SELOS
Ni: Arvin U. de la Peña
Marami ang dumaraan sa kalsada. Halos di mabilang ang naglalakad. Isa si Ralph na naglalakad ngunit walang direksyon kung saan patututngo. At ang laman ng kanyang isip si Manilyn.Magkakilala sila ni Manilyn mula pa noong mga bata pa sila. Kapag gusto ni Ralph ng kalaro noong bata pa sila ay si Manilyn agad ang pinupuntahan. Gayundin din si Manilyn. Kapag gusto niya ng kalaro ay si Ralph agad ang pinupuntahan niya. Parang magkapatid ang turing nila sa isa't-isa. Wala silang sikreto na itinatago sa bawat isa.
Hanggang sa paglaki nila na wala pa silang siyota sinasabi nila kung sino ang kanilang crush. Sa high-school na pinapasukan nila bulung-bulungan nga na magsiyota sila.Ngunit ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan ay masisira din pala. Darating din pala ang pagkakataon na sila ay di magkakaunawaan. Iyon ay dahil sa selos.Nagsimula ang lahat ng umuwi na si Ralph galing sa bakasyon sa Bohol. Nakasanayan na kasi ng pamilya nila na doon magpasko at magbagong-taon. Doon kasi isinilang ang mama niya. Pupunta na sana siya sa bahay nina Manilyn ng makita niya na si Manilyn ay sasakay na sa jeep at may kasama pa na lalaki. Sa di malamang dahilan ay nagselos siya. Kayrami ng beses na nakita niya na si Manilyn ay nilalambing pa ng ibang lalaki ngunit di siya nagseselos.
Ngunit noong araw na iyon nagselos talaga siya.Pag-uwi niya agad siyang nahiga at binalik-tanaw ang mga araw na magkasama sila ni Manilyn. Ang kanilang paglalaro sa labas at sa bahay.Ang kanilang paliligo sa ulan at pagpunta sa dalampasigan. Ang panonood nila ng pelikula. Ang pagpasok sa paaralan ng sabay at pagsimba tuwing linggo. At iba pa na pangyayari na magkasama silang dalawa. Sa pag-aalala niya agad naibulong ni Ralph sa kanyang sarili "oo nga ano, bakit hindi?"Agad-agad ay gumawa siya ng love letter. Doon sinabi niya ang tunay niyang nararamdam kay Manilyn.
Kinabukasan ay agad niyang ibinigay kay Manilyn ang sulat. Pagkatapos na mabasa ni Manilyn ang sulat."Ralph paano ito napamahal na sa akin si Dave.""Ha!, pero ilang araw mo palang siyang nakikilala. Noong nasa bakasyon ako.""Oo nga, ngunit nabihag niya agad ang kalooban ko." mahinang boses ni Manilyn" Sa akin ba kahit kailan di nahulog ang loob mo?" medyo malakas na tanong ni Ralph"Nahulog din ang loob ko sa'yo. Matagal kong hinintay na gumawa ka ng hakbang para ligawan mo ako pero hindi mo ako niligawan." umiiyak na sabi ni Manilyn"Put... ina! shit, sabay na lakad palabas ni Ralph. Ang pintuan ay sinuntok pa.
At si Manilyn iniwan na umiiyak. Ilang sandali pa."beep beep beep hoy! Ano ka magpapasagasa?" sabi ng tsuper kay RalphHuh! gulat na nasabi ni Ralph. Tumatawid na pala siya sa kalye ng di man lang lumilingon. Kaya dali-dali siyang lumakad para makadaan ang jeep.Sa pagtingin niya sa jeep na dumaan nakita pa niya si Dave na sakay at may dalang bulaklak.
Tuesday, October 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment