Tuesday, October 7, 2008

Palimos Po

PALIMOS PO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sisikat na naman ang araw. Heto muli ko na naman haharapin ang buhay na dumating sa akin. Kahit hindi ko ito nais, ginagawa ko para mabuhay at may ipantawid gutom. Masakit man isipin hindi ko naiiwasan na di maalala ang mga nakaraan ko noong hindi pa ako pulubi.Mama, ibili mo ako ng bagong pantalon at t-shirt. Papa, ikaw ibili mo ako ng bagong relo. Kasi ang mga ito ay luma na.Pare, saan ang grupo ngayon. Anong mga gagawin natin sa araw na ito para makuntento tayo.

Wow! kayganda ng chicks. Mamaya lang magiging akin ka. Isa ka na magiging biktima sa pagiging magandang lalaki ko.Inom pa. Sige inom pa akong bahala sa lahat ng gastos. Basta inom lang ng inom para malasing tayo.Giling pa, sige gumiling ka pa. Sayang itong ibinayad namin kung hindi ka gigiling. Ayan sige pa, gandahan mo ang paggiling.Hoy! umaga na tumayo ka na diyan sa pagkakahiga. Si Bhay ang batang pulubi na kaibigan ko at katabi lagi sa pagtulog. Manghihingi na naman tayo ng pera sa mga tao. Huwag mo ng isipin pa masyado ang nakalipas sa iyo.

Tanggapin mo na lang na hanggang doon na lang ang buhay ng mga magulang mo. At tanggapin mo rin na ang mga kamag-anak mo na pati lupa at bahay niyo ay ibinenta ay hindi na nagmamahal sa iyo. Wala na silang pakialam sa'yo.Palimos po, salamat. Ale pahingi po ng pera, salamat. Sir pahingi po ng pera, salamat. Ma'm pahingi din po ng pera, salamat. Piso po pahingi, salamat.Iyon lagi ang sinasabi ko kong ako ay nanghihingi na ng pera sa kapwa.

Mga kaibigan ko kapag nakikita ako di na nila ako pinapansin. Dahil doon nabatid ko tuloy na sa barkada , mabuti lang kung may pera ka dahil para kang santo sa kanila. Pero kung wala ka ng pera balewala ka na lang sa kanila. Hindi ka na nila papansinin.Palimos po.

No comments: