INSPIRASYON
Ni: Arvin U. de la Peña
Katatapos ko lang mag-graduate sa high-school ng maisipan kong sumulat ng isang kanta. Noong una ay balisa ako kung anong uri ng kanta ang gagawin ko. Ako na tao ay mahilig ako sa mga love songs dahil naiisip ko ang sarap at hirap sa aking buhay pag-ibig. Ang mga kaibigan ko naman ay rock songs ang gusto nila dahil madalas sila sa tambayan sa kanto para maggitara at minsan naman mag-inuman. Kaya nalilito pa talaga ako kung ano ang gagawin ko.
Hanggang sa makapag-desisyon ako na ang gawing kanta ay ang nangyari sa buhay-pag-ibig ko. Iyon ay ang paglayo ng aking mahal sa piling ko sa kabila na lahat ay ibinibigay ko sa kanya. Bukod pa sa mahal na mahal ko siya. Habang sinusulat ko ang kanta minsan ay tumitigil ako sa pagsulat para lumuha. Dahil hindi ko talaga matanggap na lalayuan ako ng pinakamamahal ko na hindi ko mang lang alam ang dahilan. Ang masakit pa sa bawat araw ay hindi ko na siya nasisilayan.Nang matapos ko ng gawin ang kanta ay inawit ko.
Sa pag-awit ko ang nasa isip ko ay isa akong singer. Nasa isip ko rin na papangalanan ko ang babae na nais kong handugan ng awitin para marinig ng mga manonood.Lahat ng mga inisip ko ay hanggang sa isipan lang pala. Hindi pala ako magiging singer at hindi pala ako makakapaghandog ng awitin sa entablado. Bagkus ay ako lang pala ang magmamay-ari ng kanta na aawitin ng singer.Nangyari iyon limang buwan matapos kong magawa ang kanta.
Nasa unang taon na ako noon bilang isang mag-aaral sa kolehiyo. At ang dahilan kung bakit naawit ang likha kong kanta ay dahil sa kaklase kong si Saddy.Katatapos lang ng isang subject sa gabi ng isama ako ni Saddy para pumunta sa inuman na may banda na tumutugtog. Tig-tatlong bote pa lang ng beer ang nauubos namin ng lapitan siya ng kumakanta kanina sa pagdatin namin at kumustahin siya. Magkababata pala sila at si Saddy madalas na pala sa inuman na iyon.
Habang kainom na namin ang singer na pinapatawag lang sa akin ni Saddy ng Yokal ay nagsabi ako na "Yokal may gawa akong kanta at nais ko na awitin mo katulong na iyong banda". Laking tuwa ko ng pumayag siya. Sinabihan pa ako na pumunta lang sa boarding-house nina Saddy pagkabukas.Kinabukasan nga ay pumuna ako sa boarding-house nina Saddy. Ilang minuto lang ay dumating na si Yokal. Doon ay ibinigay ko sa kanya ang kanta at pinarinig ko pa siya kung paano ko awitin.
Ilang oras lang na ginagawan niya ng chords at sarili niyang lyrics ng magsabi siya na ayos na at aawitin niya sa biyernes.Para akong lumilipad sa hangin ng marinig ko ang sinabi niya. Pag-alis niya sinabihan ko na maraming salamat at pakikinggan ko sa biyernesPagsapit ng biyernes ay excited na ako. Lalo na ng sumapit na ang gabi at nasa inuman na kami ni Saddy. Nakakaubos na kami ng tig-apat na bote ng beer ng ang susunod na tutugtog ay ang banda ni Yokal.
Unang awit niya ay hindi pa. Hanggang sa pangalawa. Pangatlong pag-awit na niya ng kantahin ang gawa kong kanta. Sobrang kasiyahan ang nadarama ko habang pinapakinggan ang pagkanta dahil sa wakas naawit na rin ang compose kong awitin na ang naging inspirasyon ko sa paglikha ay dahil linayuan ako ng aking mahal.Mas lalo akong naging masaya ng inaawit na niya ang nasa chorus;" Hirap at ginhawa kailan pa man Sa isipan ay di nagbabago Laging ikaw ang lamanSayang nga lamangIkaw ay lumayo At di ko na nakita pa "Nasabi ko tuloy sa aking sarili na ito ay umpisa pa lang sa marami ko pang kanta na gagawin.
At sa iba ko pang kanta na gagawin ang magiging inspirasyon ko ang mga babae na crush ko at liligawan.At ang babae na linayuan ako na ang pangalan ay Jeanelyn ay nakapagpasya ako na kakalimutan ko na lang siya. Pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil kung hindi sa kanya siguro ay hindi ako makakapag-isip na sumulat ng isang kanta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment