Tuesday, September 29, 2009

May Pag-asa Pa

"Sa bawat pagsubok na dumadating sa buhay ng tao ay may pag-asa na ito ay malampasan."
























MAY PAG-ASA PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kapag ikaw ay datnan ng problema
Huwag malungkot at magdamdam
Dahil sa bawat paghihirap na dinaranas
May pag-asa pa na malampasan iyon.

Huwag lang mainip sa paghihintay
May magandang bukas pa para sa iyo
Ang unos na dumating sa iyo ay pansamantala lang
Hindi iyan pang matagalan.

Magpakatatag ka lang lagi sa buhay
Hindi habang panahon madilim ang iyong mundo
Harapin ng buong tapang ang pagsubok
Dahil hindi ka nag-iisa sa iyong pakikibaka.

Lahat tayo ay nakakaranas ng suliranin
Dahil kasama na iyon sa buhay ng tao
Lagi lang isa-isip na lahat ng pasakit ay may katapusan
Magtiis at maghintay lang kung kailan matatapos.

10 comments:

Gin Hansson said...

Bawat problema, my solution at bawat kasadlakan ay mayroong pag asa. babangon ang pilipinas. tayong mga filipino ay magtutulungan para sa bagong pag asa..

Meryl (proud pinay) said...

magandang tula ito. habang may buhay may pag-asa..pagsulok lamang ito at tlagang malalampasan.

fiel-kun said...

Waah grabe talaga! pati kami d2 sa San Mateo, Rizal ay kasama sa mga binaha nung sabado ng tanghali... pero ayos na kami at nakakaraos kahit paano... hope u are safe too from the flood.

I have a new post. Would u mind commenting too?

Unknown said...

We always have great hope to overcome of what we are facing today, it is just we need to be strong and be vigilant, be ready for our own good. Things will gonna be okay soon!

Reagan D said...

babangon din tayong lahat. kahit ang bahay namin ay nasalanta rin, mabaet pa rin si Bro at di kami napaano. tulungan natin ang mga kababayang need ng tulong

Kablogie said...

Poem for all season ka talaga bro! pati si Ondoy nakalikha ka pa ng poem! :D

Neneng M. said...

I dont know this content.. but.. succes for you..... :)

eden said...

there is always hope and light.

thanks sa visit and comment Arvs..

have a good weekend

BeyondMarGien's said...

yes there is...

Philippines will strive harder than ever and will emerge as the bravest there is! ;D

marbille9 said...

tamang-tama ang tulang ito para sa project ko. mindi if i use it?