Monday, November 23, 2009

Pasasalamat 2009

"Masaya ang pakiramdam kapag ikaw ay tumulong at sinabihan ka ng salamat ng iyong tinulungan."












Bago ang lahat gusto kong ipaalam na hanggang 5 post na lang ako pagkatapos ng post kong ito. Babalik ako pag post next year uli. Hanggang 97 post lang ako para ngayong taon. Nalampasan ko ang post ko noong isang taon.

Mula dito sa post kong ito ay nais kong magpasalamat sa lahat na naging bahagi o bumisita sa blog ko ngayong 2009. Maging ito man ay blogger o hindi. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Na kahit hindi tayo magkaano-anu sa buhay ay nagkakaroon tayo ng kaunting pag uusap. Dito ay parang maliit lang ang mundo sa kabila na ito ay napakalaki. Sa inyong mga bloggers din ay di ko talaga inakala na makikilala ko kayo. Di ko inakala na may mababasa ako na tungkol sa inyo o kaya mga sinulat niyo rin. Wala sa isip ko na madami pa akong bloggers na makikilala bukod sa nag inspire sa akin na mag blog na si Maria Cristina Falls na katext ko at may mga sinulat din na napublish sa diaryo. Dahil sa inyo kahit paano ako ay masaya. Kaya salamat po talaga sa inyo. Sana sa susunod na taon at sa mga susunod pang taon ay maging bahagi pa rin kayo ng blog ko.

At sa mga nasaktan ko naman tungkol sa sinulat kong Mukhang Pera ay humihingi po ako ng sorry sa inyo. Humihingi po ako ng tawad sa inyo. Alam ko huli na itong pagsabi ko pero talagang naka plano na iyon sa akin na ngayon ko na sabihin para sa post kong ito.

Muli ay maraming salamat sa inyong lahat na bumibisita sa blog ko. Good luck din sa inyong mga pagsusulat.

Merry Christmas and Happy New Year.

43 comments:

Nancy Janiola said...

ang aga namang pasasalamat nito, arvin. bakit naman hanggang 5 na lang posts lang eh me December pa?

O sya, salamat na nga lang rin at naging bahagi ka ng blog ko at Merry Christmas na rin sayo in advance :)

Arvin U. de la Peña said...

@nancy............yup, hanggang 5 post na lang ako at kaabang abang po ang natitira ko pang limang ipost para ngayong taon..hehe..dahil sa lima na iyan ay may malaman ang lahat na bloggers at ng di alam ng iba kong mga kaibigan tungkol sa akin..ano ang tunay kong hilig sa buhay..dahil sa isa kong ipost ay parang revealation sa akin..dalawang tula, isang kuwento, isang pong revealation sa aking buhay, at isang pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo sa mga makakabasa..at iyon ang pang lima kong post..ang panglima kong post ay pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo sa magbabasa..

Glenda is the name. =) said...

Salamat din sayo, Arvin! Sana ay marami ka pa ma-inspire at ma-bless na mga bloggers or readers sa susunod na taon. Happy Thanksgiving and Advance Merry Christmas and Prosperous 2010!

-Glenda
http://intheheartandmindofglenda.blogspot.com

Xprosaic said...

Wow! 5 na lang?! sige nga... feeling ko di mo matiis yan magpopost ka pa rin after jejejejejejejeje...

Naks! natats naman ako at napasama pa ako sa mga gusto mo pasalamatan... jijijijiji salamat din! jejejejeje

Arvin U. de la Peña said...

@Glenda...........ok.....sana nga..kung ano ang uri ng mga post ko sa susunod na mga taon ay ganun pa rin..kuwento, poems, at tula lang an sinulat ko..iyon lang po..kung mayroon mang iba ay siguro minsan lang iyon..

@I am Xprosaic.........magpopost pa rin po ako pagkatapos ng 5 post ko pero next year na..ang pang 5 post ko ay pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo sa mga magbabasa..sana ang ulo mo ay hindi sumakit..hehe

Jag said...

UI! Salamat pre! Ang sipag u palang magpost...ako last year nka 11 posts lng ako jijiji this year hahabol ako...akala ko nmn aalis k n ng tuluyan jijiji...keep on writing inspiring thoughts!

Hanggang sa susunod n taon parekoy!

Merry Christmas!

tomato cafe said...

ang aga. haha

Admin said...

Nice naman...

May quota pala ang pagpopost mo...

Hehe! ANyway....


Wala namang nagreklamo na tao with the word SALAMAT....

Its a great word.... Iilan lang ang nagsasabi niyan ng taos sa puso...

hehe :)


Thanks!

Grace said...

Parang nalulungkot ako na 5 post na lang ang isusulat mo sa taong ito.
Anyway, maligayang pasko sa iyo. Alam ko na kahit anong mangyari, masaya ang pasko mo diyan, eh bayan natin yan. Di tulad dito na malungkot ang pasko dito. :(

Grace said...

Nabasa ko nga pala ang mga comments mo dito... parang tinu-torture mo yata kami ah. (he-he-he)
Ingat ka...

bigstarlust said...

a very sensitive post for a guy.. nice :)

AL Kapawn said...

salamat din sa walang sawang pagbisita at pagkomento sa site ko..

ipagpatuloy lang ang kasiyahan, sulat lang ng sulat, post lang ng post.gawin mong 5 1/2 na post para me hirit pa. he he he

sino ba ang mga mukahang pera?.. me nakadigit bang piso sa mukha nila> he he he

Faye said...

HI! thnks for dropping by. just let me know as soon as you will be back next year.
EXPRSS YOURSELF, and BE YOURSELF, that's why people will like you.

fiel-kun said...

waah arvin! baket naman ganyan ka... ang KJ mo ahaha! gandang pamasko mo naman ito sa amin... *emote*

magbabakasyon ka ba sa malayong lugar this coming christmas holidays?

anyways, A BIG THANKS din sa iyo tol para sa mga inspirational poems na pinost mo d2 sa blog mo and for being one of my blogger friends ^_^

Always remember this:

"There are small ships, there are big ships, but our FRIENDSHIP is da best!"
haha naks!

maligayang pasko din sa iyo!

Anonymous said...

Salamat din sa iyo pareng Arvin. Saludo ako sa iyo at talaga namang napakasipag mong mag-blog. More entries to come.

gege said...

nako! november pa lang po!
tsktsk.
hehe.
aabangan ko yang last 5!
:P

eden said...

You are welcome Arvs. Thanks also for sharing your thoughts. Until next year. Merry Christmas and happy New Year!

Yannie said...

walang ano man yun kaibigan. Sanay sa darating na taon ay mas marami ka pang mapapasayang bloggers.

Aabangan ko ang pagbabalik mo sa 2010....

Unknown said...

wow, ktouch yun ah.. very early huh.. but anyway thank you recognizing me as your friend here in this blog world hope we will still be friends next year..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...........ok..salamat din sa iyo..di ko kayo makalimutan kapag nag bakasyon muna ako pag post..dahil sa pang 5 kong post ay tiyak may pag iisipan kayo..maligayang pasko din sa iyo..

@tomato cafe..........oo maaga nga kasi gusto ko munang marelas ng konti ang isip ko sa pag sulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Mangyan Adventurer........salamat sa iyo..oo nga walang nagrereklamo kapag nagpapasalamat..siguro nga may quota kasi sinabi ko dito na hanggang 97 post lang ako ngayong taon..

@Hi! I'm Grace..........huwag kang malungkot kasi sa susunod na taon ay babalik ako pag post at madami ka pang mababasa na mga sinulat kong kuwento, poems, at tula....ganun ba..di naman yata tinoturture..basta abangan mo ang pang 5 kong post..

Arvin U. de la Peña said...

@bigstarlust............thank you..ewan ko kung sensitive nga ito..hehe..gusto ko lang talaga magpasalamat sa mga naging bahagi ng blog ko ngayong taon..at kasama ka doon sa pinapasalamatan ko..

@Alkapon..........ok lang iyon..sa iyo din salamat.......wala na sigurong hirit pa kasi iyon ang last kong post ang pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo sa mga magbabasa..di ko alam kung sino..

Arvin U. de la Peña said...

@Faye........sure malalaman mo kasi kapag may new post ako ay halos lahat na nasa blog list ko at hindi ay nagmemessage ako sa kanila..

@fiel-kun.........hindi po ako magbabakasyon sa malayong lugar..gusto ko po na magpahinga muna ang utak ko..sobrang nabugbog ang utak ko this year sa pag isip ng mga isusulat..at siyempre magbakasyon muna sa pag post ng mga sinulat ko..hindi po biro ang makapag sulat ka at post ng ganun karami..97 po lahat ngayong taon..check lahat at basahin mo kaya,,hehe..joke lang..

Arvin U. de la Peña said...

@williamrodriquez11............siguro nga masipag ako kasi halos araw arawin kong bisitahin ang blog ko at ang iba pa..mas saludo ako sa iyo kasi magaling ka..madami ka ng pinatunayan bilang isang writer...

@gege.........yes..abangan mo ang pang 5 kong ipost at ihanda mo ang utak mo..sana ay hindi sumakit sa kaiisip, hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........maraming salamat sa iyo...until next year po..pero abangan mo muna ang natitira ko pang 5 na post..magustuhan mo tiyak ang 5 pang natitira na sinulat ko..

@Marianne.........thanks sa iyo..sana nga ay marami pa akong mapasayang mga bloggers dahil sa mga isusulat ko..

@tim..........walang anuman iyon..sa lahat talaga ay salamat..oo naman magkaibigan pa rin tayo dito sa blog world next year at sa mga susunod pang taon..

Nanaybelen said...

Naku Arvin.. ba't naman kayo nagpapaalam na? Mami miss namin kayo ng husto. Sobra nga akong naaliw sa mga post mo.

Unknown said...

Ha?! Limang post? Bakit? Hhm, di bale, atleast babalika kapa next year hehe. Merry Christmas nalang nga sa iyo kaibigan. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Dhianz said...

hanga ren akoh sau kc malufet ka mag-promote nang entry moh... eniweiz... yeah... salamat sa iyong pasasalamat... ingatz... Godbless! -di

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen..........hindi po ako magpapaalam sa pag blog..pagkatapos kong maipost ang natitira pang lima ay babalik din naman ako next year sa pag post..salamat at naaaliw ka sa mga post ko nga mga sinulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Solo................opo limang post na lang..yes, babalik naman ako next year..

@Dhianz..........ganun ba..kasi iyon ang sinabi ko noon na kapag ma add ang blog list ko sa blog list ng isang blogger ay bisitahin ko lalo kapag may new post ako..iyon ang sinasabi ko noon kapag gusto ko na ma add ang blog ko sa blog list nila..like ganito.." sana ma add mo ang blog ko sa blog list mo para kapag may new post ako ay malaman mo..".....iyon dati ang sinasabi ko kapag gusto kong ma add ang blog ko sa blog list nila..kahit nga yata sa ngayon..minsan ganun sinasabi ko..

Jag said...

May handog pasasalamat din ako sa yo kaibigan hehehe...

Admin said...

Thanks!

You're on my blog list now....

PB Woot Woot said...

hi! thanks din sa pagbisita mo sa akin, sa nag-uumpisa kong tahanan. nawa'y matagal pa tayong magkasama sa blogsphere sa taong 2010!

krykie said...

yay! ang aga mo naman ! :)) hehe
thankshue rin aba ! Ü

merry xmas :D

KESO said...

ayy kuya, bkit hnggng 5 posts na lng. gawin mo ng 8 para 100 na. hehehehe. pakielamera ako,. peace,

merry christmas din po! :))

Nanaybelen said...

ito ulit ako. wala lang.. nag-aabang ng post mo.

oo nga pala..sa anong dyaryo ba na published and kwento nyo?

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...........ok..salamat rin talaga sa iyo.......

@Mangyan Adventurer......salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita sa blog list ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Patricia^Ashika........walang anuman iyon..salamat rin sa iyo at binibisita mo ang blog ko..siyempre naman magtatagal pa itong pagiging magkaibigan natin dito sa blog..

@kryk..........siguro nga maaga pa pero nakaplano na kasi iyon na hanggang 5 na lang..merry christmas din sa iyo talaga.......

Arvin U. de la Peña said...

@KESO...........hindi na po puwede na hanggang 8..hanggang 5 na lang po talaga..ok..merry christmas din sa iyo..

@Nanaybelen.........ang mga sinulat ko ay napublish sa diaryo na Pilipino Star Ngayon, sa RP Daily Exposed, at sa Remate..iyan ang mga diaryo na may sinulat ako na napublish na makita sa side bar ng blog ko kapag click mo ang sa mga napublish..kasi pag click mo ay makita ang newspaper clip..

Francesca said...

THEREs always joy in giving.

Arvin U. de la Peña said...

@Francesca.........thanks sa sinabi mong iyan..

Maria Cristina Falls said...

Ayy, i'm not gonna read the fifth one. Sabi mo pampasakit ng ulo eh. Iinom pa kami ng Biogesic. Ingat. :P

Nakita ko ang name ko sa sidebar mo nang mag-google ako one time. :)

Walang anuman at maraming salamat din, Arvs.

Maligayang Pasko po sa ating lahat. :)

kathy said...

Salamat din sa iyong walang humpay na suporta sa pamamagitan ng pagbisita at pag-iwan ng komento sa aking mga blogs.

Pinagpapala ang marunong magpasalamat...

Women
Abbeymae
Mom