Boarding House, Irene
Ni: Arvin U. de la Peña
Marami-rami na rin naman ang nakilala kong babae. Sa bawat pagkakakilala pa lang di maiiwasan na humanga ako sa kanila. Paghanga na nauuwi sa pagkagusto. At sa bawat sandali laging iisipin o kaya ipapanalangin na sana laging nasa mabuting kalagayan o di kaya nanaisin na sana balang araw maging kayo.Ngunit sa lahat na aking nakilala. Iisa lang ang nagpabago sa buhay ko. Ibig kong sabihin mula ng makilala ko siya at naging kami naging makulay na ang buhay ko.
Naging inspirado ako sa bawat araw. Walang gawain na hindi ko ginagawa at tinatapos. Dahil nga doon marami ang nagtaka sa mga nakakakilala sa akin.Nagsimula ang lahat ng pumunta ako sa boarding house ng classmate ko. Nang magsabi na ako ng " tao po nandiyan ba si Noel ", siya ang sumalubong sa akin at nagsabi na umalis pa at kung gusto mo hintayin mo na lang sa loob. Nabaitan ako sa kanya. Dahil doon tumuloy nga ako sa loob para hintayin ang aking classmate. Nakakailang minuto na ako sa kahihintay ng lapitan ako ng babae na nagpatuloy sa akin at binigyan ako ng babasahin na diaryo para daw di ako mainip sa paghintay. Pagkasabi ko ng salamat, di ko talaga naiwasan na di sabihin sa kanya ang pangalan ko at tanungin siya kung ano ang pangalan niya. Irene, iyon ang sinagot niya.
Kayganda ng pangalan. Nasabi ko agad sa sarili. Katulad ng napapanood sa tv tuwing tanghali. Tatanungin ko na sana siya kung puwede na kami ay mamasyal ng magsabi siya ng "sige na aalis muna ako ". Lungkot at tuwa agad ang naramdaman ko ng lumabas na siya ng boarding house. Lungkot dahil hindi ko nasabi sa kanya ang nais ko. Saya dahil nakilala ko siya.Natatapos ko ng basahin ang diaryo ng eksakto na pagdating ni Noel. Sinabi ko agad sa kanya ang pakay ko. Pagkabigay niya sa libro na hinihiram ko, doon tinanong ko na siya tungkol kay Irene.Si Irene daw ay mabait. Palabiro rin sa mga kaibigan. At sa klase siya ay matalino. Kung anu-ano pa ang sinabi ng classmate ko tungkol kay Irene.
Ngunit sa lahat na kanyang sinabi ang lubos kong ikinagalak ay ng sabihin niya na si Irene ay wala pang manliligaw. Para akong lumilipad ng marinig ko iyon. Paano?, kasi malaki ang pag-asa ko kay Irene.Sa pagpaalam ko kay Noel na aalis na ako napakasaya ko. Sa pag-uwi ko sa tinitirhan ko baon ko ang alaala ni Irene. At sa pagsapit ng gabi doon gumawa ako ng love letter. At sa tulong na classmate ko na si Noel naibigay iyon kay Irene. Pagkalipas pa ng mga araw na lagi ko siyang sinusundo sa paaralan at inihahatid sa boarding house nila, sinagot na niya ako.
Mas lalo pang naging madalas ang aming pamamasyal at mas lalong naging sweet kami sa isat-isa.Kung hanggang kailan ang pagmamahalan naming ito ni Irene. Siguro, panahon lang ang makapagsasabi. Basta sa ngayon mahat niya ako at mahal ko rin siya. Higit sa lahat walang problema tungkol sa aming pag-iibigan.
No comments:
Post a Comment