Thursday, September 17, 2009

Para Sa Iyo

Sa post ko pong Paglimot ay sinabi ko doon na may isa pa akong sinabihan na blogger na kung puwede ko siyang handugan ng tula ay pumayag siya at ito na nga po. Para po sa kanya ang tula na ito. Isa po siyang modelo. Sa blog niya ay makita doon sa isa niyang post na siya ay interview. Ang blog niya po ay
http://www.paui.blogspot.com/

"Basta para sa ating pinakamamahal ay kaya nating tiisin ang lahat"

PARA SA IYO
Kay: Paulette Quinto
Ni: Arvin U. de la Peña

Tinitiis ko ang lahat para sa iyo aking mahal
Kahit masakit sa akin ay kinakaya ko
Dahil ayoko na ikaw ay masaktan
Dahil mahal kitang tunay.

Kahit minsan sa pagkain
Mas importante sa akin na makakain ka
Kaya kong tiisin ang gutom
Kaysa mag-alala ako na hindi ka busog.

Maging maligaya ka lang ay ayos na
Hindi na ako naghahangad pa ng iba
Ang malaman ko lang na masaya ka sa isang araw
Masayang-masaya na ako.

Basta para sa iyo lahat kakayanin ko
Buong buhay ko ay ibibigay at iaalay
Dahil ayoko na makaramdam ka ng lungkot
Sapagkat ang iyong ngiti ay nagpapasaya sa akin.

Para sa iyo ay hindi ako mag-iiba
Kahit ano pa ang mangyari
Hinding-hindi ko ikaw iiwan
Dahil mahirap ng makahanap ng tulad mo.

4 comments:

Grace said...

Hi, Arvin. Isa na namang magandang tula ito. :)
Hindi ko pa nai-publish ang tula na gawa mo, kasi hindi pa ako naka-uwi sa amin. Sa susunod na linggo pa kami uwi.
Anyway, salamat sa pag-add mo sa link ko sa blog list mo. Add na rin kita. :)

Meryl (proud pinay) said...

ang galing naman ng pagkakagawa mo ng tula sa kanya ^_^ nice...nice photo din..

Wengss said...

hello Arvin,
thnx for visiting my blog.
ganda naman ng tula mo. you are a good writer

Unknown said...

maraming salamat sa iyong tula arvin! ako ay masyadong natutuwa kaya ako na rin ay napapatula ;)

ni post ko to sa blog ko ha? :D