Di Malilimutan Buhay Estudyante
Ni: Arvin U. de la Peña
Kaysarap talaga ng buhay-estudyante. Bukod sa marami kang natututunan, marami ka pang nakikilala. Dahil doon marami kang nagiging kaibigan. Mula sa kanila marami kang natututunan sa buhay. Kasi bawat kaibigan naikukuwento ang mga karanasan nila, mga paghihirap sa buhay kung paano nila nalagpsan, at ang mga kamalian na nagawa na dapat ay di na maulit.Isa rin na masarap sa buhay-estudyante iyong may nagiging crush ka na classmate.
Bawat araw inspirado ka. Gustong-gusto mo na nakikita siya lagi. Sa bawat pagsusulit ganadong-ganado ka sa pagsagot sa tanong. Higit sa lahat gusto mo na makapasa sa lahat ng subject. Kasi ayaw mo na mapag-iwanan ng iyong crush.Kagaya na lang ng nangyari sa akin. Noon kuntento na ako na makakuha ng passing grade. Hindi ako naghahangad na makakuha ng mataas na marka. Pero dahil nakilala ko si Irene Mosqueda, na matalino. Nagpursige ako na kahit paano ay mapantayan siya. Nag-aaral ako ng mabuti at di na nagpapahuli sa bawat klase.
Alam ko na may hangganan ang lahat nang ito para sa akin. Dahil darating ang araw na ako ay magtatapos sa kurso na kinuha at di na magiging isang estudyante.Ngunit kahit saan ako mapunta. Malayo man ang marating. Matulad na ako sa ibang nagtapos na tumatanggap na ng sahod. Di ko malilimutan ang buhay-estudyante. Bawat araw maiisip ko ang mga pangyayari noong ako ay nag-aaral pa. Lalo na kung makakakita ng nakauniporme ng isang paaralan.
Dahil hindi ako mapupunta sa nais kong marating sa buhay, kung hindi ako naging isang estudyante.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment