Sunday, August 15, 2010

Katahimikan (by request)

Blogger
Muli ay may nagrequest na naman sa akin ng isang tula. At siya pa ang nagbigay ng pamagat. Dahil kaya ko naman ay pinagbigyan ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Magkaribal (by request) dahil nag comment siya. Narito po ang sinabi niya.

Blogger mjomesa said...

pagawa naman ng tula tungkol sa

KATAHIMIKAN

August 8, 2010 6:36 AM

http://mjo-mesa.blogspot.com/














"Peace is not something you wish for; It's something you make, something you do, something you are, and something you give away."

KATAHIMIKAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaguluhan na umiiral ay itigil na
Lasapin na ang kapayapaan
Huwag hayaan na masira pa ng lubusan
Pagkakaibigan at pagkakakilala na nangyari.

Katahimikan na ang pairalin
Ang galit at poot ay isantabi na
Pagmamahal sa isa't isa ang dapat mangibabaw
Iwaksi anumang sigalot na nangyari.

Sa ating ugat ay isang dugo lang
Dugong pilipino ang nananalaytay
Hindi maganda na mag away-away
Pag-ibig sa kapwa ang dapat ng isipin.

Magkaroon na ng takot sa diyos
Ang hiram na buhay ay pahalagahan
Dahil maaari iyon na mawala
Kung katahimikan ay balewalain.

Hindi pa huli ang lahat
Magkapatawaran na sa mga kasalanan
Bigyan na ng tuldok hindi magandang pagkakaunawaan
May maayos na kinabukasan ang naghihintay.

42 comments:

Pretsel Maker said...

PEACE MEN!!!!!

Mel Avila Alarilla said...

Maganda ang tula na ito, makabuluhan. Tunay na katahimikan at kapayapaan ang kailangan nating lahat. Katulad sa Mindanao, hindi magkakaroon nang tunay na kaunlaran sa lugar na iyon hanggang walang tunay na katahimikan at kapayapaan. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

YAM said...

ayii. nice one:)

fiel-kun said...

I love this poem parekoy!

Give peace a chance

and I really need a peace of mind right now ^_^

Jag said...

Yan ang kailangn ko ngayon...KATAHIMIKAN...

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker...........ok..peace,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........salamat at muli nagandahan ka sa sinulat ko..ang katahimikan sa Mindanao ay hindi iyon magwawakas hanggat may mga bandido na kung ano ang gusto nila ay iyon ang dapat sundin..para sa akin nakakagulo lang ang mga MILF at abu sayaff doon sa Mindanao..ano kaya ang nagugustuhan nila sa bundok..lagi na lang nauunsyami ang usaping pangkapayapaan..

Arvin U. de la Peña said...

@ambiguous angel..........thanks po at naappreciate mo ang tula na ito..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............sana nga..para naman wala ng mga balibalita sa tv o diaryo ng tungkol sa mga karahasan,hehe..ganun ba..sige mag muni muni ka para magkaroon ka ng peace of mind..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............haha..ganun ba..bakit naman......ano ano ang mga bumabagabag sa isipan mo..inom lang ng nakakalasing ang kulang niyan,hehe..

eden said...

This is a nice poem and I love it.Love also the quote. thanks for sharing Arvs.

Azumi's Mom ★ said...

Tama ka dyan.. ang ganda siguro ng mundo kung hahangarin ng bawat tao ang katahimikan. Salamat sa isa na namang magandang tula

Kim, USA said...

Ganda naman ang tulang ito napaka-meaningfull. Peace can't be found anywhere because it starts from within. Happy Monday!

Verna Luga said...

pero ang mas gusto yung katahimikan ng sarili mas matimbang yun ... salamt sa dalaw kaibigan...

Rcyan said...

katahimikan. i love this. =)

MiDniGHt DriVer said...

Ayos! Gusto ng driver ang mga tula:-)

mjomesa said...

salamat kapatid...

hehehe..

sa susunod ulit...

may gumugulo na naman sa diwa ko

Arvin U. de la Peña said...

@eden............thank you po at muli nagustuhan mo ang sinulat ko..talagang ishare ko sa inyo ang mga sinusulat ko at isusulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.............oo nga..pero ang ugali ng tao ay iba iba......may tao na masama talaga..gusto na magulo dahil para sa kanila ay exciting iyon,hehe..ang kapayapaan at tunay na katahimikan ay sa fantasy world lang siguro mahahanap..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim...............sa sarili nga natin dapat mag umpisa ang katahimikan..mahirap ipaliwanag at ipaalam sa tao na magkaroon na ng katahimikan kung sa ating sarili ay mayroon na bumabagabag..linisin muna ang sarili bago maghangad ng kalinisan ng ibang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Rcyan M.................salamat naman at you like this......kumusta ka naman diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@MiDniGHT DriVer...........talaga..well kung ganun ay napakarami ng tula dito sa blog ko..limang oras baka hindi mo matapos basahin lahat,hehe..salamat sa pagpunta sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@mjomesa...............walang anuman iyon..nagagalak ako at napagbigyan ko ang request mo na ikaw ang nagbigay ng pamagat para sa isulat ko..ano kaya ang gumugulo sa diwa mo..

pusangkalye said...

nalala ko tuloy yung kantang bulag , pipi, bingi----yung sa bingi---sabi----mapalad ka o kaibigan, napaka-ingay ng mundo. sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.........nice nice

eden said...

Hi, Arvs..

Thank you for always visiting my blog and for the nice comment. tc always

Dhemz said...

may kabuluhan nga ang tulang ito...galing mo arvin...as always!

stevevhan said...

Oh, i also love writing peom, yu eh kapag sobrng inlove ako or depressed (Broken hearted). Kaso ngayon hindi na ko nakakapagsulat, nahihyan din kasi akong mapublish yun.

Masaya talagan maging malalim, minsan din kasi ganyan ako,.:)

Unknown said...

Bait mo talaga Arvin, pinagbibigyan mo ang mga nag rerequest ng tula sa yo. keep it up.

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye...............maganda nga ang kanta na iyon....minsan ko na rin lang marinig ang awitin na iyon..salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@eden....................thank you din sa iyo..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz................may kabuluhan nga ito kasi ito ay para sa ating lahat lalo na kung hindi na gusto ang mga pangyayari sa lipunan..halimbawa na lang iyong mga pamipamilya na nag aaway away..kapag nalalaman natin na may ganun ay nasasabi natin sa sarili na hindi dapat mag away kasi magpamilya lang o kaya magkadugo..pero minsan wala tayong nagagawa kasi buhay nila iyon at mahirap na kung makialam pa tayo kasi baka tayo pa ang awayin..

Arvin U. de la Peña said...

@stevevhan..................ganun ba..share mo ang mga sinulat mo..ipost mo sa blog para makita din ng iba..huwag ka mahiya kahit ano pa iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub.............pinagbibigyan ko kasi kaya ko naman ang request nila..nakakahiya naman po kung hindi ko pagbigyan kasi ang iba napagbigyan ko..

Grace said...

Na-miss ko ang mga tula mo, Arvin. Ngayon lang ako nakabalik dito sa blog mo dahil super busy sa trabaho, pero I am on vacation na ngayon.
Have a nice day, kaibigan. :)

imelda said...

hi arvin, i have a new site http://mydailybusiness.net. I have added ur link. happy weekend

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace.............ganun ba..siguro binasa mo ang ilan na hindi mo pa nababasa..malapit na ang pagbakasyon mo dito sa pinas..siguro excited ka na..

Arvin U. de la Peña said...

@imelda.................ah ok..bisitahin ko ang site na sinasabi mo at add ko rin sa blog list ko..

Ishmael F. Ahab said...

Katahimikan. Bawat isa talaga sa atin eh kailangan ng katahimikan. Nakakabuti ito sa ating tuak at nakakapag pagaan ng kalooban.

Nice poem!

Unknown said...

sarap lng ng tahimik...wag lang forever na katahimikan ha:)

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab...........kailangan nga natin ng katahimikan lalo na kung may bumabagabag sa ating isipan..minsan dahil hindi mapag isa ay naghahanap na lang na makakainom na kaibigan..para kapag malasing na ay masabi na sa kaibigan na kainuman ang nais sabihin na hindi niya nagugustuhan o gusto na nais maabot pero hindi maabot..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz...............iba nga talaga ang pakiramdam kung tahimik ang kapaligiran..walang away at walang gulo..nakakainis kasi kapag maingay..nakakaistorbo..

imelda said...

hi arvin i was here agian today, sunday. hope all is well with you