Friday, October 10, 2008

Sa Tabing Dagat

SA TABING-DAGAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa aking pagpunta sa tabing-dagat. Napansin ko na hindi lang pala ako ang tao. Marami rin pala kami. Ngunit may kanya-kanyang puwesto sa pagmumuni-muni. Ang iba ay may hinahawakan na bato at itinatapon sa dagat. Ang iba naman ay nakatingin lang sa hampas ng alon, pero alam ko na malalim ang iniisip. Nasabi ko tuloy sa aking sarili " bakit kaya ito ang madalas na pinupuntahan ng ilang tao kapag sila ay galit ".

Akma na akong pupuwesto sa isang tabi ng ako ay lapitan ng isang tao. " Pare dito mo rin ba sa tabing-dagat ibubuhos ang iyong galit ". Takang-taka talaga ako sa tanong niya. Dahil mahirap ang magkunwari sinabi ko na lang sa kanya ang totoo." Oo pare galit ako kaya dito ko na lang sa tabing-dagat pahuhupain ang aking galit "." Ako rin pare galit ako kaya naisipan ko na dito na lang sa tabing-dagat pumunta para makaiwas pa sa gulo ", sabi niya sabay na puwesto sa isang tabi.Naisip ko sana lahat ng tao kapag may kinagagalitan sa tabing-dagat na lang pumunta.

Bukod pa sa sariwa ang hangin, hindi ka pa makakasakit sa kapwa o di kaya ikaw pa ang masaktan.Ang pag-inom ng alak para mawala ang galit sana ay itigil na rin iyon.Bukod pa sa magagastusan ng pera ay malalasing ka pa. Baka maging dahilan pa para mag-init ang ulo at maging sanhi ng pakikipag-alitan. O di kaya makapag-isip pa ng masama dahil lasing na nga.Ang paggamit ng ipinababawal na gamot para lang mawala ang galit. Sana ay itigil na rin iyon. Tuluyan lang na masisira ang utak.

Dahil sa pagtikim ng bawal na gamot ay hindi mapipigilan ang sarili na di na ulit iyon tikman.Pumunta na lang sa tabing-dagat kung ikaw ay galit. Galit sa sarili o di kaya galit sa isang tao. Wala pang masasaktan o kaya mawawala sa iyo.Sa tabing-dagat mo na lang ibuhos ang iyon galit.

No comments: