Wednesday, September 2, 2009

Kaarawan

"Sa lahat na mga nakilala ko lang sa chat, sa friendster, sa blog, sa text o sa ano pa man na hindi ko pa nakikita ng personal lalo na iyong sasapit ang kaarawan na malayo sa mahal sa buhay ay para para po sa inyo ang tula na ito."


KAARAWAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Maligayang kaarawan sa iyo
Hindi man tayo nagkikita ng harapan
Malugod ko pa rin ikaw na binabati
Dahil ikaw ay kaibigan ko.

Sa pinakamahalagang araw ng buhay mo
Sana ay maging masaya ka
Kahit konti ay hindi makaramdam ng lungkot
Kahit na hindi kapiling ang iyong pamilya.

Alam ko na maaalala mo
Mga kaarawan mo na kasama sila
Masaya na nagsasalo-salo sa inihanda
Maging ito man ay engrande o simple lang.

Nauunawaan ka naman nila
Kung bakit wala sila sa tabi mo
Dahil ang iyong paglayo pansamantala
Para rin naman sa kabutihan nila.

Marami pa sanang kaarawan
Ang sa iyo ay dumating
Huwag mo sanang kalimutan na magpasalamat
Sa ating poong maykapal.

14 comments:

Jepoy said...

Ito ba ay para kay LORDCM? :-D Nice Poem...

Hari ng sablay said...

peace offering ba ito kay LordCM?haha ayeee...haha natatawa ako sensya na,haha

Kablogie said...

Honga..para ba ito kay papa LordCM?

Papa LordCM blow the candle na! hehehe

Unknown said...

wow salamat ha.. bday ko nga this september.. heheh , salamat at ikaw ang pinakaunang bumati sa akin..

Dhianz said...

makikisabat... para bah toh kay kuya CM?

Nash said...

happy birthday to me :)

hey just droppin' by

well october pa birthday ko eh haha

Unknown said...

Happy b-day din sa lahat ngf may b-day. Kilala ko man o hindi...

princejuno said...

salamat...hehe

visiting u just to say meri xmas...ber na e...haha

princejuno

Reagan D said...

nakikibati na rin sa lahat ng nagbebertdey, hehe

BIYENG said...

Haha. Bertdey ko sa linggo. XD Ayuuusss. Sakto. Tsup!

Meryl (proud pinay) said...

oo nga peace offering ba ito? hehe....nice naman...

Goryo said...

Advance happy beerday sa mga mag-be-bert-dey at belated happy-beer day sa mga tapos na.. apir!!

Juliet said...

hi arvin, thanks for the visit. ang ganda naman nang mga tula mo. regards :-)

Reymos said...

Magandang tula at mensahe! Keep writing and inspires others to do as well. All the best. Rey