"Mahirap kapag maging isang taong palabuy-laboy"
TAONG PALABUY
Ni: Arvin U. de la Peña
Basurang lumalakad kung ako ay tawagin. Kung bakit basura? Iyon ay dahil wala na akong silbi sa lipunan. Lahat ay iniiwasan ako. Kapag ako ay naglalakad iniiwasan nila ako na makasalubong. At kapag ako naman ay nagpapahinga at dinadaanan nila ang kanilang ilong kadalasan ay tinatakpan nila.
Palabuy-laboy lang ako sa kung saan. Wala akong permamenteng tirahan. Kapag may nakikita na puwedeng makain sa basurahan o sa kalsada iyon ay pinupulot ko para kainin. Minsan lang kung may magbigay sa akin ng pagkain o kaya pera para ko ipambili ng pagkain. Kulang na lang talaga sa akin ay mamatay na. Pero natatakot ako na magpakamatay. Kaya mahirap man ang kalagayan sa tulad ko ay nilalabanan ko na lang para mabuhay.
Minsan ay nangangarap din ako na may tumulong sa katulad ko. Para naman makawala na ako sa pagiging "taong grasa". Nang sa ganoon ay makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May matulugan na sapat na higaan at mamuhay kahit isang ordinaryong mamamayan lang. Ngunit hanggan pangarap na lang yata iyon. Dahil pinagtatabuyan na nga ako, tutulong pa kaya.
Sana isang araw ay magising talaga ako na maayos na ang buhay ko. Bagong gupit, hindi marumi, at maayos ang damit na suot. Higit sa lahat nakikisalamuha sa mga tao. Kung hindi naman dumating ayos na rin sa akin. Alam ko naman na may katapusan ang lahat ng ito sa akin. Kung kailan, iyon ay kung hindi na ako humihinga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
ang totoo nyan..siguro mas mahirap pa sa taong grasa ang pinagdaan nya makalipas lumabas ang ilang eskandalo... ngunit sa kabila noon...kita mo nmn patuloy ang kanyang paglaban at pagharap sa hamon ng buhay.... :)
Ang ganda ng post na ito. Dahil dito naipakita n nman ntin na sa kahit ano mang estado tayo ng buhay eh kaya nting lumaban para mabuhay ng maayos sa mundong ito.
At para nmn magandang binibini na nasa tas ng post moh, hanga ako sa tatag nya. Isa syang dokor, model at artista. Ngunit sa lahat ng hinarap nyang eskandalo at kahihiyan ay patuloy syangmabuhay ng normal at lumaban sa naging hamon sa knya ng buhay. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
sayang di ko napanood ito. by the way, are you the same arvin dela pena who emailed me asking me for 1,000pounds? hehehe. maybe not.
ayos!
Magnifico! I like this entry!
I totally love this post. Thanks for sharing. =D
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
bilib ako kay maricar.
dahil malupit nyang na-keri ang matinding hagupit.
rakenrowl!
manikmakina
Post a Comment