Friday, August 27, 2010

Desisyon

"Dahil sa mga napapanood sa tv at nababasa sa diaryo tungkol sa nangyaring hostage kamakailan sa Qurino Grandstand ay naisulat ko ito. Ngayon kung may mali man dito ay kayo na lang ang bahala na magtuwid. At humihingi po ako ng paumanhin dahil doon."
DESISYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Bawat isa sa atin ay may mga desisyon sa buhay. Minsan ang ating desisyon ay pabor sa mga nakakakilala sa atin. Ngunit may mga desisyon din na hindi sang-ayun ang karamihan. Lalo na kung ang desisyon ay nakakasakit ng tao. Napanood ko sa tv at nabasa din sa diaryo ang tungkol sa nangyaring hostage taking na ang nang hostage ay si former Senior Inspector Rolando Mendoza. Para sa akin ay ginawa niya lang ang panghostage dahil hindi niya matanggap na siya ay wala na sa serbisyo. Ang kanyang pinaghirapan mula ng maging pulis ay balewala na lahat dahil siya ay na dismiss na sa pagka pulis. Higit sa lahat ay wala siyang makukuhang mga benipisyo na sa susunod daw na taon ay maari na siyang mag retire.

Sa nabasa ko sa diaryo ang kanyang naging kasalanan kasama ng apat pa yata niyang kasamahan na pulis kung totoo man na ginawa nga talaga nila iyon ay maliit lamang kumpara sa ibang mga tao na malaki ang katayuan sa buhay pero hanggang ngayon ay hindi pa nahahatulan. Taong 2008 yata nangyari ang pag-akusa ng isang lalaki sa kanila na hinihingian daw ng 20,000 pesos at nilagyan pa ang bibig ng sachet ng shabu nina former Senior Inspector Rolando Mendoza. Tapos ayun naging mabilis ang pag-usad ng kaso nila at doon nadesisyunan na sila ay tanggalin sa serbisyo.

Kung si former Senior Inspector Rolando Mendoza ay isang General o kaya isang maimpluwensiyang politiko o kaya isang anak mayaman na marami ang koneksyon na malaki ang katungkulan sa gobyerno at nakagawa ng ganun na bagay ay palagay niyo ba ay madedesisyunan agad.Hindi ba hindi. Sa tingin ko ang batas na pinaglilingkuran niya ay hindi naging pantay sa kanya. May mga malalaking kaso ang nangyari na mas malala pa sa ginawa nila kung ginawa nga nila iyon na ang iba ay umaabot na ng sampung taon o lampas pa pero wala pa ring desisyon. Paano kung ang lalaki na nag akusa sa kanila ay masyadong sinobrahan ang pagsabi laban sa kanila para sila ay matanggal lang. Tandaan niyo na hindi lahat ng testigo ay nagsasabi ng totoo. May mga testigo nga na binabaliktad ang unang sinalaysay pagtagal dahil sa takot na sila ay balikan.

Simple lang naman ang hinihingi niya. Ang maibalik siya sa serbisyo at ng malinis ang kanyang pangalan. Dahil sabi niya hindi niya ginawa ang katulad ng sinabi ng nag akusa sa kanila. Pero hindi siya pinagbigyan. Puwede naman iyon na ibalik siya sa serbisyo at habang siya ay nasa serbisyo ay may kaso siyang nakabinbin. Pero hindi nga iyon ang nangyari dahil nahatulan agad siya at ng mga kasama pa niya sa pagka pulis.

Tawag din ng pagkakataon ang dahilan kung bakit niya nagawang mamaril na lang ng mga hostage. Kasi nakita niya sa tv na ang kapatid niya na isa rin pulis ay dinakip sa pag-aakala na siya ay kasabwat. Kung ikaw ay gagawa ng masama talaga ay makukuha mo bang idamay ang iyong kapatid. Sa obserbasyon ko ay hindi. Kung may ganun man ay bihira lang. Ang iba pa nga ay gumagawa ng hindi maganda para sa kapatid. Case to case basis lang iyon.

Sa mga tao na may galit kay former Senior Inspector Rolando Mendoza dahil sa ginawa niya ay huwag na kayong magalit sa kanya. Dahil hindi niya naman kagustuhan na mangyari iyon. Para sa akin ay mabait siya at mabuting tao. Dahil kung masama talaga siya ay hindi siya magpapakawala ng mga bihag.Ginawa niya ang pang hostage para mabigyan ng linaw ang kaso niya at ng malaman ng nakakaraming tao na sa tingin niya ay hindi siya dapat hinatulan ng ganun.

Sa huli ay masasabi kong si former Senior Inspector Rolando Mendoza na napatay dahil sa pang hostage ay isang bayani. Siya ay bayani para sa mga tao na nagkaroon ng kaso pero sa tingin nila ay hindi naging pantay ang batas sa kanila. Sila ay hinusgahan kaagad.

Ngayon tatanungin niyo ako bakit ko siya tinawag na bayani. Ito ang sagot ko sa inyo, "hindi ba halos lahat na mga bayani na nababasa sa libro ay may mga napatay dahil sa kanila o nadamay na tao bago sila naging bayani." Iyong lang po. Salamat.

50 comments:

imelda said...

i have a diff view of being a hero arvin. i dont like violence thats why

Unknown said...

pacenxa napo: ang isang tao, subjective jan, ciempre ssbhin inosente xa, and yes, a person w/ intent to kill (pinlano nia ang panghohostage) is not my "hero" type, hehe.
i will add ur link after reading moeposts of u.
salamat.

Jag said...

Matapang talaga si mendoza according sa katrabaho ko kasi kapitbahay niya lang yun sa batangas. Nirerespeto siya sa kanila. Pinapatakbo pa ngang sa pagka kapitan or konsehal ng mga tao doon. sadyang galit lang talaga siya sa mga adik. Duda ko may nakabanggang malaki at malansang isda itong si mendoza kaya ganun na lang kabilis ang pagtanggal sa knya sa trabaho.

Hindi ko alam bakit walang due process ang nangyari sa case niya. Kaya siguro humantong n lang sa panghohostage kasi wala namang nakikinig sa knya. Yun lang ang alam nyang paraan para mapansin ng ating gobyerno.

May kasalanan siya. Pero mas malaki ang kasalan ng mga kinauukulan. Ito ay isang malaking sampal sa ating bulok na gobyerno. Hinintay pa nilang humantong ang lahat sa malagim na trahedya at malaman pa nng buong mundo kung anong klaseng sistema meron tayo sa ating bansa. Nakakahiya. Nakakalungkot.

Cecile said...

agree ako sa sinabi ni Jaq, bulok ang sistema ng bansa...kaya nangyari ang ganoon, ikinahihiya ko ang sistema...hindi ang ating bansa.

☆Mama Ko☆ said...

Ang masasabi ko lang ang kamalianng isang istupidong tao huwag idadamay ang ibang pinoy lalo na yung nag tatrabaho sa hongkong.

Verna Luga said...

sigh.... parang ang dami nang nasabi ... latang-lata na ako ... sukang-suka na ako ... pagod na pagod na ako... sa nmga singkit .. yung katarantadohan ni Mendoza na dulot rin ng sistema ay di pagkakamali ng iba pang pinoy ... haisst... salamat sa dalaw...

Edmund said...

iba't ibang pananaw ng mga tao.
kaso pare-pareho tayong biktima dito.

magkaisa at ipagpatuloy natin ang pagbabago.
ganun talaga, meron pa ring lalabas na problema sa daraanan dahil na rin sa matagal na pagkakabulok ng sistema.

fiel-kun said...

I would like to agree with ate Imelda sa sinabi nya. Bawat tao, iba't iba ang pananaw. Ganun din ako, iba ang pananaw ko tungkol sa mga bayani :)

Well, nangyari na ang dapat mangyari. Walang sinuman ang may kagustuhan na mauwi sa trahedya ang lahat. Sana ay tigilan na rin ng gobyerno, PNP at media ang sisihan dahil walang maitutulong iyon. Lalo lamang lalaki ang problema. Ang gawin nating lahat ay to be united as one in times of crisis like this and pray for proper guidance mula kay Lord.

Just my two cents!

Benh said...

This is such a very controversial issue. Each one has their own points of view to share. At the end, I guess everyone has their faults to share and we should not pinpoint anyone.. instead let's be analytic and learn from this experience.

Arvin U. de la Peña said...

@imelda..............nauunawaan ko ikaw..sa akin pananaw ay siya ang bayani ng mga tao na ng magkaroon ng kaso ay bigla agad umusad at sila ay nahatulan kaagad..gayung sa pagkakaalam nila ay marami pang mabibigat na kaso ang may ginawa na tao pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhusgahan.......bayani siya sa ibang paraan nga lamang..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz..............ang ginawa niyang panghohostage ay wala siyang intensyon talaga na patayin ang nasa loob..ginawa niya iyon para mapakinggan ang hinaing niya..tungkol sa nangyari sa buhay niya na para sa kanya ay hindi makatarungan..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............matapang nga siya..naging isa rin siyang most outstanding policeman..nagkaroon din siya ng ibang award bilang isang alagad ng batas..ang nakabangga niyang tao ay siguro nga ay bigatin..ang sabi pa nga ang kaso daw ay na dismiss na kasi hindi sumisipot sa hearing ang nag akusa..pero sa ombudsman ay iba..doon ay hinatulan siya according sa ebedinsiyang ipinasa laban sa kanya..kasi nabasa ko kahit ang nag akusa ay hindi sumipot sa ombudsman ay uusad pa rin ang kaso base sa mga ebedinsya..

talagang napansin siya ng ating gobyerno..at lalong lalo na sa ibang bansa..

tama ka..may malaki ngang kasalanan ang ating kinauukulan kung bakit humantong pa sa ganun..kung sa una pa lang ay pinakinggan na ang kanyang hinaing ay hindi sana mangyayari ang ganun..talagang nasa huli na ang pagsisisi..

Arvin U. de la Peña said...

@Cecile................maganda nga ang sinabi niya..noon pa po may pagkabulok na ang sistema ng ating bansa..kapag ang mahirap ay inakusahan at makulong ay mahirap ng makalaya..pero kapag mayaman ay makakalaya kasi minsan ang hustisya ay nabibili..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko..............kung hindi po siya mandamay ay hindi mapapansin ang kanyang hinaing..hindi malalaman ng karamihan na mga tao ang prinsipyo na ipinaglalaban niya..sa ganun ay damay damay na lang talaga..nagkataon lang po siguro na ang tourist bus ang dumaan sa kalsada na kinatatayuan niya ng magplaplano na siyang mang hostage..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............hehe..matindi nga ngayon ang galit ng mga taga hong kong sa mga pinoy......kung naging patas lang sana ang batas kay mendoza ay tiyak hindi mangyayari ang ganun..pero si jackie chan ay naunawaan niya ang nangyari..katuwiran niya sa ibang mga bansa ay nangyayari din ang ganun..pagtagal ay huhupa din ang galit ng mga taga hong kong..ngayon lang iyan mainit kasi bago pa lang na nangyari..

Arvin U. de la Peña said...

@Edmund.............iyon nga ang masakit..dahil pilipino ang nanghostage at nakapatay pa ay doon damay ang lahat na mga pilipino..sa mata ng taga ibang bansa ay masama ang mga pinoy,hehe..marami po ang dapat pang ituwid na sistema sa ating bansa..napakarami..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............salamat sa mga sinabi mo.......hindi po naiiwasan ang hindi magturuan sa mga pagkakamali..kasi bawat isa ay may pangalan at imahe na prinoprotektahan..may mga plano sila para sa kanilang sarili..tingnan mo na lang sabi si Mayor Alfredo Lim daw ang nag utos na dakpin ang kapatid ni Rolando Mendoza..pero ang sabi ni Mayor Lim ay hindi raw siya..nakakalito ang ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@Benh.............ang nangyari ay hindi na sana maulit..kung maulit man na may mang hostage uli sa isang bus ay hindi sana humantong sa madugong pagwawakas..

Unknown said...

too bad to read this about that tragedy.. hahai

Yen said...

Di niya kelangan mag hostage para pakinggan sya. MAdaming paraan na tama at naayon sa batas. KUng wala na tayong tiwala sa batas natin sino pa ang magtitiwala? banyaga ba? Kung meron mang mga makapangyarihang tao na di nahahatulan sa kabila ng mga kabulukan ng mga pinaggagawa nila, naniniwala ako na may mga araw din sila. Wag po natin kakalimutan na may Diyos na nagpaparusa sa mga taong sagad ang buto ang mga kasamaan at pag ka greedy at nag bibigay gantipampala sa mga taong mapagtiis at matuwid.

Ang Intensyon niyang ma review ang kaso niya ay valid naman but his way of delivering the message is not acceptable. To sacrifice lives for your grievances to be heard is gross! Look at the effect he caused, yung economic natin naapektuhan, nalagay na naman sa kahihiyan ang bansa natin. Lalo lang na justify ang decision ng ombudsman na tanggalan sya ng mga benipisyo at talagang deserve nyang ma terminate. Kung nasayang man ang number of service niya sa gobyerno, walang ibang dapat sisihin kundi sya lang din.Kung di niya inabuso ang power niya di sya na dismiss.

MiDniGHt DriVer said...

Nagawa man nyang yurakan ang imahe ng mga Pilipino...

Ito'y sa kadahilanan lamang ng kanyang paninindigan at prinsipyo...

Ninais lamang nyang maglingkod sa Inang Bayan...

Ngunit sa kabila ng lahat, siya ay winalang bahala at tinalikuran...

kimmyschemy said...

nakakalungkot talaga ang pangyayaring ito. sa kabilang banda, naniniwala ako na ang nagawa niya ay 'last resort' at 'desperate measure', mali kung mali, dahil sadyang hindi tama ang pagpatay. sana lang hindi humantong sa ganoon ang lahat..

Mel Avila Alarilla said...

Nirerespeto ko ang pananaw mo tungkol dito. Lahat tayo ay may kanya kanyang opinyon tungkol dito. Pero kung ang lahat nang may grievances sa gobyerno ay gagawa nang ginawa niya at mangho hostage nang mga taong wala namang kinanalaman sa kaso niya, hindi ba mas malaking kamalian ito? The end never justifies the means. Hindi mo pwedeng ituwid nang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Ang mali ay mali saan mang sukatan ang gamitin. Me mga grievance mechanisms ang gobyerno at dapat ay ginamit niya ang mga iyon. At kung mangho hostage man siya ay dapat hinostgae niya yung mga taong may kasalanan kuno sa kanya. Hindi ko maubos maisip kung anong motibo nang isang empleyado nang hotel ang maghahabla sa isang police captain at mga tauhan nito kung hindi tutuo ang kanyang ipinaglalaban. Hindi ba takot tayong lahat sa mga pulis at kadalasan ay tumatahimik na lang tayo kapag naaagrabyado nila? Ngayon nagtatago ang naghablang ito dahil sa takot sa kanyang buhay. At tingnan mo ang ginawa nang bayani mo. Inilagay ang Pilipinas sa mapa nang kahihiyan sa buong mundo. Nakikita ko ang mga punto mo pero hindi lahat nang bayani ay pumapatay nang mga inosenteng tao. Ang tawag sa kanila ay kriminal at mamamatay tao at hindi bayani. Salamat sa iyong pananaw at lathalain. Pagpalain ka nang Diyos tuwina.

Arvin U. de la Peña said...

@tim................ah ok..medyo nakakasawa na rin nga sa pagbasa sa diaryo ang tungkol doon..sana lang walang whitewash na mangyari sa imbestigasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............ang panghohostage ay iyon ang naisip niyang paraan para siya mapakinggan ng gobyerno..hindi po maganda na kung kailan matanda na ang isang tao ay doon na talaga mahahatulan sa kasalanan niyang ginawa..oo may araw nga sila..pero maganda pa rin kung habang hindi pa sila matanda ay mahatulan na..nakakasiguro ka ba na may kasalanan talaga siya..gaya ng sinabi ni Jag..baka may nabangga lang siya na malaking isda kaya ayun ang nangyari sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@MiDniGHt DriVer..........sa ginawa nga niya ay nasira pa lalo ang imahe ng ating bansa..pati na rin ang sa mga kapulisan..hindi pa nga natatapos ang imbestigasyon sa police na nag toture ay ito na naman..ginawa niya iyon dahil sa may ipinaglalaban talaga siya tungkol sa kanyang naging kapalaran sa pagka pulis..na sa tingin niya hindi makatarungan ang ginawa sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim...............korek ka..para sa kanya ay last option na ang pang hostage para mapakinggan ang naging kaso niya na siya ay na dismiss sa serbisyo........kapag may hinohostage ang dapat talagang gawin ay dapat laging payapa ang isipan ng hostage taker..hindi gagawa ng hakbang na ikaiirita niya..kasi lalo lang siyang mag aalburuto sa galit..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........salamat sa mga sinabi mo.....hindi naman po siguro lahat na nagkaroon ng kaso at nadesisyunan na para sa kanila ay hindi tama ay gagawin ang ginawa ni mendoza......hindi po niya magagawa na mahostage ang may atraso sa kanya kasi baka kapag nakita siya ay tumakbo na..at kung sa ombudsman naman na naghatol sa kanya ay mahihirapan siyang makalapit doon..sanay na ang pilipinas sa mga kahihiyan kaya siguro ay ayos lang iyon,hehe..hindi iyon big deal..dahil pagtagal ay mababalik uli ang tiwala ng mga taga ibang bansa na nadamay ang kanilang mga kababayan sa ating bansa..ngayon ay galit sila kasi bago pa lang..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............thank you..kung anuman man ang opinyon mo ay nirerespeto ko iyon..

Ishmael F. Ahab said...

Ang ginawa ni Mendoza ay sumasalamin lamang sa kawalan natin ng tiwala sa ating Justice System. Isipin mo, kailangan pang mang-hostage ng isa pa man ding pulis para umusad lang kaso niya. Kung si Mendoza ay isa lamang maimpluwensyang mayaman oh isang politico then malamang matagal na siyang napawalang sala. Pero dahil isa lang siyang maliit na tao eh hindi siya pinapansin.

Though, valid yung dahilan niya eh maling mali yung ginawa niya na inilagay niya sa peligro ang buhay ng ibang tao para mapansin siya. Dapat naintindihan niya na mali ang pangho-hostage. I can't imagine how I feel kung ako yung nasa loob ng bus na iyon at may hostage taker sa amin. I don't endorse that act.

Ngayon nagipit tayo as a nation. Pinaigting ng China ang pangbu-bully sa atin. Imbes na simpleng issue lang eh ginawa nang political issue ang nangyari. The Chinese took an upper-hand to attack us politically. Ngayon inaapi yung mga kababayan nating OFWs sa Hongkong. Tapos hina-hack nila yung website ng gobyerno. Matagal tagal pa nating pagdudusahan ang mga pangyayaring ito na ang dahilan ay ang maling aksyon ni Mendoza at ng kabulukan ng sistema ng hustisya sa Pinas.

darklady said...

Ang balita ko nga mabait daw si Mendoza at kaya nya nakuhang pumatay dahil sa nakita nya sa ginagawa sa kanyang kapatid. Sa ngayon ang ipinag aalala ko ay ang ating mga kababayan na nasa bansang hongkong, china at taiwan. Malaki ang galit sa kanila ng mga chinese dahil sa nangyari.

Fickle Cattle said...

Killing 8 innocent people is an act of a hero? In what twisted world do you live in?

So if I kill an innocent because the system failed me, and I claim that my murdering that innocent (murder because it is murder in the truest sense) is an act of defiance, I should be considered a hero? Do you even understand what you are saying?

I do not only disagree with you. Reading this piece made me nauseous.

http://ficklecattle.blogspot.com/

stevevhan said...

For me naman sa usapang mabuting tao at magiting na pulis 101 porsyento ang ibibigay ko kay mendoza. Hanga ako sa Tapang at tapat niya sa serbisyo. Naparangalan pa siya dahil sa Galing niya.

Naiintindihan ko din talga ang pinaglalaban niya. Sa pagusad ng kaso after ng HOstage Taking, sinasabing naugnay pa si Mendoza sa isang Gang rape case. Nung una hindi ako nainiwala na nagawa niya ang mga kaso na naging dahilan ng pagsibak sa kanya.

Pati kapatid niya nadismissed na dinsa serbisyo dahil sa grave misconduct.

Hero siya. Yes pero yung pagpatay niya sa mga hostage ibang usapan na din. Kung mapapansin din natin mabait siya sa mga hostages niya. Massabi ko na sa parte ng pulis ang pagagakamali dahil naging irrational sila na naging dahilan ng pagkagalit ni mendoza.

Let's just all support this case!

charmie said...

Napakalungkot isipin ang mga nangyayari. I don't know Mendoza, kung may galit siya sa goberno sana hindi naman niya dinaan sa mga inosenteng tourist. Pangit at nakakahiya ang sisteme ng goberno natin pero di ako sang-ayon sa ginawa ni Mendoza.! Thanks for your post. sorry at ngayon ako nakadalaw uli medyo magulo lang utak ko.! God bless arvin, salamat sa dalaw!

eden said...

Hi, Arvs!
May ibat ibang tayong opinion sa pangyayari and I respect everyone's opinion.
I just feel worry of the Filipinos working in HK as what I heard they are receiving threats.

thanks sa visit, Arvs.

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fisher Ahab..............iyon ay dahil ang kaso niya ay minadali talaga..tapos ng gusto niyang siyasatin mabuti ay hindi ginawa..napakabilis ng pag usad ng kaso niya..masakit talaga na wala kang makukuhang benepisyo kung ikaw ay mag retire na lalo at isa naman siyang magiting na pulis..mali nga iyon..pero sa tingin niya ay iyon ang tamang paraan kaya dapat pa rin nating siyang respetuhin..madami namang pagkakataon para ang mga hostage ay hindi madamay pero hindi ginawa..like iyong pagdungaw sa bintana at iyong habang nasa pintuan ng bus..puwede iyon na barilin pero hindi ginawa..ang hinihiling niya ay puwede rin naman iyon pagbigyan pero hindi ginawa..ang gagawin lang daw ay rebyuhin..dapat sa hostage crisis ang isipan ng nanghohostage dapat ay panatag talaga..hanggat maaari ay ibigay kung anuman ang nais niya..nangyari na iyon at ang dapat na lang gawin ay tanggapin kung anuman ang desisyon ng mga bansa na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@darklady...........kung hindi po siya mabait at walang awa talaga ay hindi siya magpapakawala ng hostage..kung napagbigyan ang hiling niya maaga pa lang ay walang nangyayari na barilan..mag ingat na lang iyon ang mabuting paraan para sa mga pilipino na naroon sa bansa na iyon..at tanggapin kong anuman ang sabihin sa kanila..

Arvin U. de la Peña said...

@Fickle Cattle.........para sa akin ay bayani siya para sa mga tao na nagkaroon ng kaso pero sa tingin nila ay hindi naging pantay ang batas sa kanila. Sila ay hinusgahan kaagad..alam ko ang sinasabi ko..at ito ay opinyon ko..kung hindi ka man agree ay nirerespeto ko ang saloobin mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Stevevhan..............magaling nga siyang pulis..dahil kung hindi siya magaling ay hindi siya mapapasama sa top ten most oustanding policemen noon..at hindi rin mabibigyan ng maraming award..sadyang ganun kapag ang isang tao ay nagkaroon ng malaking kasalanan ay inuungkat talaga ang mga nakaraan niya..ang kaso nga na iyon ng tungkol sa gang rape ay na dismissed naman..kung pinagbigyan lang sana ang hiling niya ay wala na sanang problema..kung maaga pa lang ay pinagbigyan na na siya ay maiblik sa serbisyo ay hindi na sana madadamay ang ibang mga hostage..at hindi na rin hahantong na ang kapatid niya ay huhulihin dahil sa inakala na kasabwat..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie.............ang panghohostage ay iyon lang ang sa tingin niya ay paraan para mapansin ang hinaing niya sa gobyerno..sorry na lang sa tourist bus na iyon kasi iyon ay dumaan sa kinalalagyan niya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden................tama ka..salamat..sa mga pinoy na naroon ay magpakatatag lang.....

Dhemz said...

agree ako sa majority comments dito...ang pilipinas nga naman...kurakot talaga ang gobyerno...it was a stupid moved...sana d na damay yung mga walang muwang na hostage.

vthefantastic said...

Ang pagkaka-alam ko sa salitang bayani lalo na sa konteksto o realidad ng Pilipinas - e ang pag-aalay ng bansa para sa kabutihan ng bansa at hindi ng sarili.

Naalala ko si Rizal na naging biktima ng, pwede nating sabihing, kaparehang "kabulukan ng sistema." Ngunit bilang tunay na bayani, na may pag-ibig sa kapwa at respeto sa dangal ng tao, ginamit niya ang kahusayan at talino upang ilantad ang katotohanang nagaganap sa mapambulag at baluktot na pamamahala ng mga Kastila. Hindi niya dinaan sa dahas. Hindi niya dinaan sa pilit, bagkus nagpaubaya siya at sumunod sa sistema ng batas dahil alam niya, tanging sa ilalim lamang ng lipunang sumusunod sa batas magkakaroon ng makabuluhang pagbagao at hindi sa karahasan. At sa kanyang pagkamatay, pinatunayan niyang hindi namimili ng bansa ang henyo at iniangat ang ngalan ng Pilipino sa buong mundo.

Kabaligtaran - at rurok ng pagtataksil - ang ginawa ni Mendoza. Una sa lahat, hindi niya dinaan sa tamang proseso ang kanyang paghingi ng hustisya, kung nararapat na ibigay ito sa kanya. Tignan din natin ang perspektibo ng kanyang naunang biktima - na pinakain ng shabu. Totoo man o hindi, walang makakapagsabi dahil hindi ito napag-desisyunan ng korte. Tamang merong aral dito, na pinunto na ni Sec. Robredo sa imbestigasyon sa Senado. Ikalawa, baliktad na baliktad sa nangyari kay Rizal na tunay na bayani, hiniya ni Mendoza ang buong Pilipinas. Ibinagsak niya ang pangalan ng Pilipinas matapos itong mahirap, mapagpursigi, masipag at matapang na itinaguyod ng mga tunay, may dangal at walang bahid ng pagdududang Pilipino gaya ni Pacquiao, Efren Penaflorida at ng milyun-milyong Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. Ang parehong mga Pilipinong ngayon ay apektado ng malaking pagkakamali, kataksilan, karahasan, karuwagan at masamang ginawa ni Mendoza. Hindi binibigyang dahilan at hustisya ng layunin ni Mendoza ang kanyang nagawa. Kumitil siya ng inosenteng mga buhay. Hiniya niya ang Pilipinas. Dinungisan niya ang dangal ng lahing Pilipino.

Hindi bayani si Mendoza. Isa siyang kriminal na may baluktot na pag-iisip.

At ganon din naman sina Mayor Lim, General Magtibay, Sec. Robredo, Sec. Carandang at Pres. Aquino, sampu ng kanilang mga opisyal na namahala (at nagpabaya) sa hostage crisis.

Ang hindi maka-Pilipino, ang hindi nagdadala ng ligaya at tagumpay bagkus nagdulot pa ng kahihiyan at muhi sa bayan at lahi, hindi bayani.

vthefantastic said...
This comment has been removed by the author.
CaptainRunner said...

Sa aking palagay, hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Maaaring hindi nga naging tapat ang batas kay Mendoza, pero hindi pa rin ito sapat na rason upang kumitil siya ng buhay.

Gayunpaman, may kani-kaniya tayong pananaw. At nirerespeto ko ang iyong Desisyon.

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.................minsan kailangan dumamay ng tao para mapakinggan ang hinaing natin..iyon ang ginawa ni mendoza..hindi na sana iyon maulit..

Azumi's Mom ★ said...

SUper agree ako sa yo.. taas kamay. Habang pinapanood namin ang news dito, natawa na lang kami dahil nakakahiya naman talaga mga kilos ng mga pulis natin. Nung pinanood ko naman sa TFC ang mga naganap, nakaramdam din ako ng awa dun sa hostage taker.. Para bang na-provoke lang sya nung makita nya sapilitang hinuhuli ng mga pulis ang kapatid nya. Hindi rin ako naniniwala sinadya nya barilin mga hostage, palagay ko mga pulis ang mga nakatama dun.. hay nako nakakainis talaga balikan ang mga nangyari. Sana bandang huli ay maparusahan din ang mga nakabaril. Wala sila pagiingat.

Thanks for this post =)

Arvin U. de la Peña said...

@vthefantastic...........nauunawaan ko ang mga sinabi mo..pero ito ay opinyon ko..ang isang tao ay hindi lang sa pagtatanggol na may kaugnayan sa bansa maituturing na bayani..sa maliit na paraan ikaw ay maaaring maging bayani..palibhasa ang mga tao ang kahulugan ng bayani ay ibinabase talaga nila sa mga nababasa sa libro..na ang mga pangyayari na iyon ay napakatagal na..nakakasiguro ka ba naman na ginawa nga niya iyon sa tao na nag aakusa sa kanya at sa kasamahan pa niya..minsan bulag ang batas kaya may mga tao na ang batas ay hindi na lang nirerespeto..nakakasiguro ka ba na lahat ng tao ngayon na nakakakulong ay may kasalanan talaga..may mga tao na hinuhuli at ikinukolong dahil lang sa pagbibintang..sila ay nakukulong dahil sila ay mahirap lang at walang pera para igasto sa pag kaso..gaya ng sabi ko siya ay bayani na maituturing para sa mga tao na ang batas ay hindi naging pantay sa kanila..salamat sa iyong mga sinabi..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner............tama ka..wala naman talaga siyang intensyon na pumatay ng tao......kung may intensyon talaga siya na pumatay ng mga hostage ay maaga pa lang ginawa na niya iyon..may mga pinalaya pa nga siya..hindi niya lang nagustuhan ang laman ng sulat mula ombudsman at siguro ang nakita niya sa tv na ang kapatid niya ay hinuhuli..iyon ang naging rason para siya mamaril ng hostage..pero nakakasiguro ba tayo na lahat ng tama ng baril sa mga napatay na hostage ay mula sa kay mendoza..ang gamit ni mendoza ay armalite at 45 na baril..ang mga gamit ng mga pulis sa pag rescue sa hostage ay armalite at 45 din..sa pagpaputok ng mga pulis sa bus ay armalite at 45 ang gamit..nakakasiguro ba tayo na sa mga bala ng mga pulis ay walang tumama sa mga hostage na napatay..iyon ang malaking palaisipan na masasagot kapag matapos na ang imbestigasyon..

rjs mama said...

maaawa na sana ako sa kanya. pero kung pakikinggan mu yung interview sa kanya, sa RMN ba yun, nakakikilabot ang ginawa nya na pamamaril. parang sobra sya na yabang na kumitil sya ng buhay ng may buhay. hindi sya Diyos at wala syang karapatan gawin yun. nabaliw na yata sya ng mga sandaling yun.

gusto ko ang blog mo :) exlinks
online journal
my soltero baby