Saturday, August 7, 2010

Magkaribal (by request)

"Sa pangatlong pagkakataon ay nagrequest po uli ng tula si Bambie dear. Ang una niya pong request sa akin ay ang sinulat kong Pagsubok. Sinundan ng sinulat kong Tula Para Sa Bata na request niya para sa kanyang anak na si Azumi. At ito po ang pangatlo niyang request sa akin. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Noah. Ang request niya ay tungkol sa palabas na napapanood sa abs-cbn kapag gabi. Narito po ang request niya.Blogger

Bambie dear ★
said...

Musta na Kuya Arvin? DI ko pa napapanood ang Noah pero im sure maganda yan.. MInsan gawa ka naman ng tula ng Magkaribal hehe.. happy weekend

July 30, 2010 10:45 PM

http://www.labambita.com/













MAGKARIBAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang kagustuhan mo ay pangarap ko rin
Hangad mo man iyon na makamit
Mas lalong nais kong maranasan
Gagawin talaga natin isa lang maging pinakasikat.

Ambisyon mo ay minimithi ko din
Sadyang hindi tayo magkakasundo
Sa industriya na ating ginagalawan
Mag-uungusan talaga tayo kung sino ang mauna.

Maaaring may masaktan sa atin
May umiyak at may lumuha
Pero batid nating dalawa
Mayroon mangyayari na ganun.

Palakpak sa iyo ay kaiinggitan ko
Ganun ka din kung ako ay palakpakan
Dahil tayo ay magkaribal
Sa popularidad na dapat sa isa lang.

Sa mata ng maraming tao
Kapwa tayo hinahangaan
Ngunit hindi tayo kuntento
Pagkat may karibal sa kasikatan.

43 comments:

Yen said...

Sabi, tayong mga tao daw walang contentment sa buhay.and also there are three things in life that humans would want to have, its the fame, power and money.Gusto natin lagi tayong mas magaling over our opponent.Mas mayaman, mas mganda, mas kilala at tinitingala. Sino ba ayaw maging rich and famous? meron man, kokonte lang, mas marami pa din ang aspiree for the pride of life.

charmie said...

ang tao talaga walang kontento sa buhay! Kung ano merun ang isa, gusto din merun tayo. Kung gusto umaangat, gusto din natin umaangat! Actually, it's a challenge, kung paano natin i handle ang mga ganong sitwasyon!
Thanks for the visit, God Bless!

Mel Avila Alarilla said...

Natutuwa naman ako at pinagbigyan mo na naman ang kahilingan ni Bambie dear para sa isa na namang tula. Mabait at friendly na tao si Bambie dear. Faithful siya sa kanyang mga friends at very generous din sa kanila. Bihira ang kaibigang katulad niya. Sayang hindi kasi ako nanunuod sa kapamilya network, kapuso kasi ako, hehehe, lol. But I'm sure maganda talaga yung palabas na Magkaribal dahil pareho ninyong paborito ito ni Bambie dear at pareho ko kayong hinahangaan sa inyong mga prinsipyo sa buhay. Salamat ulit sa tula. Napakabait mo naman at mapagbigay tulad din ni Bambie dear. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Umma said...

Wow.. bait talaga ni Arvs.. kaya lang I dont watch TFC here kasi di me nag subscribe.

eden said...

Another great poem Arvs! Sana may filipino channel kami para mapanood ko ang lahat ang mga palabas that you mentioned here. Anyways, thank you for always visiting and commenting my post. Greatly appreciated. You are such a wonderful friend.

D.L. Verzosa said...

Meron akong karibal, kaklase ko pa nga eh... Pero its not a big deal anymore... ahahahah
It has been 1 month and 4 days since my last post. I've been so busy with school and I really miss the blog world. Luckily, I have a little time to drop by and read some posts.

mjomesa said...

pagawa naman ng tula tungkol sa

KATAHIMIKAN

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............maganda ang mga sinabi mo..tama ka doon..iba kasi kapag nasa tuktok ka talaga..lahat ay nasa iyo na at anuman ang gustuhin ay makukuha..kahit kasalanan mo pa ay puwede kang maabsuwelto lalo na kung maimpluwensya ka at higit sa lahat may pera..buti ikaw lahat nasa iyo na,hehe..fame, power, at money..joke lang..at kagandahan pa,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie..............iyon ay dahil sa inggit......malaking tulong nga iyon para tayo ay magpursige sa buhay na makamtan ang ating kinaiinggitan na bagay o ano pa..nagsisikap tayo para magkaroon ng katulad ng isang tao na wala tayo o magkaroon din ng bagay na wala ang tao na ating kakilala o kinainggitan..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............nakakahiya po kung hindi ko siya pagbigyan,hehe..kaya ko naman kasi ang request niya..pero gaya ng dati ay medyo nahihirapan ako gumawa kapag ang nagrerequest ang nagbibigay ng pamagat..kasi ang sinusulat ay dapat angkop sa binigay niyang pamagat..mahirap ang ganun sa akin..pero kinakaya ko..oo nga eh..kapuso ka nga..kailan ka kaya manonood ng palabas ng kapamilya..bawat tao ay may hilig din talaga sa kung ano na istasyon ang gusto..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........salamat..request niya kasi eh..ganun ba..bakit hindi ka nag subscribe ng TFC..siguro mas nagagandahan ka sa panonood ng mga banyaga,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............bakit wala kayong filipino channel diyan..anong dahilan at hindi ka nag subscribe..mahal ba ang bayad..sa you tube mo na lang panoorin ang mga palabas na sinasabi ko..makita din doon ang ilang eksena,hehe..search mo lang..walang anuman iyon......salamat din sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa.............talaga..kung ganun ay umaasa ako na ikaw ang pipiliin ng lalaki na iyon..oo nga pansin ko na matagal ka na rin na hindi nag popost..doon sa shout box mo ay marami nga akong message doon,hehe...halos lagi kitang napupuntahan kapag may new post ako..

Arvin U. de la Peña said...

@mjomesa..............hayaan mo gagawin ko ang lahat na makagawa ng tula ayon sa request mo..pagsabihan na lang kita kapag na nakasulat na ako at na post ko na..hindi lang ako makapag promise kung kailan..may mga naka save pa kasi sa email ko at sa cellphone na hindi ko pa napopost..

imelda said...

wow ur such a talented poet, arvin. galing mo!!!

Unknown said...

hahai, hirap naman ng me karibal ka sa puso ng iba.. o kung sa anung bagay man dito sa mundo...

Kim, USA said...

Hi Arvin, ganda nang tula mo. Sabi nga nila mas mabuti daw ang healthy competition, pag ang tao ay mature enough maging healthy competition nga. Pero talagang may mga taong ayaw nang healthy competition. Kaya sa akin "I don't care" ayaw kong ma stress hahaha.
Thanks sa bisita!

fiel-kun said...

Huwaw talagang certified kapamilya ka Arvin :)

This poem is really nice to read too.

Pinapanood ko din yang Magkaribal sa primetime bida ng ABS.

darklady said...

tumatanggap din ng request. wow!! ^_^
lalong humahasa sa paggawa ng tula.

Unknown said...

Good one Arvin, galing mo mag isip ng tamang words. isa ka talagang manunula. luv it

Jag said...

Naks! Ang lakas talaga ni Bambie sau...ang ganda naman niya kasi hehehe...

mas maganda sana pag healthy competition hehehe...

Arvin U. de la Peña said...

@imelda.............maraming salamat sa iyo..it makes me inspire na magsulat pa..salamat uli sa sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@tim...........talagang mahirap..nakakasakit iyon ng ulo lalo na kung hindi mo tanggap na ikaw ay mabibigo..kaya nga marami ang pinapatay dahil sa karibal sa anuman, like sa pag ibig..pero mabuti rin iyong may karibal kasi nagpupursige ka na ikaw ang magustuhan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim.............ang mga tao na hindi lumalaban ng pares ay sila iyong tao na ayaw matanggap na sila ay mabigo o hindi makamit ang nais..para sa kanila ay mabuti iyon kasi makukuha nila ang kanilang gusto..kahit na ba ang gagawin nila ay nakakasakit sa tao..may mga gumagawa talaga ng daya para sa pangarap nila..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.............opo..abs cbn po talaga ang gusto kong istasyon..para sa akin ay the best sila..gusto ko ang mga palabas nila kahit na ba hindi nais ng iba..kahit sino pa ang bida ay nanonood ako kapag gusto kong manood..kung ganun ay kapamilya ka rin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@darklady..........matagal na rin akong tumatanggap ng by request..medyo nahahasa nga lalo..lalong lalo na kung ang nagrerequest pa ang nagbibigay ng ipamagat sa tula..nakakasakit din iyon ng ulo kasi dapat angkop ang mga salita sa gusto nilang pamagat..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub.............thanks..na appreciate ko ang sinabi mo..nahirapan nga ako nito kasi ang nagrequest na si Bambie dear ang nagbigay ng pamagat..dapat angkop talaga ang nilalaman ng tula para sa pamagat..pinilit ko talaga na makagawa kasi nakakahiya sa kanya at isa pa kaya ko naman siguro,hehe..buti nga hindi nagtagal at nakagawa agad ako at post ko agad..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................malakas po siya sa akin kasi tingnan mo na lang ang mukha niya..mahirap talagang matanggihan ang ganyan na may pagmumukha..eh kasi maganda po siya..palagay ko nga noong high school iyan ay crush siya ng mga kalalakihan sa kanilang paaralan..nakakatiyak ako doon..kasi ngayon nga na may anak na siya ay super ganda pa..ano pa kaya noong wala pa..ewan ko lang kung sumasali siya dati sa mga beauty contest,hehe......

Dhemz said...

hahaha...popular ka talaga when it comes to this...dami nag rerequest eh...ehehehe!

ang galing naman...this is my fave soap opera so far....inaabangan ko talaga ito gabi-gabi....:)

Rcyan said...

buti na lang wala akong karibal! haha!

mahirap atang dalawa kayo sa puso ng iisang tao. masikip yun!


nakikidaan at nakikibalita. salamat sa palaging pagbisita. =)

Ishmael F. Ahab said...

Astig pala dito. Pwede mag-request ng poem. ^_^

Keep up the good work. Malamang marami mag-request sa iyo n'yan.

eden said...

Hi, Arvs!

Just dropping by to say thank you for the nice comment.. TC always.

Anne said...

nice...

thanks for always visiting my sites...

i just got back from 10 days off from blogosphere...

desza said...

sa mundong ito, lahat karibal mo..
pero hindi naman dapat ganun ang tingin natin sa mga tao di ba?
pantay-pantay lang tayo sa paningin ni Lord.

nice one! keep it up, sana ako rin makapagrequest dito at mapagbigyan. wahahaha! Thanks!

Azumi's Mom ★ said...

maraming salamat Kuya Arvin.. feeling ko tuloy ang lakas ko sa yo hehe.. magaling ka lang talaga kasi agad ka nakaka-compose ng tula, eh ako, maraming araw siguro gugugulin ko kung gagawa ako tula.. Thanks sa tula.. totoo talaga na parang di tayo makukuntento kung gusto natin higitan ang mga tinuturing nating karibal..

Thanks din kay Sir Mel.. nahihiya naman ako. Mababait kasi mga bloggers, kaya mabait din po ako..

MOre power.. pasensha na ha, at ngayon lang ako nakadalaw dito.. pag may time naman ako, isa tong blog mo sa mga dinadalaw ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............siguro nga,hehe..kasi ang mga nag rerequet ay mahirap ko talagang tanggihan lalo na kung kaya ko naman..ganun ba..kapamilya ka rin pala talaga..ayos at abs cbn ka..

Arvin U. de la Peña said...

@Rcyan M............huwag mong sabihin kahit noong bata ka pa ay wala kang naging karibal sa kahit na ano..lalo na sa pag ibig,hehe..ngayon siguro ay wala ka ng karibal..

Arvin U. de la Peña said...

@ishmael Fischer Ahab...........opo puwede po dito sa blog ko mag request ng isang tula..basta lang ba kaya ko..madami na po ang napagbigyan ko sa mga nag request..thanks po..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............walang anuman iyon..thanks din sa pag bisita mo sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.............ganun po ba..ano ang pinapanood mo sa kapamilya..baka naman sa kapuso ka nanonood,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@momikoito...........salamat po at nagandahan ka sa sinulat kong ito..walang anuman iyon..gaya ng nasasabi ko na ay ganun ako lalo na kapag may new post nag iikot ikot ako sa mga blog na nasa blog list ko..kahit nga wala dito sa blog list ko pinupuntahan ko..

Arvin U. de la Peña said...

@desza..............marami nga tayong karibal sa mundo..pero hindi naman siguro lahat,hehe......ano po ang ererequest mong tula..hayaan mo at balang araw ay mag post ako ng tula na gawa ko lang at ilagay ko ikaw para sa by request..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear............siguro nga akalain talaga ng iba na malakas ka sa akin kasi nakakatatlo ka na,hehe..may mga bloggers na rin naman na pinagbigyan ko na ang request nila..siguro sapat na sa kanila iyon.......pero dahil ikaw ay umuulit sa pag request ay pinagbibigyan ko pa rin..ang mga nag request na at napagbigyan ko na ay puwede ko rin naman uli sila pagbigyan..okey lang..