* Minsan nakabasa ako sa diaryo ng isang contest sa paggawa ng isang one page story line lang at puwede ipadala sa e-mail. Sa kagustuhan ko na makapag submit ay nagpadala ako. At ito po ang ginawa ko ang pamagat ay "Kagaya sa Magulang". Ewan kung ano ang kinalabasan ng pag submit ko nito.*
KAGAYA SA MAGULANG
Ni: Arvin U. de la Peña
Siya si Manilyn, nag-iisang anak ng mag-asawang Roberto at Caridad. Bilang magulang lahat ginagawa nina Roberto at Caridad para may ipantustos sa pag-aaral ni Manilyn. Dahil sa sila na mag-asawa ay kapwa di nakatapos ng pag-aaral. Hanggang third year high-school lang sila. Iyon ay dahil naging mapusok sila noong kabataan pa nila. Madalas nga ay naaalala ni Caridad ang pangyayari ng matuklasan ng magulang niya na siya ay buntis."Walang hiya kang babae ka, wala kang utang na loob. Pagkatapos ka naming papag-aralin sa de kalidad pa na paaralan ito pa ang isasalubong mo sa amin. Layas!, lumayas ka. Magsama kayo ng nobyo mo."At sa bawat paggunita na iyon ni Caridad sa naging asal ng magulang niya sa kanya ay napapaiyak siya.
Paano?, hindi siya natanggap na siya ay nagbuntis at di na rin susustentuhan.Kaya nga sa pagtira niya sa baht nina Roberto na kanyang asawa pinapakita niya talaga na karapat-dapat siya sa pamilya nito. Lalo na ng siya ay manganak. Pinakita niya talaga na puwede na siyang maging isang ina kahit na bata pa. At ang asawa niya naman na si Roberto ay lalong nagpursige sa pamamasada ng jeep kasi di na naman siya nag-aaral." Hanggang dito na lang po ako, " sabi ng pasahero."Ilulugar ko lang po sa babaan ng pasahero", sagot naman ni Roberto.Nang magtatatlong taon na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay tumanggap na si Caridad ng labahan.Kahit na nakakapagod ang paglaba ay kinaya niya.
Kasi nakakahiya na sa mister niya na hindi man lang siya kumukita. Higit sa lahat sa mga magulang ng kanyang mister.Nang nasa elementarya na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay hinahatid-sundo niya sa paaralan. Kahit mahal na mahal niya ang nag-iisa nilang anak. Hanggang sa pag high -school ng anak nila hindi pa rin tumitigil sa Caridad sa paaralan para sa paghatid at sundo sa anak. Lagi niyang pinagsasabihan na mag-aral ng mabuti."Manilyn, anak dapat makatapos ka ng pag-aaral ng sa ganun makapagtrabaho ka ng nasa opisina o kaya sa kompanya. Huwag mo kaming tularan ng tatay mo na hindi nakatapos. Kaya heto ako, labandera at ang tatay mo driver ng jeep".
Sa pag-aaral na ni Manilyn sa college doon ay hindi na siya hinahatid sundo ng nanay niya kasi malayo sa bahay nila.Sa umpisa ng pag-aaral ni Manilyn pinagbuti niya talaga para di niya mabigo ang mga magulang niya. Hanggang siya ay mag-second year college ganun pa rin ang prinsipyo niya ; pag-aaral muna. Kahit may nanliligay sa kanya di niya tinatanggap. Sa panahon na iyon labandera pa rin ang nanay niya at ang tatay niya ay driver pa rin.Ngunit sa pagsapit niya ng 3th year college nabali ang prinsipyo niya. Tinanggap niya ang panliligaw sa kanya ng kaklase niyang si Harold na hindi alam ng magulang niya.
Ilang sundo at hatid sa sakayan pauwi. At ilang pamamasyal sa labas at kain, doon ay bumigay si Manilyn sa kagustuhan ng kasintahan niyang si Harold. Nalaman na lang niya na nasa loob na sila ng motel. Nasundan pa iyon ng nasundan na lingid sa kaalaman ng magulang niya.Sa paglipas pa ng ilang buwan doon ay nalaman na ng magulang niya na siya ay buntis. Pinagalitan siya at pinagmumura ng nanay niya."Wala kang utang na loob. Pinag-aral ka namin ng tatay mo para ka makatapos sa pag-aaral. At para naman umasenso tayo. Pero anong ginawa mo, nagpabuntis ka sa kasintahan mo", sabi ng nanay niya "Patawarin mo ako inay", sabi naman ni Manilyn. "Paano na ngayon iyan matitigil ka sa pag-aaral dahil buntis ka. Malandi ka rin palang babae ka!", sabay alis ng nanay ni Manilyn.
Pagpunta ni Manilyn sa bahay nina Harold doon ay pinagtapat niya ang nangyari."Harold pinagalitan ako ng nanay ng malaman niyang buntis ako," sabi ni Manilyn"Huwag kang mag-alala ganun talaga iyon. Hindi naman kita pababayaan," mahinahon na sabi ni Harold.Isang araw pa bago manganak si Manilyn doon ay pumunta na si Harold sa bahay nina Manilyn. Noong una ay hindi siya matanggap dahil bata pa nga sila. Pero kalaunan ay tinanggap na rin siya. Dahil sa pangakong siya ang magtataguyod sa kanyang pamilya dahil sa maykaya naman sila.
Pagkapanganak ni Manilyn doon ay naramdaman agad ni Harold na tatay na siya at si Manilyn naman nanay na.Si Caridad naman ay masaya sa panganganak ng anak niyang si Manilyn. Pero sa puso niya medyo may hinanakit pa rin dahil hindi nakatapos ng pag-aaral ang anak niya. At hindi matutupad ang nais niya na si Manilyn ay papasok sa opisina o kaya sa kompanya para magtrabaho.At si Roberto naman ay masaya rin dahil may apo na siya.
Ngunit nanghihinayang din siya na inuna muna ni Manilyn ang pag-ibig kaysa pag-aaral. Pero sa isip niya wala na siyang magagawa dahil nangyari na at higit sa lahat ganun di naman sila ng asawa niyang si Caridad. Inuna muna ang pag-ibig kaysa pag-aaral.
THE END
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment