Wednesday, October 7, 2009

Sa Tamang Pagkakataon (by request)

(Ang naging kaibigan ko po sa friendster ay nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng pag text na kung puwede raw ay ilagay ko rin siya sa blog ko. Dahil mahirap para sa akin na tanggihan ang isang request ay pumayag po ako. At ito po ang naisulat kong tula para sa kanya.)

"Kung ikaw ay nabigo sa pag-ibig ay asahan mo na may panibagong pag-ibig uli na darating sa iyo. Dahil ang pag-ibig ay walang katapusan. Umiikot ang pag-ibig sa daigdig. Umiikot sa bawat tao. At Bawat isa sa atin ay kailangan na may isang minamahal."




SA TAMANG PAGKAKATAON
Kay: Janine Quinanahan
Ni: Arvin U. de la Peña

Balang araw ay matatagpuan mo rin
Ang kaligayahan na hanap mo
Kasiyahan dahil sa pagmamahal
Iibigin ka uli sa tamang pagkakataon.

Huwag ka lang mainip sa paghintay
May magmamahal pa rin sa iyo
Ang kabiguan na nangyari sa iyo ngayon
Isipin mo na lang na isang panaginip.

Ang mga di magandang nangyari
Nang ikaw ay makipagrelasyon
Kalimutan mo na ng tuluyan
Para maghilum ang sugat sa puso na dulot niya.

Gawin mong inspirasyon sa buhay
Ang naging pasakit niyang ginawa sa iyo
Para sa susunod mong mamahalin
Ay nakakasiguro kang hindi ka iiwan.

Marami pang iba na may wagas na puso
Tapat sila kapag nagmahal
Binibigyan ng halaga ang minamahal
At isa na ako doon.

7 comments:

Meryl (proud pinay) said...

maganda itong tula na alay mo sa kanya ^_^ i'm sure magugustuhan nya to..makahulugan.^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl........tama ka nagustuhan nga niya..nag text siya sa akin..sabi pa nga niya ay text niya raw ang mga kaibigan niya na bisitahin ang blog ko para makita ang sinulat kong hando sa kanya..taga antipolo siya..

Bahauddin Amyasi said...

Menarik sekali ah artikelnya..
Salam kenal ya...

Chubskulit Rose said...

Love the last line! ang bait mo namang makata! Next time ako naman gawan mo ng tula hehehe..

Nostalgic Marveling
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories

Unknown said...

hehehe, very brilliant as always!! whoah.. keep up the wonderful work!!!

Arvin U. de la Peña said...

@Bahauddin Amyasi......thanks even i don't understand what you see..

@Chubskulit......salamat at nagustuhan mo ang tula ko lalo na ang last line..hmmmmmmm..ganun gusto mong handugan kita ng tula..sinabi mo eh kaya pagbibigyan ko ikaw..maghintay ka lang..pagsabihan kita pag na post ko na dito sa blog ko..

@Tim........salamat..i will......

BeyondMarGien's said...

so sensitive for a guy to say such wonderful lines... ;D

i too loved the way you search for the right words.