KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña
"Ikakasal na pala si Joanna sa Lunes doon sa Maynila, pare". Namangha ako ng sabihin sa akin iyon na kaibigan ko. Parang di ako naniniwala na ikakasal nga si Joanna. Dahil tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na dalawang taon pa bago siya tumanggap ng manliligaw. Iyon ay ng itigil na niya ang pakikipagrelasyon sa akin para sa pagpunta nila ng magulang niya sa Maynila para doon na manirahan ay wala na siyang aalalahanin. Eh! wala pang isang taon si Joanna sa Maynila.
Si Joanna ay isa lang namang masayahing babae. Kung titingnan mo siya mababakas mo talaga na siya ay mukhang laging masaya. Mapagbiro siya sa mga kaibigan niya. Lalo na sa akin. Kapag kami nga ay nagkakasama minsan hindi ko napipigilan na di tumawa kahit na marami ang tao. Siya pa ang mahilig magpatawa kaysa sa akin na lalaki.Isa lang naman si Joanna sa mga naging kababata ko.
Sa panliligaw ko sa kanya pagkatapos kong mabigo sa unang pag-ibig ay di na ako nahirapan pa sa kanya. Sinagot niya agad ako. Katuwiran niya para naman talaga sa lalaki ang babae.Kaya nga ng siya ay nagpasya na itigil na ang relasyon namin ay nalungkot talaga ako. Dahil mawawalan na naman ako ng inspirasyon sa buhay. Isa pa mahirap na makahanap ng katulad niya. Nais ko man na pigilan siya ay di ko magawa. Kasi para naman sa kapakanan niya ang gagawin ng mga magulang niya.
Nasa Maynila daw kasi ang suwerte nila. Hindi nasa probinsya.Gusto ko man na sumama sa kanila ay ayaw naman ng mga magulang ko. Mahirap daw ang buhay sa Maynila. At isa pa nakakahiya sa pagtira sa aming kamag-anak.Pagsapit ng Lunes na araw ng kasal ni Joanna sa Maynila, umaga pa lang ay malungkot na ako. Iniisip ko ang mga nakaraan naming dalawa na magiging alaala na lang talaga. Ang hirap at saya na aming mga pinagdaanan. At ang mga pagsubok na aming nalagpasan.
Nasa malungkot akong sitwasyon ng biglang mag ring ang telepono. Sa pagsabi ko ng "hello". Doon ay nagulat ako dahil si Joanna ang tumawag. Sa pag-uusap namin sinabi niya na ikakasal na siya ilang oras na lang. Sinabi rin niya na salamat sa lahat na naibigay, naitulong, at naipadama ko sa kanya.Ngunit ang hindi ko malilimutan sa lahat ng mga sinabi niya sa akin ay ng sabihin niya na sana ay nandoon daw ako. Para makita ko raw siya sa unang pagkakataon mula ng magkahiwalaya kami at sa kanyang mukha na malungkot. Dahil sa pinilit lang daw siya ng kanyang mga magulang na tanggapin ang alok na kasal ng manliligaw niyang mayaman na matanda sa kanya ng labin-limang taon.
Hindi raw niya gusto ang lalaki pero wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Para daw umasenso naman ang buhay nila.Pinatawa pa niya ako sa pagsabi sa akin na sa oras daw ng kasal ay ako ang nasa isip niya.
Friday, October 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment