"Sa post ko pong Paglimot ay nagrequest si Grace sa comment na isang blogger sa amerika na kung puwede daw ay gawan ko siya ng sinulat ko para sa kanyang birthday ngayong linggo. Nagbigay pa siya ng theme sa tema ng isusulat ko kahit daw maikli lang. Ito po ang sabi niya
Hi! I'm Grace said...
Ang galing mong gumawa ng tula, Arvin. Pwede mo kaya ako gawan para sa kaarawan ko sa linggo? Kahit maikli lang.Gusto kong theme ay ang pagkahiwalay ko sa bayan natin para lang makasama ang minamahal ko dito sa amerika. Thanks. I'll give you the credit.(Filipino language)
September 4, 2009 9:16 PM
Blog po ni Grace ay http://grace1331.blogspot.com/
So Grace ito po ang naisulat ko para sa iyong request.
AKING INANG BAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Aking inang bayan mahal ko ikaw
Ikaw ay aking ipinagmamalaki
Ipinagtanggol ka ng aking mga ninuno
Nang minsan na nais kang sakupin.
Aking inang bayan kahit ako ay narito
Sa ibang bansa naninirahan
Kapiling ng aking pamilya
Hinding-hindi ko ikaw nakakalimutan.
Aking inang bayan pagtratrabaho ko dito
Para rin po sa inyo
Dahil ako ay isang pilipino
Sa inyo ay nagmula.
Aking inang bayan babalik din ako
Muli ay aapak din ako sa lupa mo
Hindi nga lang alam kung manirahan na lagi
O babalik pa sa ibang bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Napakaganda ng tula, Arvin. Napakaganda! Maraming salamat sa iyo. I-post ko ito bukas (Lunes dito).
Alam kong marami kang napasaya at alam ko rin, marami ka pang mapasaya.
Dalangin ko ang iyong tagumpay. :)
hello... natuwa ako sa mga posts mo. kung may oras kayo, bisita naman kayo sa blog ko. salamat. at sa lahat... pasko na.
Post a Comment