Wednesday, October 8, 2008

Chalk Dust

CHALK DUST
Ni: Arvin U. de la Peña

Dati akong teacher. Nagtuturo ako noon sa isang private school sa high-school. Kahit na maliit lang ang sahod kumpara sa public school ay okey lang sa akin. Sa aking trabaho na pinili masasabi ko talaga na kuntento na ako sa buhay ko. Kasi natupad ang aking pangarap na makapagturo at hindi masayang ang apat na taon kong pag-aaral sa kolehiyo.
Kapag ako ay naglelecture na sa klase lahat na mga estudyante ko ay nakikinig talaga. Hindi nila ako binibigyan ng sama ng loob. Madalas nga ay pinagsasabihan ako ng aking mga estudyante na magaling daw akong magturo.


Hanggang sa ako ay makapag-asawa ganun pa rin ang trabaho ko. Sa anim na taon ko ng nagtuturo sa paaralan na iyon masasabi ko na iyon na ang pangalawa kong bahay. Kasi maraming oras na nandoon talaga ako sa paaralan. Dahil sa kung wala namang pasok hindi naman ako madalas sa aming bahay. Pumupunta rin naman ako sa aking mga kaibigan.
Sa pagkakaroon ko naman ng anak ang pagbili ng pangangailangan sa bata ay nakabibili naman kami ng misis ko. Kahit na ang misis ko ay walang trabaho. Ngunit mayroon namang maliit na tindahan. Kapag para sa bata ay nabibili talaga namin. At hanggang sa nasundan pa ang anak namin ganoon pa rin ang sitwasyon.

Ngunit ng nasa grade 6 at grade 5 na ang mga anak ko. Doon ay naramdaman ko na hindi na sapat ang sahod ko bilang teacher para sa pamilya. Kapag naiisip ko na papasok na sa high-school ang anak ko nararamdaman ko na malaking gastusin na ang haharapin namin.Kaya labag man sa kalooban naisipan ko na magretire na sa pagtuturo. Pagkatapos na makakuha na kaunting benepisyo doon ay bumili ako ng isang jeep na pampasahero. Dinagdagan ko pa ng kaunting pera para sa jeep.
Sa pamamasada ko ng jeep doon ay nalaman ko na malaki pala ang kita ko sa isang araw kaysa bilang teacher. Sapat na para sa pamilya at para sa pag-aaral ng aking dalawang anak . Kahit na pumasok na sila sa high-school ay makakaya na. At kapag may kaunting sobra ay aming iniipon para sa kinabukasan.

Kung tinatanong naman ako ng dati kong mga estudyante kong bakit tumigil ako sa pagtuturo sinasabihan ko na lang na masaya ako sa pagiging driver ng jeep. Kahit na ang tunay na dahilan ay dahil naliliitan na ako sa sahod dahil may dalawang anak na nga ako na nag-aaral.
At kapag napapadaan naman ako sa paaralan na aking iniwanan kahit paano ay naiisip ko ang pagiging teacher ko dati. Na kung ako ay tawagin SIR.

No comments: