Wednesday, August 11, 2010

Mamamayan

"Ang isang hindi maganda sa halalan ay dahil minsan pati buong lugar o barangay ay halos ang hangad ay makatanggap ng pera mula sa mga kandidato. Ang iba pa nga ay bago pa maghalalan ay nangungutang na ng pera at ang gagawing pambayad ay ang pera na bigay mula sa mga kandidato. Tinggan niyo sabado pa lang ng gabi o linggo dahil may namimigay na ng pera ay puno ng mga nag-iinuman ang mga videoke bar lalo na kung tapos na ang halalan. Higit sa lahat ang pamilihan ng bayan ay madami talaga ang mga mamimili. Ang ginagamit nila pambili ay pera na bigay ng mga kandidato para sakali ay souvenir na kahit paano ay may napuntahan ang perang natanggap mula sa mga kandidato."MAMAMAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa nangyayaring halalan may ilang lugar
Hindi na importante sa mamamayan
Ang kalidad at dedikasyon ng kandidato
Para sa kanilang bayan.

Ang mahalaga ay mabigyan sila ng pera
At kung sino ang may malaking bigay
Iyon ang kanilang iboboto
Kahit pa hindi talaga karapat-dapat.

Wala silang pakialam anumang uri ng pagkatao
Ang isang tao na kandidato
Kahit pa nakakasuka ang imahe
Iboboto pa rin dahil sa pera.

Silang mamamayan ay walang pagsisisi
Kung hindi man maging maganda
Ang panunungkulan ng kanilang ibinoto
Dahil sila ay bayad naman.

At kung tawagin naman sila
Mga kalapit na lugar
Mamamayan na mga mukhang pera
Dahil ang boto ipinagpapalit sa pera.

26 comments:

Kim, USA said...

I agree, parang sa tula mo you describe my home city! Grrr!

pusangkalye said...

mamamayan pala , kala ko mayayaman....dami kasing pera sa pic e. hehe

Mel Avila Alarilla said...

Ganuon nga, mahirap baguhin ang bayan kung ang mismong mamamayan ay ganid at ayaw nang pagbabago. Karamiham sa nagbebenta nang boto nila ay yung mga halang ang kaluluwa katulad nang mga tomador,istambay at walang trabaho at ang inaatupag ay ang pag istambay at paginom. Sa kanila, ang panginoon nila ay pera at ibebenta nila maski kauluwa nila magkaroon lang nang perang pang inom, pansugal at pambababae. Nakakalungkot ang situasyong ito. Thanks for the post. God bless you always.

Verns said...

oo nga, siguro yung mga hindi ganid gumwa na nang mabuting bagay para susunod na yung iba.. kailangan lang yata ng taong tinitingala sa communidad na gumawa ng mabuti para sumunud yung iba...

charmie said...

Yon yta ang realidad sa ating bansa. Agree ako sa sinasabi ni Kuya Mel, kadalasan yon mga taong tambay ang nagpapabili ng boto. Yong mga taong hindi concern sa future ng ating bansa. Dahil mismo sa sarili walang pagbabago!

Dhemz said...

korek si tKim...I agree....ganon din sa home city namin...para atang walang pinag kaiba...ahahhaha!

Umma said...

Its in the system already so its hard to break that sort of practice.

Unknown said...

Sad to say but thats how politics woks in our place. The picture say it all arvin. Sana mabago pa ang ugaling ito nga mga tao kung hangad nila ay kaunlaran ng bansa,. pero sa sobrang hirap kahit mad money pinapatulan nlng.

eden said...

Same in our place, Arvs. There were even few times that I didn't vote. Sayang lang ang boto. I just hope that this system will be changed. Sana nga.. Nice poem

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim............salamat..hindi lang sa inyo kundi sa iba pang lugar..hindi ko na lang sabihin kung sa aming lugar ay ganun din,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye...........haha..picture po ay base po sinulat ko..sa google ko lang kinuha ang picture..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............tama ang sinabi mo..maganda ang mga binitawan mong salita..pero hindi lang tomador, istambay, at walang trabaho ang tumatanggap ng pera..pati may magagandang pamumuhay ay tumatanggap din..malaking tulong din iyon sa kanila......isa pa ang nasa isip nila ay mababawi naman ng politiko ang pera na pinamigay kaya tinatanggap naman nila,hehe..ang pag inom ng alak ay kasama na sa buhay ng tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz............may mga tao naman na ang hangad talaga ay kabutihan para sa bayan..kaya lang kung tumakbo man sa halalan ay mahirap sa kanya ang manalo lalo na kung walang pera..ewan ko lang kung mayroon mayaman talaga na tao sa isang lugar at gagasto sa isang tao na mabuti na tumakbo tapos kung manalo ay wala siyang hihilingin na kapalit..sa ngayon na panahon ay pera ang umiiral kapag halalan..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie................hindi naman lahat.......minsan pa nga ang mga tambay ang nagnanais na mapalitan na ang pinuno sa kanilang lugar dahil walang nagagawang mabuti para sa bayan..ang ibang tambay ay doon kumakampi sa kakalabanin ng nakaupong pinuno para mapalitan na..minsan nga lang hindi nagtatagumpay..kung hindi sana mamimili ng boto ay wala sanang mga issue na ganun ng tungkol sa mga botante na tumatanggap ng pera sa halalan..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........halos buong lugar na yata o bayan ay ganun na talaga..talamak na talaga ang pamimili ng boto para sa ikapapanalo..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...............yah, nakasanayan na nga ang ganyan.......at hindi na magbabago kailanman..bawat halalan ay may mga kandidato talaga na mamimili ng boto at may mga botante na ibebenta ang boto nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub...............hindi na po mababago ang ugali na iyan..kasi ang mga politiko ngayon na namimili ng boto sa oras na hindi na sila kumandidato ay ang kanila naman mga anak ang tatakbo..sa ganun na paraan ang ginawang istrategy ng magulang para manalo ay ganun din ang gagawin sa para sa anak..hindi ba madami dito sa ating bansa na kapag wala na ang tapos na ang termino ng mayor, congressman, governor o ano pa ang patatakbuhin naman ay ang kanilang anak o kaya kamag anak..o di kaya ang asawa nila..maging mad money man iyon ay tatanggapin pa rin naman sa tindahan,hehe..kaya tinatanggap..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............ganun ba..bakit naman hindi ka bumoto..siguro hindi mo gusto kahit sino sa mga kandidato..sana nga mabago..pero palagay ko hindi na mababago..

Unknown said...

i love it parekoy.. ganda ah..

eden said...

Hi, Arvs!

Thank you for always visiting my blog and for your nice comments. Greatly appreciated.

Tc

kimmyschemy said...

nakakalungkot man isipin at mahirap man tanggapin isa yang katotohanan na nakikita natin..

Yen said...

Nakakalungkot na katotohanan , but without them,di natin makikita ang bulok na sistema ng ating mga local government. Ang nagiging kalakaran is,ipagbibili ni kapitbahay ang boto niya for a day refreshement, short live happiness over his/her families future. Nakakalungkot talaga.At ang mga taong to pa ang mahirap paliwanagan. Close ang mind nila sa mga reasons. Tapos sila pa ang may ganang mag complain ng mag complain sa gobyerno. Hahay,buhay.

Arvin U. de la Peña said...

@tim................salamat sa iyo..siguro ganun din sa inyong lugar ang kalakaran na ganyan kapag halalan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............walang anuman iyon..thanks din sa palagi mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim..........opo at ang ganyan ay hindi na mababago..baka lalo pang lumala..baka dumating ang panahon na ang pagbili ng boto ay idaan sa atm,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........maganda ang sinabi mo..eh kasi paano ang pera na bigay ng kandidato ay kahit paano ay malaki rin ang naitutulong sa kanilang pang araw araw na pamumuhay..dapat sana ang tao na binili ang boto ay hindi magrereklamo sa panunungkulan ng ibinoto niya ngunit siya ay binili..