IRENE
Ni:Arvin U. de la Peña
Second year college ako ng makilala ko si Irene. Labing-walong taong gulang ako noon. Nang una ko siyang makita akala ko bagong lipat siya sa departamento ng kurso na kinukuha ko. Dahil noong first year college ako hindi ko siya nakikita lalo na kung may pagtitipon ng mga first year.
Nalaman ko na lang na Bachelor of Science in Accountancy ang kurso niya. Kumuha lang pala siya ng subject sa aming departamento dahil gusto niya ang oras na iyon, ayon sa plano niya sa pagkuha ng mga subject.
Economics II ang subject na aming pinagsamahan sa silid paaralan, 3:30 ng hapon hanngang 4:30 ang aming klase. Lunes, Miyerkules, at Biyernes iyon. Mula sa kinauupuan ko ay nasa pangatlo siya pakaliwa.
Simple lang si Irene. Medyo kulot ang buhok at hindi masyadong maputi. Bagay na bagay sa kanya na ang kanyang buhok ay tinatali. Matalino rin siyang babae. Kapag nakikita ko talaga siya masyado akong nagiging inspirado. At sa isip ko alam ko pag-ibig ang nadarama ko sa kanya. Nag-aalinlangan naman ako na magpakita sa kanya ng motibo dahil baka may boyfriend na siya. Kaya naging sapat na alng sa akin na kami ay nag-uusap o kaya nagkukuwentuhan kapag wala pa ang aming guro.
Lumipas pa ang dalawang buwan napansin ko na wala pa talaga yatang kasintahan si Irene. Dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng kaklase kong babae. Nang marinig ko iyon biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Mas lalong nagkaroon ako ng pag-asa na maliligawan ko siya.Araw ng biyernes ng mangyari ang gusto ko. Pagkatapos ng klase namin ay sinamahan ko siya papunta sa isa niyang subject, na dati ay hindi ko ginagawa. Habang nag-uusap kami tinanong ko siya kung puwede ay mamasyal kami sa linggo. Laking tuwa ko ng pumayag siya.
Nang sandali na iyon ay pinasalamatan ko na agad siya. Magkita na lang daw kami sa tapat ng paaralan sa linggo.
Araw ng sabado ay masyado na akong excited sa mangyayari pagkabukas. Dahil iyon ang una kong pagkakataon na ako may makakasamang babae sa pamamasyal na kaming dalawa lang.Linggo ng umaga ay handa na ako. Nasa isip ko na kung saang mall kami mamamasyal, kakain, at manonood ng sine. Hindi pa nag-aalas-onse ay nasa tapat na ako ng paaralan. Eksakto alas-onse sa relo ko ng makita ko siya na patawid na sa kinaroroonan ko. Hindi pa siya nakakalapit sa akin ay nginingitian ko na siya. Lalo na ng makalapit na sa akin.
Mula sa araw na iyon na aming unang pamamasyal ay nasundan pa iyon ng nasundan. Kahit na natapos na ang aming subject na pinagsamahan. Bawat araw ay lagi kaming masaya. Hanggang sa kaming dalawa ay naging magkasintahan.At ngayon na 4th year college na kami at parehong magtatapos ngayong Marso ay patuloy pa rin ang aming magandang relasyon. Umaasa kaming dalawa na kami na talaga ang magkakatuluyan.
Nasa isip rin namin na kapag nagkaroon na kami ng trabaho at makaipon ng sapat na pera ay magpapakasal kami para makabuo ng isang pamilya.
Wednesday, October 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment