blog niya na http://demcyapdiandias.blogspot.com
"Katulad ng sinulat kong May Bukas Pa, Santino, Kung Tayo'y Magkakalayo, at Agua Bendita na mula sa palabas sa abs-cbn ay ito naman uli ang ipapabasa ko sa inyo. Ang latest ngayon na napapanood pagkatapos ng TV Patrol. Ito ay ang teleserye na ang pamagat ay Noah.
NOAH
Ni: Arvin U. de la Peña
Hahanapin ko ikaw dahil anak kita
Kahit saan pa na gubat
Walang makakahadlang sa akin
Dahil ikaw ang bubuo ng aking pamilya.
Mababangis na hayop di ako matatakot
Kahit pa maging mga rebelde
Buo ang aking loob
Para sa isang katulad mo.
Wala ng makapipigil sa hangarin ko
Handa na ako anuman mangyari
Kahit pa ikapanganib ng buhay ko
Ang mahalaga sa akin ay mahanap ka.
Patawarin mo sana ako
Kung nalayo ka man sa amin
Hindi ko kagustuhan ang nangyari
Dahil sino ba naman ako para ka itakwil.
Noah, mahanap ko sana ikaw
Para bumalik ang iyong ina sa akin
Na ako ay kanyang iniwan
Sa pag-aakala na wala na akong pag-asa.
Thursday, July 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
29 comments:
aw:)touching..
i love noah anyway:)
Ako man ang mawalan ng anak hahanapin ko rin san man sulok ng mundo. Nice poem!
Hindi p kasi ako nkapanood nito simula nung debut ng NOAH. Ang pagkakaalam ko Noah is a place right?
May bago palang teleserye ngayon. This is very interesting to watch kaya lang di ako makapanood.Great poem again, Arvs.
have a great weekend
@ambiguous_angel...........nanonood ka rin pala ng noah..ako rin po ay nanonood pero hindi madalas..
@anney...........kahit sino ay hahanapin talaga ang anak hanggat may pag asa pa na mahanap..pero kung wala ng pag asa ay titigil na sa paghahanap..kasi mawalan lang ng saysay ang paghahanap..
@Jag..............ganun ba..yup ang noah ay lugar..sa palabas ay lugar po ang noah..lugar kung saan ay hinahanap niya doon ang anak na nawawala..pero dito sa tula kong sinulat ang noah ay pangalan ng tao.hindi lugar o bundok..
@eden.............may bago po..mga ilang linggo na rin po ang palabas na ito..hindi ka ba nakakapanood ng filipino channel diyan..sometime ay manood ka pagkatapos ng tv patrol..manood ka kahit sandali lang,hehe..
Nice poem Arvs..ako din pag me anak na nawala.. hahanapin ko talaga saan man nang sulok sia.
Keep posting, happy weekend :)
Bon Vivant
Mom Conversations
Hindi ko napapanuod ang teleserye na iyan kasi sa Kapuso channel ako nanunuod. Pero mukhang okay naman ang istorya dahil iginawa mo pa nang tula. Alam kong hindi mo pagaaksayahan nang oras ang palabas na iyan kung hindi talagang maganda. Thanks for the post. God bless you always.
hehehe, makata... emotional naman, sana nga mahanap!
Musta na Kuya Arvin? DI ko pa napapanood ang Noah pero im sure maganda yan.. MInsan gawa ka naman ng tula ng Magkaribal hehe.. happy weekend
wow! may bagong teleserye pala ang abs cbn? omg, ngayon ko pa nalaman..hindi na kasi ako nanonood ng tv eh, palagi nlng internet..haha..anyway, mukhang maganda nga ang kwento, pero hindi naman ako makakapanood niyan, ang gabi ay oras ng aking mga magulang na manood ng mga sine sa tv, kaya, ayun, sa internet nlng ako.. :D
@Umma..............kahit sino ay hahanapin naman talaga kapag anak ang nawala..kahit saan pang sulok ng mundo..i will keep posting po hanggat gusto ko mag post,hehe..
@Mel Avila Alarilla..............tama ka..hindi ako mag aaksaya na magsulat ng tula na hawig sa palabas kung hindi talaga maganda ang paghuhugutan ko ng inspirasyon para sa isusulat..sana kahit minsan ay manood ka ng palabas na noah,hehe..
@tim................tiyak mahahanap iyon..magtatagal nga lang..dahil ang palabas na noah ay baka umabot pa iyon sa sunod na taon,hehe..
@Bambie dear................okey lang po ako.....hinihikayat ko po ikaw na manood ng noah kasi maganda po ang palabas na iyon..hayaan mo pag iisipan ko ang magsulat ng isang tula na ang pamagat ay Magkariba..siguro mahilig ka manood ng palabas na iyon..
@nice............medyo matagal na rin ang noah..mga ilang linggo na rin iyon na pinapalabas..ganun ba..sa youtube ay puwede ka rin manood ng ilang eksena sa palabas na iyo,hehe..try mo lang na tingnan..kung ganun ay nagtatagal ka pala sa pag internet kung gabi..
kapuso ako ...
Naku, nanonood din ako ng Noah parekoy! ang ganda ng tula mong ito. Talagang, gagawin ng isang ama ang lahat para sa kanyang anak ^_^
Hi Arvs!
Just dropping by to say Thank you for the nice comment. Have a great week. tc
Heya. Salamat po sa iyong pagdalaw sa aking blog.
Napanood ko lang ang Noah noong nasa bus ako galing ng Laguna.
Bagay ito na sabihin ni Piolo. ^_^
@Nanaybelen.............ganun ba..kahit ba kapuso ka ay hindi ka nanood ng kahit saglit na palabas sa abs cbn..kahit sa tv may loyalty talaga ang isang tao..kahit gusto ko ang abs cbn ay nanonood rin naman ako ng palabas sa GMA,hehe..pero hindi madalas..
@fiel-kun..............salamat naman at pinapanood mo ang palabas na noah..ang iba ay hindi nanood kasi sa kabilang istasyon sila,hehe..salamat at nagandahan ka sa tula kong ito na sinulat..opo..hahanapin talaga ng isang ama kapag nawala ang anak niya..
@eden...........thanks for visiting again my blog..walang anuman iyon..ganun talaga ako kapag nag ikot sa mga blog..
@Ishmael Ficher Ahab.........salamat rin sa pagbisita mo sa blog ko..ganun ba..nagbibiyahe ka pala ng mapanood mo ang noah..siguro naman nagandahan ka ng mapanood iyon at kahit hindi ka na nagbibiyahe ay pinapanood mo pa rin,hehe..
@ayu...............talaga..kung na touch ka nito ay ma touch ka pa sa mga isusunod ko pang post..
thanks for adding the badge arvin....:)
oh my nahuli ako sa Noah eh...pero I am watching it everyday.....I watch noah, rubi, agua bendita, and magkaribal....:)
@Arvin:
Actually, hindi ko na napapanood ito at late na rin ako nakakauwi sa amin.
Nakikikwento na lang ako. ^_^
Post a Comment