Monday, August 2, 2010

Landas

"Para matupad ang nais na kabutihan ng isang pinuno ay dapat makiisa tayong lahat sa kanya. Huwag tayong sumalungat. Bagkus ay samahan natin siya sa kanyang magandang adhikain."













LANDAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Matuwid na landas ang aking tatahakin
Dahil sa simula pa man iyon na ang aking hangad
Walang maganda na kahahantungan
Kung sa baluktot na landas ako dumaan.

Kahit mahirap tahakin ang daan na matuwid
Pagkat marami ang hadlang
Pipilitin ko pa rin na makatawid
Alang-alang sa sambayanang pilipino.

Sa tulong ng aking mga kasama
Umaasa ako na mapagtatagumpayan ko iyon
Hindi ko bibiguin ang milyong pinoy
Na nagtitiwala sa aking kakayahan.

Samahan niyo sana ako
Huwag kayong lumihis sa likod ko
Para ang ating bansa ay umunlad
Lugmok na ngayon sa kahirapan.

Magkaisa na tayong lahat
Huwag ng pairalin pansariling interes
Gawin ang mithiing ikabubuti ng lahat
Lakad tayo patungo sa magandang pagbabago.

50 comments:

imelda said...

yes i garee with u on this arvin

Kim, USA said...

Oo nga kaya lang majority sa naka upo sa senado ay opposition kaya I hope magka-isa mga to kung hinde ganun pa din ang labas nang Pilipinas.

Dhemz said...

ang ganda naman nitong tula mo Arvin....good luck nalang sa bagong presidente.

Chyng said...

samahin natin nag isat isa sa matuwid na landas. bawal muna kumontra. sumunod muna..

Mel Avila Alarilla said...

Daang matuwid na maghahatid sa atin sa kaginhawahan at kaunlaran. Yan ang mithiin ni P.Noy na dapat nating suportahang lahat alang alang sa ating bayang Pilipinas na lubhang lugmok na dahil sa pandarambong at pangungurakot nang nakaraaang administrasyon. Ipanalangin nating lahat ang pagtagumpay nang pamahalaang P.Noy para sa kaunlararan nang sambayanang Pilipinas. Salamat sa makabuluhang artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Verna Luga said...

Amen.. kaibigan ... sana nga, sana nga... gawin na natin kung anung magawa natin sa bayang ito, at huwag antayin kung anu ang magawa ng gobyerno para sa atin ...

sensya na minsan kaibigan .. e di nakakadalaw dito .... busy si mama, LOL!

Jag said...

Sama sama together ika nga hehehe...
Goodluck po sa atiing lahat...

Ishmael F. Ahab said...

Haaay...sana nga at maisakatuparan ng presidente ang pagbabago sa bansang ito.

Matagal na nating kailangan ng malawakang reporma.

charmie said...

I agree with you ARvz, thanks for the poem and for visiting me all the time. God Bless

eden said...

Great poem. Ganda ng pagkasulat and I agree with you, Arvs.

YAM said...

galing:)

as usual..

Nancy Janiola said...

tama! agree ako dyan!

Arvin U. de la Peña said...

@imelda...................thanks po..nagagalak ako at pati ang iba ay agree sa sinulat kong ito..dapat na po talaga na magkaisa tayo..dahil iisang dugo lang ang ating pinagmulan..dugong pinoy kaya dapat na magmahalan..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim................okey lang iyon kahit madami pa ang opposition..wala naman silang magagawa kasi ang hangarin naman ng ating pangulo sa ngayon ay puro magaganda..siguro naman kahit sila ay opposition ay sasang ayon sila sa nais ng pangulo..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............maraming salamat sa sinabi mo na maganda ang tula kong ito na sinulat.....si Noynoy kasi ang ibinoto ko kaya dapat lang siguro na mag sulat ako ng tula na pic ang gagamitin niya sa pag post ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng................korek ka..hindi pa man umaabot ng isang taon mula ng siya ay maupo ay puro naman maganda ang performance niya..huwag muna natin siyang husgahan..sumunod muna tayo sa gusto niya.........ipinakita na niya na bawal ang wang wang at dahil doon naging pantay pantay ang tao pagdating sa usaping kalsada..siguro naman sa iba pa ay ganun din ang mangyayari..walang lamangan..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..............tama ka diyan..dapat sa tuwid na landas talaga ang ating tahakin..huwag tayo sa baluktot na daan kasi ang patutunguhan ay hindi ikagaganda ng imahe ng ating bansa..opo..kasi kung hindi pa magtatagumpay si Pnoy sa hangarin niya ay lalo lang tayong mga pilipino maghihirap..hindi magiging maganda ang ating bansa sa mata ng ibang tao sa ibang bansa..matigil na sana ang korupsyon na umiiral sa atin..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............hehe..ganun din dapat..kasi kung umasa lang tayo minsan sa gobyerno ay aabutin ng ilang buwan bago iyon makamit..hanggat may magagawa tayo para sa ikabubuti ng ating bayan ay gawin natin..halimbawa na lang ay ang pagtatapon ng basura..itapon natin ang basura sa dapat talaga pagtapunan..huwag na natin hintayin na magsabi sa kung saan dapat itapon ang basura..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............yup, sama sama tayo para sa maganda na pagbabago..pero siyempre dapat umpisahan muna natin na baguhin ang kung anuman may dapat baguhin sa ating sarili bago tayo magsama sama..kasi parang wala ring saysay ang magiging adhikain natin kung tayo ay may hindi maganda na katangian..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........maisasakatuparan po ang kanyang hangarin basta ang lahat o karamihan ay sumang ayon sa nais niya..higit sa lahat ay makiisa sa anuman ang mga plano niya..alam naman natin na ang mga plano niya ay para sa ikauunlad natin..kung kumontra tayo sa nais niya ay ibig lang sabihin ayaw natin na umunlad tayo..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie............thanks po..walang anuman iyon..ganun po kasi ako kapag may new post ay maraming nasa blog list ko ang pinupuntahan ko..at siyempre minsan nasasama ka sa mga pinupuntahan ko..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........muli salamat sa sinabi mo..nakakataba ng puso ang mga ganun na salita..nag iinspire iyon sa akin na magsulat pa ng mga tula..

Arvin U. de la Peña said...

@ambiguous_angel.............ganun ba..well thanks for what you said..i appreciate it..

Arvin U. de la Peña said...

@admin..............salamat at hindi ka kontra sa mga nakasulat dito..magkaisa na sana tayong lahat..huwag tayong gumawa ng labag sa batas at nakakasira ng ibang tao,hehe..

Umma said...

That's what we all need... magkaisa..I love your tula Arvs.. galing mo talaga.

Azumi's Mom ★ said...

Sa aking palagay, tama ang napili nating presidente. Kaya lang, kung yung mga kasama nya ay hindi makikipag-cooperate sa kanya, ay wala rin.. Nakakalungkot kung ganun, sana naman isipin ng mga leader sa tin ang kinabukasan ng bansa, hindi ang kinabukasan nila.

Faye said...

sana madaming magawa si PNoy, sana din dawan nya ng paraan ang edukasyon dahil yun lang ang paraan upang makaahon ang mga Filipino sa kahirapan.... maraming mahihirap na matatalino at masipag sana bigyan nya ng panahon ang mga taong ito

Nanaybelen said...

Yun na nga ang dapat

eden said...

Just dropping by, Arvs to thank you for the nice comment you left in my blog. Tc

Ishmael F. Ahab said...

@Arvin:

Well, maganda talaga kung walang kokontra. What I mean sa pagkontra ay yung tipong kokontra para lang maging balakid o kaya para sa sariling interes lamang.

Pero hindi rin masamang kumontra sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa ating bansa at gobyerno. Dahil sa pagkontra ay nagkakaroon ng healthy discussion at nahahalukay ang balakin ng pamunuan at nalalaman ng lahat kung ano ang problema. Sa pamamagitan ng pagkontra ay malalaman ng pamunuan ang concern ng mga tao na may ibang valid view sa bagay-bagay.

Ang pagtulong sa presidente at ang pagkontra ay parehong kailangan para sa isang malusog na demokrasya.

Unknown said...

oo nga, TAMA.... salamat sa comment parekoy.. ingat lagi

Yen said...

Infairness ha, nararamdaman ko na yung sinasabe ni Pnoy na pag supil sa mga Corrupt at pag sasaayos ng sistema ng gobyerno natin. In the morning going to work di na ko na lalate. hehe. (malaking tulong yun sakin iwas memo)
Hinuhuli na kasi mga colorum na mga bus,yung mga may commemorative plate na exempted sa coding, di na din pwede sa kalsa. (Mabuti naman, para lahat pantay pantay, at para mabigyan din naman ng sense ang color coding) Lumuwag na ang kalsada ngayon. Yung mga kotong na MMDA, nag titino tinuan na ngayon. Hay sana mag tuloy tuloy na itong mga pagbabago na to. Sana di lang ito ningas kugon. Kudos Pnoy!

Unknown said...

I totally agree with what you said Arvin, dapat makiisa hindi mangaaway sa goberno pag hindi umasenso buhay nila.

Sam D. said...

true, dapat talaga na tumulong tayo sa ikakaunlad ng ating bansa. hindi lahat dapat iasa at isisi lang ang economy or ang hindi pag-unlad ng bansa sa presidente lang. dapat kasi kumilos din tayong mamamayan. iyong mga tamad-tamad dapat gumalaw-galaw na. karamihan kasi sa atin diyan puro parelax-relax lang eh. weekend na naman kaibigan arvin ang bilis ng panahon. mag-iingat ka palagi. keep in touch

Arvin U. de la Peña said...

@Umma............i hope makiisa ka rin sa adhikain ng ating pangulo sa ngayon......thank you..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.............tama nga..dahil kung iba ang nanalo ay tiyak marami pa ring abusado sa kalsada..ang wang wang ay patuloy pa rin na mangyayari..ngayon sa kalsada ay pantay pantay na..hindi tulad noon na ang mga maimpluwensaya ay parang hari sa kalsada,hehe..sad to say ay may mga tao pa rin na nasa gobyerno o pulitika ang mas inuuna pa rin ang kinabukasan nila..kaysa sa kinabukasan ng nakakarami..hindi po naiiwasan ang pangungurakot..puwede na maibsan..

Arvin U. de la Peña said...

@Faye...........palagay ko madaming magagawa na mabuti at ikakaunlad ng ating bansa ngayon sa pamumuno ni Pnoy..tungkol naman sa sinasabi mo ay sa ngayon uso pa rin ang backer..kahit gaano pa minsan katalino at kagaling ang isang tao lalo na kapag mahirap lang ay mahirapan siya sa nais niya..lalo na kung walang mag recommend para sa kanya..may mga inaaplayan na para lang matanggap ay dapat magbigay ng pera para sa nakakataas sa puwesto na tao..ang masakit ay kung nagbigay nga pero hindi natanggap..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........yah, tama ka sa sinabi mo..mahirap nga kung walang kumontra sa mga pinapatupad ng pangulo kasi baka ang gustong ipatupad ay hindi maganda ang kalalabasan para sa mga tao..pero kung kung alam naman na sa kabutihan ang kahihinatnan ay mangyaring huwag na lang kumontra..ang iba kasi ay sumasalungat para sila ay mapag usapan..pero wala rin nagagawa kasi karamihan ay sang ayon sa ipinatupad..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen.............oo para naman maging maganda na ang imahe ng ating bansa..mawala na sa isip ng ibang mga tao lalo na sa ibang bansa na karamihan sa mga pilipino ay mga corrupt lalo na iyong mga nasa politika..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.............walang anuman..thanks........

Arvin U. de la Peña said...

@Yen................ganun ba..kasi ang mga may wang wang minsan ay nakakadulot din ng traffic..kapag dumadaan na sila ay pumapaligid talaga ang mga sasakyan..baka naman naman hindi ka na nalalate dahil sa natutulog ka na ng maaga..hindi ka na nagpupuyat masyado..kasi dati kahit 1 am ay gising ka pa at nag iinternet pa,hehe..kaya nga nagka pimples ka..joke........sa ngayon lang ang mga iyan magpapakatino..pero kapag nag nag iba na ang presidente ay balik iyan sa hindi magandang gawain..hindi minsan maiiwasan ang pangongotong kasi kulang sa kanila ang sahod na natatanggap..ang tao na maraming pinagkakagastuhan ay tiyak gagawa ng paraan na magkapera mula sa masamang pamamaraan..hindi naman lahat..ang iba lang..kung may pangongotong man ngayon ay tiyak patago lang,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub...............hehe..pero hindi pa rin po naiiwasan ang pagkakaroon ng mga militanteng grupo at nag rarally..kung anu ano ang pinag rarally nila..taas ng sahod..bawasan ang pamasahe o kung ano pa..

Arvin U. de la Peña said...

@v.............korek ka..hindi natin matatamo ang kaginhawaan sa buhay kung hindi tayo maghirap muna..exempted nga lang ang ipinanganak na mayaman na talaga sila,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@SAM...............may punto ang sinabi mo na kung anuman ang kalabasan ng ekonomiya natin ay hindi isisi sa pangulo..unfair iyon para sa pangulo na lahat ay isisi na lang sa kanya..gayong may mga inatasan siyang tao para mangasiwa sa kung anuman ang ikagaganda ng ating ekonomiya o ikauunlad ng ating bansa..ang hirap nga lang minsan ang isang tao ay hindi sumusunod sa utos ng pangulo..kung sumunod man ay hindi lubos lubos..kasi kung sumunod talaga 100 percent ay hindi makaka pangurakot,hehe..

klomster said...

sana nga magkaroon na ng pagbabago sa Pinas. magtulungan nalang tayo para makamit ang pagbabagong ito. :)

fiel-kun said...

Mabuhay ka P-noy!

Sana ito na talaga ang simula ng pagbabago sa ating bansa.

Saludo ako sa mga akson na ginagawa ngayon ni President Noynoy. Iniisa-isa na nya ang mga corrupt na departamento ng pamahalaan.

Hindi rin nya maisasakatuparan ang lahat ng ito ng walang tulong mula sa ating mga mamamayan. Magtulungan tayong lahat!

Nice poem Arvin!

Arvin U. de la Peña said...

@klomster...............sana nga..alam ko mahirap gawin iyon pero kung magkakaisa tayo ay magagawa iyon..isantabi ang interes na para sa sarili lamang lalo na iyong mga tao na mga corrupt talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..................ako din ay hanga sa mga ginagawa niya sa kasalukuyan.....pinapa resign niya ang mga naging midnight appointments ng nakaraang administrasyon..ang hirap lang nito ay kung matapos na ang kanyang termino ay kung maging ganun pa rin ang maging pamamalakad ng papalit sa kanya..iyon ang malaking katanungan sa ating lahat..siguro ang walang wang wang sa kalsada ay ngayon lang iyan na si Pnoy ang presidente..pag iba na baka ibalik,hehe..walang mahirap kapag nagkakaisa talaga..sabi nga two heads is better than one..

jo said...

Bago pa lang ako sa blog arvin. hindi ko alam kung paano magsisimula. nag eeksperimento pa lang ako. sana matulungan mo ako...