Thursday, October 22, 2009

Kagubatan, Ilog, at Dagat

Para po sa blog na http://www.fiel-kun.blogspot.com/ ay gusto ko pong malaman mo na kaya po ako hindi nakakabisita sa blog mo ay dahil bawat open ko ng blog site mo ay na cloclose po siya. Tatlo ng internet cafe ang sinubukan ko ay ganun pa rin po. Ito po ang ipinapakita pag open ko ang blog site mo "internet explorer has encountered a problem and need to close. We are sorry for the inconvenience" at may nakasulat pa na debug, send error report, at don't send. Mga apat na araw ng ganito. Ewan ko kung bakit ganun. Dati naoopen ko naman ang blog mo at nakakapag message ako sa cbox mo o kaya comment. Hindi ko po alam kung hanggang kailan ganito. Pasensya po talaga kung di kita nabibisita kasi ganun po ang nangyayari. Hindi ko tuloy makita ang pangalawa mong bigay na award sa akin. Pag click ang don't send ay ma close ang computer. Sana ay hindi magtagal ang ganito para muli kitang mabisita.

"Ang tula po na ito na sinulat ko ay pinakialaman ng kaibigan kong blogger na si Patola ng isend ko sa kanyang e-mail. Marami po siyang binago na mga salita sa original kung sinulat."






Maglakbay tayo sa isang bansa na maaring tinitirhan mo ngayon o maaring inaabot lang ng iyong imahinasyon. Naririto ka man o milya milya ang layo sa kanya, sariwain natin ang mga bagay na pupukaw sa ating alaala.
Kagubatan, Ilog at Dagat
Ni: Arvin U. de la Peña
iniayos ng nakikialam na si Patola =)
http://www.akosipatola.blogspot.com/

Namulat ako sa bansang maharlika
Ang puso't isipan ng mga tao ay malaya
Mga likas na yaman ay ikinararangya
Diyamante ng kalikasan na sana ay inaaruga.

Sa kagubatan makikita ang kumpol ng mga puno
Pinipigilan ang malambot na lupa sa pag guho
Isang mahika na magliligtas laban sa malakas na ulan
Sa agresibong baha, inililigstas ang sangkatauhan.

Sa kagubatan makikita ang iba't ibang uri ng halaman
Mga hayop na malimit makita ng mga mata ng sino man
Isang misteryo nga na sumasagi sa aking isipan,
Ang hiwaga sapagkat nabubuhay sila ng sila lang.

Halika, Pakinggan mo ang himig ng nagsasayang ilog,
Niyayaya kang makisalo sa pamamagitan ng kanyang tunog
Pagmasdan mo ang ngiti sa mga batang nagtatampisaw sa agos
Damhin mo ang biyaya ng kalikasan na sa puso ay tumatagos.

Madalas sinasabi na ang Dagat ay simbolo ng Kalungkutan
May mga alon na galit at pinapakita ang karahasan
Ngunit para sa akin ang dagat ay repleksyon ng buhay
At para sa iba ay larawan ng isang taong naghihintay.

Madalas sa ilog at dagat kumukuha ang marami ng kabuhayan
Ngunit maraming pagkakataon ring tila ba ito'y basurahan
Isinasantabi ang yaman na ibinigay ng Maykapal
Unti unting pinapatay ang mga isda na dito ay naninirahan.

Ang kasalukuyan ay nakakalungkot isipin
Tayo ang solusyon ngunit tayo rin ang salarin
Sa salapi nga lang ba nasusukat ang yaman?
Natutumbasan nga ba nito ang tama at kamulatan?

Nanirahan ako sa bansang maharlika
Ang isipan lang ng tao ang siyang malaya
Nililimot ang Responsibilidad dahil sa karapatan
Hindi alam ang kabutihan dahil sa salaping gustong makamtan.

17 comments:

Jag said...

Ang Likas na yaman ng ating bansa ay unti-unting nauubos...mkikita p kya ang mga ito sa susunod nating henerasyon?

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.........oo unti-unti ng nauubos ang likas na yaman kasi inaabuso..at oo unti-unti pang makikita iyan sa susunod pang mga henerasyon pero malaki na ang pagkakaiba kaysa noon..way back 95 years, hehe..

bea trisha said...

the post is nothing but true,,,

gumaganti na ang nature dahil sa kapabayaan ng mga tao...

sayang nga't mo amount can equate to what is happening now..
=(

nice post!

fiel-kun said...

waah, try mo gumamit ng ibang browser. Mozilla firefox kaya? hmmm... ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Bea...........marahil nga ay gumaganti na ang kalikasan dahil sa walang awa ang ibang mga tao sa pag-abuso nito..ang pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan, pagtatapon mga basura sa ilog at dagat..at iba sa mga kapaligiran..salamat sa pagbisita uli sa blog ko..

@Fiel-kun...........sinubukan ko na rin yata ang mozilla ganun pa rin..huwag ka mag-alala pag ma open ko ay agad mag message ako sa iyo..

Meryl (proud pinay) said...

kailangan na talaga ng agarang aksyon...dapat sagipin ang kalikasan para sa kinabukasan ng lahat.

patola said...

sino nakialam sa original post mo? lolz... ang kulet niya naman para makialam.. sino ba yang si patola? wahahaha!! anywayz,.. dapat talaga binibigyan natin ng halaga ang resources natin pero nakakalungkot isipin na para sa commercial use, may mga makakapal na gubat na inaalis tz yung mga water forms natin, bilang nalang yata yung malinis,..

Xprosaic said...

There's no place like home... dami ngang magagandang resources sa bansa eh kaso nagpapadala ang karamihan sa hype tungkol sa kagandahan sa ibang bansa pero dito pa lang solb ka na...

Unknown said...

very timely yang tula na yan!...sana makapag-isip isip na ang mga tao na wag tuluyang pabayaan ang kalikasan.

di pa naman huli ang lahat di ba? :D

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl..........kailangan na nga pero parang mahirap na yata iyan sa takbo ng mga pangyayari sa ngayon..ang mga tao ay parang wala ng pakialam sa kalikasan..high tech na rin kasi sa ngayon kaya ayun parang nakakalimutan na ang kahalagahan ng kalikasan.......

@Patola........ikaw talaga pat, hehe..mas maganda nga ang kinalabasan ng pakialaman mo..parang gusto ko pa nga na bawat ipost ko sa mga susunod ay idaan ko muna sa iyo..ang galing mo kasi..parang di na rin mahalaga ang resources sa ngayon para sa mga tao..ang mahalaga sa kanila ay ang kaligayahan na madarama nila maski pa masira ang sinasabing resources..

@I am Xprosaic...........korek ka there is no place like home..pero paano kung ang home na sinasabi mo ay nasisira na..titira ka pa ba..madami pang magagandang lugar na puwedeng maging tourist spot na hindi lang binibigyang halaga ng gobyerno..madami pang magandang lugar na puwedeng maging tourist destination dito sa ating bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@vonfire.........dapat nga na huwag pabayaan ang kalikasan..ang kagubatan, ilog, o ang dagat..pero may mga tao na nabubuhay sa gubat..nabubuhay mula sa pamumutol ng kahoy na ang pinuno ay parang may mataas na koneksyon sa gobyerno..parang mahirap na pigilan iyan..ganun din sa ilog o dagat..may mga illegal fishing din..oo di pa huli ang lahat..

eden said...

very true..
pag iisipan sana ng mga tao na ang natural resources are limited at ang pag aabuso will harm not only us but also the generations.

thanks for the visit Arvs

Arvin U. de la Peña said...

@Eden........sana nga may tao pa na talagang may malasakit sa natural resources......kung mayroon man siguro ay bihira na lang o kaya kaunti na lamang..minsan di naiiwasan na hindi abusuhin kasi dahil sa pag aabuso ay kumikita sila ng pera..

Yas Jayson said...

yay! o yan na, in-add na kita. haha!

tumutula ka pala. steg. XP

Meryl (proud pinay) said...

sa bagay...mahirap na ngang sagipin...lalo na if wala ng sasagipin pa...pero i think if pagtutulungan pa..tulad ng pagtatanim at pagaalaga nito...etc..makakaya ...

Arvin U. de la Peña said...

@eIYAS.......salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita..oo tumutula ako..nagsusulat rin ng tula, kuwento, at poems..

@Meryl...........parang wala na yatang masasagip na kalikasan..hehe..parang lahat ay inabuso na..kung mayroon man siguro bihira na lang..pag magtulungan ay makakaya..abangan mo ang tula kong MAGTULUNGAN..

Unknown said...

Pwede pa natin itong nakita sa susunod na heneresyon kung ito at ating iingatan at pangangalagaan....