TAIWAN K! LANG
Ni: Arvin U. de la Peña
Malalim na ang gabi. Heto pagkatapos na di matanggap sa pag-aaply para sa Taiwan nandito ako sa tabing-dagat nag-iisip at nagtatanong. Bakit? ano ang wala ako na sa iba ay mayroon kaya sila natanggap. Kung sa karanasan naman ang pag-uusapan, marami naman akong karanasan sa trabaho. Naging driver ako minsan nang pampasaherong jeep. Nakapagtrabaho sa SM Megamall bilang janitor.
Sa ITC hardware naging tindero rin ako ng isang taon. Sa shop ng isa kong tiyuhin naging katulong rin ako sa pagmekaniko ng mga sirang sasakyan. Kung sa paggawa naman ng bahay ang pag-uusapan may alam naman ako doon. Kasi maraming beses na rin naman ako pinatulong ng kapatid ng nanay ko na siyang madalas kinukuha kung may pinapagawang bahay o inaayos sa aming lugar.Ang di ko nga lang naranasan ay makatuntong na kolehiyo at makatapos. Hanggang 4th year high school lang kasi ako. Siguro iyon ang dahilan kung bakit di ako tinanggap ng agency. Pero malabo naman yata kung iyon ang dahilan di ba? Kasi sa pagtrabaho ang performance mo naman ang tinitingnan.
Ang natutunan mo sa kolehiyo di naman nagagamit iyon sa actual na trabaho, except lang kung ang tratrabahuin mo ay bilang doctor, nasa accounting, engineer, abogado, dentist o kaya computer technician.Eh, ako. Itong pag-apply ko para sa Taiwan ay bilang factory worker lang. At sa kasamaang palad di pa tinanggap. Bilang factory worker di ba?, kahit di ka tapos sa kolehiyo makakaya mo naman ang gagawin. Kasi tuturuan ka naman muna kung paano ang pag-gawa o pagtrabaho. Nasabi ko tuloy na may pinapaboran minsan ang agency.At kung bakit gusto ko na magtrabaho sa Taiwan kahit factory worker lang. Simple lang naman. Maranasan ko kung paano ang buhay doon at kumita na pera na sa pagbalik ko sa Pilipinas ay umasenso kahit konti itong buhay ko.
Pero dahil di nga ako tinanggap para sa Taiwan heto babalik na lang ako ngayon sa pagiging waiter sa 4H Bar and Restaurant.Sa mga katulad ko na nabigo rin para makapagtrabaho sa ibang bansa. Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Huwag mawalan ng pag-asa. Kasi puwede naman kumita ng dito lang sa ating bansa nagtratrabaho, maliit nga lang ang sahod pero sapat na rin para mabuhay. At ang bansa na ating nais na puntahan at pagtrabahuan isipin na lang natin na hindi tayo bagay doon. Ika nga ng marami wala kang K!.
Tuesday, October 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment