LAWIN (alay kay Fernando Poe Jr.)
Ni: Arvin U. de la Peña
Paalam na sa iyo lawin
Bukod tangi kang pinagpala
Hindi ka man lumilipad
Para ka na ring nasa himpapawid
Tinitingala ka ng lahat
Sa bawat tulong na iyong naipagkakaloob
Naiibsan kahit konti ang problema.
Paalam na sa iyo lawin
Sa kagustuhan mong makatulong minsan
Nang lubos sa taong bayan
Kinonsente at nilait ang iyong kakayahan
Pati na ang iyong pagkatao
Dapat ay sa puting-tabing ka lang daw
Huwag na sa pulitika.
Paalam na sa iyo lawin
Lahat ng tao ay nagluluksa
Maging mayaman man o mahirap
Lalo na sa daigdig mong kinasikatan
Dahil malaki kang kawalan
Sa mundo ng industriya
Ng pelikulang pilipino at telebisyon.
Paalam na sa iyo lawin
Masakit man na isipin
Ang mga taong nagpipilit noon
Na ikaw ay pabagsakin at sirain
Ang iyong imahe sa publiko
Ay nakikiramay rin at nagsasabi pa
Na ikaw ay walang katulad
at sana hindi ka sumakabilang-buhay
Para marami ka pang matulungan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment