Friday, October 2, 2009

Hinaing Ng Mga Botante

"Masakit kung ang pakikisalamuha ng isang politiko sa mga kababayan niya ay pakitang tao lamang. At sa oras na kailangan na ang tulong niya ay hindi nagpapakita. Kaya dapat talaga kapag panahon ng eleksyon ay pumili ng isang kandidato na talagang maaasahan anumang oras."

HINAING NG MGA BOTANTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw na isang politiko
Kapag panahon ng kampanya
Bawat sulok sa aming lugar pinupuntahan mo
Iniisa-isa mo ang mga kabahayan.

Ang adhikain mo ay tumulong sa mga kababayan
Sinasabi mo iyan sa maayos na pananalita
Sa harap ng maraming mga botante
Pinapahanga mo sila sa iyong mga plataporma.

Ngayon ay kailangan na ang tulong mo
Nasaan ka ibinoto naming politiko
Bakit hindi ka nagpapakita
Nasaan na ang iyong mga pangako.

Sadya bang ganyan ang ugali mo
Ang taguan kami sa panahon na kailangan ka
Takot ka ba makagasto ng sarili mong pera
Kung kaya ayaw mo kaming damayan.

Sabihin mo naman kung ano ang dahilan
Hindi mo pagpapakita sa amin
Mga nakurakot mo di naman kami hihingi
Tulong lang mula sa iyo ang aming kailangan.

22 comments:

Meryl (proud pinay) said...

magandang tula ito.sana kung sino man ang maupo ay maging maayos ang pamamalakad..

Kablogie said...

Parang ganito yan eh "Iboto nyo ako bilang meyor dahil madali akong lapitan ngunit mahirapa hanapin!" ahahaha...

Malou said...

hahaha natawa naman ako kay kabayan kablogie pero totoo yan ha mahirap talaga hanapin ang nagtatago.

Anonymous said...

haha nice one!

bea trisha said...

haha..
yes..pokerface!

Anonymous said...

may magagawa taung lahat para sa pagbabago. vote wisely sa next election. matutuo na sana taung lahat.

Xprosaic said...

Weee... di pa ako registered voter... ahihihihihi

eden said...

nice poem esp that election is coming.

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl.......sana nga may mauupo pa sa puwesto sa parte sa eleksyon na ayos ang kanyang pagpapatakbo. Parang bihira na kasi ang ganun na tao sa ngayon.

@Kablogie.......may takbohan ka lang sa halalan ay doon magpaparehistro talaga ako. Iiwan ko ang aming lugar para doon na ako tumira sa inyong lugar..hehe..joke lang..

@Malou.......parang taguan na kasi minsan ang nangyayari lalo kapag may kailangan sa isang politiko..

@Pumpkienpie.......salamat at nagustuhan mo..

@Bea Trisha.............haha..ang iba talagang politiko ay mahilig magsugal..

@Kuri........lahat tayo ay may nagagawa sa pagbabago..paano kung ang tao na dapat sanang gumawa ng hakbang para magbago ay hawak ng politiko..mahirap pa rin ang ganun..

@I am Xprosaic........magparehistro ka na..di ka mabibigyan ng pera para sa pagboto lang..hehe..joke lang din..


@Eden......oo nga malapit na ang election..sana iboto natin ang karapat-dapat talaga..

Unknown said...

you know, you have the brilliant mind in making poems, awesome!!!

Arvin U. de la Peña said...

@Tim.........salamat sa sinabi mo..ganun ba..hilig ko lang talaga magsulat ng mga tula, poems, at kuwento..

Carl Paolo said...

cooool poem!

Goryo said...

REpapips zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.

diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while.. mabuhay kayo!!! =)

Arvin U. de la Peña said...

@Carl Paolo.......thanks for visiting my blog..

@Goryo...........kaya pala..akala ko tumigil ka na sa pag blog..naging abala ka pala masyado..bibisitahin pa rin kita lalo kapag may new post ako..

Meryl (proud pinay) said...

thanks for the response ^_^

Anonymous said...

nice article keep in touch with me

Oman said...

well written. great site u have in here. will visit often.

princejuno said...

basta ang masasabi... ang malakas gumasta sa election..ang mga may balak mangurakot...

tama ba ako?..

mind to answer this question
open question

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl........yah, siguro lagi na akong mag reresponse sa mga comment..dati kasi di ko iyon ginagawa..

@aeganbijo........thank you for visiting my blog..

@lawstude......ok..you have also nice blog..

@princejuno........oo naman..kailangan nilang mangurakot para makabawi sa mga nagasto..kahit naman sinong tao ay ganun ang gagawin..gagasto ka sa election tapos di ka gagawa ng paraan para maibalik ang nagasto..ewan kung may politiko pa na ganun na hindi naghahangad na mabawi o maibalik ang kanyang nagasto sa election..

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl........yah, siguro lagi na akong mag reresponse sa mga comment..dati kasi di ko iyon ginagawa..

@aeganbijo........thank you for visiting my blog..

@lawstude......ok..you have also nice blog..

@princejuno........oo naman..kailangan nilang mangurakot para makabawi sa mga nagasto..kahit naman sinong tao ay ganun ang gagawin..gagasto ka sa election tapos di ka gagawa ng paraan para maibalik ang nagasto..ewan kung may politiko pa na ganun na hindi naghahangad na mabawi o maibalik ang kanyang nagasto sa election..

""rarejonRez"" said...

totoong-totoo!

it's very sad, but i think that's how politicians are designed. :(

Arvin U. de la Peña said...

@rare jonRez.......oo nga..mahirap na talaga ngayon makatagpo ng isang politiko na sincere talaga sa pagtulong sa kanyang nasasakupan na mga tao..