"Ang inyong mababasa ay mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon. Ang kuwentong ito na sinulat ko ay gawa-gawa ko lang. Umabot ng halos isang taon bago ko ito tinapos ng tuluyan."
Kung sumusubaybay kayo lagi sa blog ko siguro nabasa niyo ang sinulat kong tula na ang pamagat ay Kay Patola. Na isang blogger at ang tawag sa kanya minsan sa blog world ay gulay. Katext ko pa siya noon ng sabihin ko sa kanya na may sinusulat akong kuwento at ang pamagat ay Si Gulay. Sinabi ko sa kanya noon na siya ang iniisip ko habang sinusulat ko kasi ang tawag sa kanya sa blog world ay gulay nga. Hindi pa nangyayari ang Bagyong Ondoy noon ng inumpisahan ko itong isulat. Nang mangyari ang bagyong ondoy ay naging katext ko pa si Patola at sinabi niya rin sa akin na nag volunteer siya para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Tapos ang sinulat kong ito ay itinigil ko pagsulat. Hanggang sa makalimutan ko na. Kasi tinamad na akong magsulat sa papel. Ang mga sinusulat ko na lang ay tula kasi sa cellphone ko lang ginagawa. At nito lang nakaraang araw ay napagpasyahan kong tapusin na ang kuwento na ito.
SI GULAY
Ni: Arvin U. de la Peña
Siya si Gulay. Iyon ang tawag sa kanya. Mula ng siya ay magkaisip. Kahit ang totoo niyang pangalan ay Georgia. Paano?, eh kasi sa likod ng bahay nila ay puro gulay ang tanim. Mga gulay na iyon ang ikinabubuhay nilang mag-ina. Sila lang dalawa dahil pinagbubuntis pa lang siya ay nilayasan na ang kanyang ina ng kanyang ama. Ang kanyang ina na lang ang nagpalaki sa kanya. Kaya nga si Gulay ay gustuhin man na mag-aral ay hindi puwede dahil walang pera ang kanyang ina. Pero kahit ganun ay marunong siyang magbasa at magbilang kasi tinuturuan siya ng kanyang ina.
Bawat umaga ay namimitas sila ng kanyang ina ng mga gulay para maibenta. Iba't ibang gulay ang nakatanim sa likod ng bahay nila. At madalas si Gulay ang nagtitinda. Nagbabahay-bahay si Gulay para ibenta ang kanyang dalang mga gulay. Pinipilit niya talaga na lahat ng gulay na dala ay maibenta. Para may sapat silang pambili ng bigas at ulam.
"Napakabait at napakasipag ni Gulay ano?", Ang sabi ni Aling Ensing kay Aling Petra. " Oo nga ano, sayang talaga at di siya kayang papag-aralin ng kanyang ina." Sana suwertihin din sila pagtagal para naman makaahon sa kahirapan, sambit pa ni Aling Petra.
Pagdating naman sa mga kababata niya si Gulay ay inaapi. Madalas laitin ng kanyang mga kababata lalong-lalo na si Macky at ni Junjun. "Gulay ang payat payat mo, payatot ka", sabi ni Macky. "Palibhasa hindi ka pa siguro nakakakain ng karne, sabi rin ni Junjun. Tapos maghahalakhakan na sila. Madalas gawin ang ganun sa kanya. Kaya minsan lang siya lumabas ng bahay. Madalas ay sa likod lang ng kanilang bahay siya. Kapiling ng kanyang radyo na de baterya at cassette. Wala kasi silang ilaw. Iyon ang madalas niyang gawin. Ang makinig ng mga kanta. Hindi siya masyadong nakikipaglaro sa mga kababata niya kasi pagsasabihan lang siya ng hindi maganda.
Isang gabi ay nag-uusap sila ng kanyang ina. Umuulan iyon at sa bahay nila ay may tumutulo pa na ulan dahil may mga butas na ang bubong ng kanilang bahay. "Inay bakit naging ganito ang buhay natin. Ibang-iba ang katayuan natin sa buhay kaysa sa iba na narito sa ating lugar. Parang tayo ang pinakamahirap. Sagot ng kanyang ina, "Anak iniwan kasi tayo ng iyong ama. Pagkatapos niya akong buntisin ay hindi na nagpakita. Hindi na rin ako pinag-aral ng aking mga magulang mula ng mabuntis ako. Tapos itong lupa at bahay lang na ating tinitirhan ang namana ko sa aking mga magulang na parehong namatay sa isang aksidente noong hindi pa kita pinapanganak. Kung bakit pagtitinda ng gulay ang naging hanap-buhay ko ay dahil ito rin ang hanap-buhay ng mga magulang ko noong buhay pa sila." Ganun ba ina?, natanong ni Gulay sa kanyang ina. Na sinagot naman ng kanyang ina ng " oo anak, sige matulong na tayo."
Kinabukasan habang nagtitinda siya ng gulay ay nakita niya ang nakadikit na amateur singing contest na ang kasali ay dapat 10 years old pababa at dapat sa kanilang lugar lang nakatira. Agad ay sinabi niya sa sarili niya na sasali siya. Inalam niya kung saan dapat magparehistro. Nang maubos na ang mga paninda niyang gulay ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Sinabi niya sa kanyang ina na sasali siiya. Hindi naman tumutol ang kanyang ina sa gusto niya. Agad din ay sinamahan si Gulay ng kanyang ina para magparehistro.
Araw-araw ay nagprapraktis si Gulay sa pag-awit ng kanyang aawitin na kanta. Sa tulong siyempre ng kanyang cassette. Inuulit-ulit niya ang pagpapatugtog at pagsabay sa kanta, Hanggang sa makabisado niya.
Isang araw bago ang patimpalak ay usap-usapan na ang mga kasali at papremyo na makukuha. Tumataginting na 10,000 pesos para sa mananalo pluz scholarship hanggang sa college. Nang malaman nina Macky at Junjun na kasali si Gulay agad ay minaliit nila ang kanyang kakayahan. "Si Gulay kasali,? eh wala naman alam kantahin iyon. Ang naririnig ko lang na kinakanta niya ay "tao po, bibili po ba kayo ng gulay," sabi ni Macky. Sumagot naman si Junjun, "baka ang kanyang kakantahin ay bahay kubo." Tawanan silang dalawa.
Gabi ng patimpalak ay madami ng tao sa paligid ng entablado para sumaksi. Sampu silang lahat na kasali. At si Gulay ang naging panghuli na aawit. Bawat umaawit ay ay pinapalakpakan ng mga tao. Hanggang sa umabot ng pang siyam. Nang tawagin na ang pangalan ni Gulay para umawit ang iba ay namangha. Lalo na iyong hindi alam na kasali siya. Umpisa pa lang ng pag-awit niya ay namamangha na ang mga tao. Bilib na bilib sila sa boses at galing ng pag-awit ni Gulay.
"I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be
Everybody's searching for a hero
People need someone to look up to
I never found anyone who fulfilled my needs
A lonely place to be
And so I learned to depend on me
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all
I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all
And if by chance that special place
That you've been dreaming of
Leads you to a lonely place
Find your strength in love.
Nang matapos na si Gulay umawit lahat na nanonood ay pumalakpak talaga. Lalo na iyong mga tao na nakakakilala talaga sa kanya. Hindi sila makapaniwala na ang babae na laging nagbebenta ng gulay sa kanila ay mayroon ganung talento sa pag-awit.
Hawak na ng emcee ang papel para basahin kung sino ang mananalo ang mga tao ay hindi mapakali. Nagtatalo ang puso at isipan nila kasi marami rin ang magaling na umawit. Hanggang sa banggitin ng emcee ang pangalan na Georgia Saavedra bilang grand champion sa singing contest. Nang marinig iyon ni Gulay ay hindi niya mapigilan ang mga luha sa kanyang mata pati na rin ang kanyang ina. Napaiyak sila dahil sa tagumpay. Ang mga tao naman na lubos nakakakilala sa kanila ay naantig din ang damdamin sa pagkapanalo ni Gulay. Sina Macky at Junjun naman ay wala lang imik. Kasi ang babae na inaapi-api nila at laging sinasabihan ng hindi maganda ay siya pala ang magwawagi.
Napakinabangan ni Gulay ang napanalunan niya. Nakapag-aral siya hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Hanggang sa siya ay makapagtrabaho. At unti-unti ay umangat na ang buhay nila. Hindi na sila naghihirap masyado pagdating sa pera. Pero kahit ganun na ang nangyari sa buhay nila ay patuloy pa rin ang pagtatanim ng mga gulay sa likod ng bahay nila para ibenta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
40 comments:
Kakatuwa naman at inspiring ang story na ito hehehe...at nagkataon pang greatest love of all ang background music hehehe NICE bosing!
C Patola ba ang ispirasyon mo kaya mo nabuo ang kwentong ito?
Napakaganda nang istorya na ito. Mukhang you are a born story teller. Maski mahaba ay hindi mo panghihinayangang tapusin ang kwento. Me kurot pa sa puso at konsensiya para sa mga taong itinuturing nang iba na wala nang pagasa sa buhay. Tutuo nga ang kasabihan na habang may buhay ay may pagasa. Pinatunayan ni Gulay ang katotohanan nang salitain na kapag may tiyaga may nilaga. Umangat ang buhay nila dahil sa sipag at tiyaga niya at dahil sa isang munting pangarap na nagkaroon nang katuparan. Maraming salamat sa napakagandang istorya na ito na maituturing kong isang obra maestra. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
what a great inspiration!!!
job well done!!!
Grabe naman 1 taon... pero ayos lang nakikita namang pinaghirapan talaga ng husto... at mahaba rin ah... kumpletong kumpleto... hehehheheh
wow, biruin mu inabot ng isang taon bago mu natapos ito .. pero kita mu naman .. ang galing ... naalala ko tuloy yung alamat ng ampalaya na kinikwento ko sa anak ko LOL...
salamat sa pasyal Kaibigan..
Wow, one year in the making at napakaganda ng story. Ang galing mo Arvs. And the song is one of my favourites.
I think nabasa ko yung tula mong inalay ky patola, siya ba yungtumigil na sa pagbablog sa sobrang busy sa eskwela. Haba naman ng tula mo. Ang nagagawa talaga ng imahinasyon. keep writing inspiring poem for your friends and readers Arvin. You are good.
@Jag..................yes..thanks.. sinadya ko pong iyon ang maging background music kasi iyon ang inawit ni gulay..opo si Patola po ang inspirasyon ko kung bakit naisulat ko ito.......kumusta na kaya siya ngayon..hindi ko na kasi siya nakakatext..wala na kaming komunikasyon..wala na rin siyang blog matagal na..
ang galing naman...gusto ko ang storyang ito....ang gandang inspirasyon...salamat for sharing Arvin...way to go!
btw, salamat sa birthday greetings....:)
@ayu................salamat naman kung ganun..paborito ko rin ang kanta na iyan..oo alam ko..pero sa akin ang sinusubaybayan ko talaga na anime ay one piece..maganda po sa akin ang anime na iyon..
@Marvin............thank you..i will try to visit you blog..tingnan ko ang sinasabi mo..
@Mel Avila Alarilla.............maraming salamat sa iyong mga sinabi..di ko na nga ito sana gusto tapusin kasi mahaba na..iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako gumagawa ng mga kuwento..kung mapapansin mo ang mga una kong post ng gawin ko ang blog na ito ay marami doon ang kuwento..kapag kuwento kasi ang sinusulat ko ay masyado naglalakbay ang isip ko kaya medyo hindi ko na gusto,hehe..sumasakit kasi ang ulo ko sa kaiiisip..si Gulay nga dito ay nagtiyaga talaga siya para maabot ang kanyang pangarap..hindi naging hadlang ang kahirapan nila para maabot ang minimithi niya..
@Ailee Verzosa.............i hope madami nga ang mainspire sa sinulat kong ito..job well done nga talaga kasi halos isang taon din bago ko ito tinapos na talaga..sayang naman kasi kung hindi ko tapusin..sayang ang istorya..
@I am Xprosaic...........yup, halos isang taon na nga ang kuwento na ito..itinigil ko ang pagsulat nito last year pa..at ang mga sinulat ko na ay mga tula..nakakabadtrip din kasi kapag kuwento kasi mahaba talaga..at isa pa medyo nakakatamad magsulat sa papel..mahaba nga ang post kong ito..siguro ito na ang pinakamahaba kong na ipost..
@Vernz................opo..salamat naman at nagustuhan mo ang sinulat kong ito na tungkol kay gulay..ganun ba..siguro habang nagkukuwento ka ng tungkol sa alamat ng ampalaya ay nakikinig talaga ang masyado ang anak mo..kung bakit naging mapait ang ampalaya na gulay,hehe..
@eden...............opo..matagal rin ang lumipas bago ko ito tinapos ng tuluyan..ayaw ko na nga itong tapusin muna kasi may mga tula pa akong naka save sa email ko at ready anytime kung naisin kong ipost..kaso nasasayangan ako sa sinulat kong ito kaya napagpasyahan kong tapusin na..at para naman iba ang mabasa ng mga magbabasa ng blog ko..halos puro na lang kasi tula,hehe..
@Shydub...............opo siya po..kaya siguro tumigil na siya sa pag blog ay dahil sa busy sa pag aaral..lalo at ang kukunin niyang kurso pagkatapos mag graduate sa isang kurso sa college ay Law..iyon kasi ang text niya sa akin na mag proceed siya sa law course..tiyak magiging magaling siyang lawyer someday.......
@Dhemz...............salamat po at nagustuhan mo ang kuwentong ito na sinulat ko at gawa gawa lang..paiba naman kasi dati halos puro mga tula ang nababasa ng mga bumibisita sa blog ko..walang anuman iyon..belated happy birthday sa iyo..
pinagpapala talaga ang maga taong mabuti.
isa pa, pana-panahon lang yan. now it;s time para guminhawa sila Ü
ang ganda naman ng kwento na to, very inspiring..
Very nice story! tagal din bago mo naiispang tapusin ah. Pero ok lang yun kasi ganda ng story line. Thanks for sharing
so happy to be back here ;) i really have to be sick to be able to huh?!got a flue so busy lately...but promise to try. keep visiting.
napakagandang istorya naman ito.. madalas talaga mangyari ang ganitong situation, kung sino ang nilalait lait, sya ang nagwawagi bandang huli.. naku ang galing mo talaga, hindi lang sa tula, pati sa sa mga kwento.. gawa ka pa ulit ng kwento ha.. Ingat palagi
@Chyng...............tama ka..bilog ang mundo..kung noon ay nasa ilalim ka ay darating ang araw na ikaw ay nasa itaas naman..ganun ang nangyari sa tauhan dito sa kuwento na sinulat ko..
@simply kim..............salamat sa iyo at nagandahan ka sa kuwento na ito na sinulat ko..
@anney..............opo..kasi ng itigil ko ang pagsulat nito ay tinamad na ako na magsulat uli sa papel ng kuwento..puro na lang mga tula ang ginawa ko kasi sa cellphone ko lang sinusulat..madali po sa akin ang ganun..mabuti nga ang sinulatan ko nito ay hindi nawala sa tagal na hindi tiningnan..
@JENIE.................salamat sa muli mong pagpunta sa blog ko..ganun ba..madami nga ngayon ang nagkakasakit..lalo na iyong dengue fever,hehe..
@Bambie dear...........nakakataba ng puso ang sinabi mo.......huwag kang mag alala gagawa pa ako ng mga kuwento na gawa gawa lang at walang katotohanan..
i love the song, its classic for me.
hey i love the poem about gulay. ty for sharing
Hi Arvs,
Thank you for the visit and comment. Greatly appreciated.
Salamat sa pagbisita :)
Talaga? Taga-Leyte ka? Ang ganda ng inyong probinsya :)
sama. bat naman sya tinawag na gulay/ hehe. dahil ba berde ang brain? o dahil para lang lantang gulay? joke.
Aww.. very inspiring naman tong short story mo parekoy!
Sipag at Tyaga lang talaga ang susi para magtagumpay sa buhay!
Mabuhay ka Georgia aka Gulay :)
@imelda...............maganda nga po ang kanta na iyon..sa mga amateur singing contest ay madalas ay naaawit iyan ng isang contestant..salamat naman at nabasa mo pala ang tula na sinulat ko para sa blogger na kung tawagin din ay gulay..
@eden................walang anuman iyon..thanks din sa palagi mong pagbisita rin sa blog ko..
@CaptainRunner..............walang anuman iyon.....opo taga leyte po ako..salamat naman kung ganun na maganda nga ang probinsya namin..
@pusang kalye...............tinawag po siyang gulay dito sa blog ay dahil ang name niya sa blog ay patola..now tungkol naman sa kuwento ay tinawag siyang gulay kasi lagi siyang nagtitinda ng gulay..iyon kasi ang pinagkakakitaan nilang mag-ina...............
@fiel-kun...............yup..magsilbi sana itong inspirasyon para sa mga tao na ang panlalait sa kanila ay hindi na lang pansinin..gawin na lang nila ang para sa kanila ay ikabubuti talaga..kung papansinin nila ang naninira sa kanila ay magkakaroon lang sila ng kaaway..
Salamat po sa gnawa nyo dahil po dito ggwin ko po nmin ito sa school .magrorole play po kc kmi sa stage . Okey lng po b n gmitin tong story nyo pra s school nmn simple lng po pero inspiring Kc ang story nyokya mganda tnx po!!!!!
@kai...........una sa lahat ay salamat sa pagbasa mo.....ikinagagalak ko na ang sinulat ko ay may ma inspire...payag po ako....sige mag role play kayo sa stage para dito sa post ko...ano ang facebook account mo.....sa akin ay arvs5618@yahoo.com
Post a Comment