BACKER
Ni: Arvin U. de la Peña
Noong nasa elementarya pa ako, lagi kong natatanong sa aking sarili. Hangang kailan kaya ang pag-aaral ng isang estudyante? Hangang kailan ang isang estudyante ay matutulad na sa ibang mga tao na pumapasok na sa opisina? Sabi naman ng isa kong kaklase pag makatapos raw sa kolehiyo sigurado na makakapasok na sa opisina ang isang naging estudyante para magtrabaho at tumanggap na ng sahod. Sabi ko naman sa kanya "bakit si Manuel na kapitbahay namin tapos ng commerce sa kolehiyo tapos ay walang trabaho". " Baka walang backer kaya di nakapasok", iyon ang sabi niya sabay na alis.
Sa pagkarinig ko sa sinabi niya nanghina talaga ako. Eh, paano? Masasayang lang pala ang pinagpaguran sa paaralan kapag walang backer sa oras ng pag-apply sa trabaho.Nang nasa high school naman ako. Iba naman ang naging tanong ko sa aking sarili. Ano? kaya ang mabuting kurso sa kolehiyo. Ano? kaya ang dapat kong kunin sa kolehiyo. Sabi naman ng kaibigan ko. Dapat ang kunin raw na kurso sa kolehiyo iyong in-demand talaga. Iyong kurso na madali kang makahanap ng trabaho. Sinabi ko naman sa kanya, " bakit ang kamag-anak mo na si Cesar tapos ng computer course walang trabaho". " Wala kasing tumatanggap sa kanya", iyon ang sagot niya. " Di ba in-demand ang kurso niya", tanong ko pa sa kanya. " Oo nga kaso wala talagang backer kaya di tinatanggap", iyon ang sagot niya sabay na nagpaalam sa akin.
Sa pag-alis niya nasabi ko talaga bakit iyon na lang palagi ang sinasagot kapag walang trabaho ang isang tapos sa kolehiyo. Hindi makapagtrabaho dahil walang backer.Ngayong nasa kolehiyo na ako. Iba naman ulit ang naging tanong ko sa aking sarili. Kung makagraduate na ako matupad kaya ang pangarap ko noong kinukuha ko palang ang kurso? Sabi naman ng kaklase ko. Para daw makapagtrabaho tayo dapat magtake ng board exam at makapasa. Sabi ko naman sa kanya. " Di ba? pang nauna sa atin sa pag-aral na si Marlin pasado ng board exam pero wala pa ring trabaho". "Sa kurso natin pare ang dapat mayroon ka talagang backer para madaling makapagtrabaho pag nakapasa na ng board exam". " Inuuna kasi ng mga nagtratrabaho na sa opisina na makapasok ang kanilang kamag-anak, pinsan, kaibigan o kaya anak na makapagtrabaho kaya mahirap kapag walang backer", dugtong pa niya sabay na alis dahil may pupuntahan pa. Sa pag-alis niya inisip ko talaga ang sinabi niya sa akin.
Bakit? kailangan talaga ng backer para makapasok sa nais na pagtrabahuan kahit na kuwalipekado pa. Wala na bang ibang paraan para matanggap ang isang aplikante na walang backer. Nang sa ganun ay makapagtrabaho.Paano na lang kung ang kasabay mo sa pag-apply sa trabaho ay galing sa de kalidad na paaralan, tapos ay wala ka pang backer. Sigurado na mahirap ka na matanggap. Ano sa palagay niyo?
Friday, October 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment