Thursday, October 15, 2009

Mahiya Ka Naman

"Minsan may pangangampanya para ilaglag ang isang tao sa pamamagitan ng sulat. Madalas rin ang ganyan kapag panahon ng halalan."


MAHIYA KA NAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahiya ka naman sa sarili mo
Ipinagkakalat mo na huwag siyang pakisamahan
Akala mo kung sino ka
Kumakain ka rin naman ng bigas.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Bistado na ang iyong ginagawa
Alam na ng tao na sinisiraan mo siya
Dahil sinabihan siya ng kaibigan mo.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Namamahagi ka pa ng sulat
At ang nilalaman ng sulat
Ay huwag siyang tangkilikin.

Mahiya ka naman sarili mo
Para kang hindi nag-aral
Sabagay ganun ang tunay mong pagkatao
Walang ibang alam kundi manira.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Iyang mga papel na ibinabahagi mo
Walang epekto iyan sa kanya
Ipunas mo na lang iyan sa iyong puwet.

19 comments:

Unknown said...

Galing, galing mo naman.. Totoo nga, mahiya naman sila..

Grace said...

Nabalitaan ko, magulo daw ang kampanya diyan sa bansa natin ngayon. Nakakalungkot naman. :(

Arvin U. de la Peña said...

@Sweet_shelo........thanks sa pagpuri sa post kong ito..oo nga dapat mahiya sila na nangangampanya para ilaglag ang isang tao..natatawa lang ako sa kanila..

@Hi! I'm Grace........oo magulo ang kampanya dito sa ating bansa..magulo talaga..kahit nga saan na uri basta kampanya magulo..hehe..

fiel-kun said...

Isa sa mga di ko talaga gusto is yung eleksyon dito sa bansa natin. It s*cks talaga. Ang hilig pang manira ng kapwa ng mga politiko haayzz... pare-pareho naman silang may tinatagong baho lolz.

Meryl (proud pinay) said...

naku mukhang magulo diyan sa atin sa pinas ngayon ah...
ang ganda naman ng ending mo sa post mo hhehe.

Xprosaic said...

ahahahahhaha kahit saan idikit basta madikit lang... jijijijiji

Wanderer Tolentino said...

nice poem ^^ Mahiya sila sa mga ginagawa nila ^^

Wanderer Tolentino said...

Nice poem mahiya naman sana sila ^^

Jag said...

It`s always been like that. Rotten politics...Now I feel downcasted knowing that ELECTION is fast approaching...

Arvin U. de la Peña said...

@Fiel-kun.........talagang ganun ang mga politiko nagbabatuhan ng kanilang sariling baho..di maiiwasan iyan kasi may pansariling interes sila..

@Meryl.........magulo nga kasi madami ang gustong kumandidato lalo na iyong sa pinakamtaas na posisyon..lalong gugulo kapag palapit na..ganun maganda ang ending..hehe..ikaw talaga..parang censored nga dapat..haha..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.......anong klaseng dikit ang ibig mong sabihin..hehe..baka dikit sa ano..

@MitsMikutoChstr........salamat at nagustuhan mo..oo nga dapat mahiya sila kasi paninirang tao ang ginagawa nila..

@Jag.......may punto ka rin..malapit na nga ang eleksyon ilang buwan na lang..same faces lang ang mga tumatakbo sa halalan..hehe..kung may bago man kaunti lang..

Unknown said...

wow, the things is going stronger and stronger in here.. lol.. you are perfect to be poet..

Arvin U. de la Peña said...

@Tim.........hahahaha..ganun palakas na ng palakas na parang sa dragon ball z..si goko lumakas lalo..salamat sa pagpuri mo sa sinulat ko ring ito..

Violet Manila said...

kadiri kung ang puwit na marumi'y ay papahirin lamang ng papel... para siguradong malinis at mabango, gumamit ng tubig, sabon at tabo!

Arvin U. de la Peña said...

@Violetauthoress........minsan nga dahon ang pinapahid lalo na kung nasa bundok at di na talaga mapigilan..hehe..kung saan saan na lang na gilid..hehe..

iya_khin said...

gulo-gulo na talaga ng eleksyon dyan sa 'tin ano?! kaya't simula't sapul isang bese palang ako nakaboto....

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin.......oo magulo..oh ganun ba..bakit isang beses ka pa lang nakaboto..kailan ang huling pagboto mo..

ROM CALPITO said...

Ganyan talaga ang buhay kanya-kanyang pakulo kanya-kanyang siraan
walang magawang tama sa buhay. hayyy

Arvin U. de la Peña said...

@Jettro.........sa politics ay ganun jettro..kahit nga saan..may kanya kanyang diskarte para lang magtagumpay kung anuman ang nais niya..kahit makasakit pa ng kapwa tao..mahirap na pigilan kapag pansariling kapakanan ang pinag-uusapan..