POKPOK
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung pinag-uusapan siya ng mga tao sa paligid tawag sa kanya ay pokpok. Kung anu-anong masakit na salita ang sinasabi sa babae na pokpok. Ako naman na nakakarinig naaawa ako. Ibig kong magsabi na huwag niyo namang laitin ang babae na sinasabi niyong pokpok. Kaso hindi ko magawa dahil natatakot ako na pagsabihan na ipinagtatanggol ko pa ang pokpok na babae. At baka pagsabihan pa ako na ginamit ko na siya. At isa pa hindi ko pa nakikita ang sinasabi nilang pokpok kasi bago pa lang ako na nakatira sa lugar ng tiyuhin ko para sa bakasyon.
Lingo ng umaga ng makita ko ang sinasabi nilang pokpok na babae. Nangyari iyon ng bumili ako sa tindahan. Pagkabigay ng tindera sa akin sa binili ko agad nagsabi sa akin na ” tingnan mo ayan na naman ang pokpok “. Paglingon ko sa sinasabi nilang pokpok agad ay nasabi ko sa aking isip na ” iyon ba ang tipo ng babae na magiging pokpok “. Sinabihan pa ako ng tindera na mag-iingat raw ako diyan sa babae na pokpok.Pagbalik ko sa bahay ng tiyuhin ko. Agad ay naisip ko ang babae na pinagsasabihan nilang pokpok.
Sa aking isip ay di talaga ako makapaniwala na siya ay papatol sa kung sinu-sinong lalaki para siya ay mabayaran sa kaunting aliw na naibigay. Sa ganda ng hugis ng katawan at ganda ng mukha iyon ba ay magiging pokpok. Kahit nga siya ay sumali sa isang beauty contest ay sigurado na siya ay matatanggap at baka manalo pa nga. Kaya sa aking isipan di talaga ako naniniwala na siya ay pokpok hangga’t hindi ko pa napapatunayan.Lumipas pa ang ilang araw na lagi ko siyang naiisip at inaalala ng dumating ang hinihintay ko. Ang pagkakataon na siya ay aking makausap.
Nangyari iyon ng ako ay pumasyal sa isang mall. Pagpasok ko pa lang sa pinto ng mall ay agad nakita ko siya sa gilid na nakatayo. At para bang mayroon siyang hinihintay. Agad ay naglakas loob akong lapitan siya. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang pangalan ko at ang aking tinitirhan ay nagsabi siya na Manilyn ang pangalan niya.Habang panay na ang aming pag-uusap ay nagyaya siya sa aking na manood ng sine. Siyempre ay pumayag naman ako. At ng nasa loob na kami at pinanonood na ang palabas ay nasabi ko sa kanya na ” madalas kang pag-usapan sa paligid ng aking tinitirha at pokpok ka daw “. Bigla ay napaiyak siya. Mabuti na lang walang masyadong tao sa paligid namin.
Doon ay sinabihan ko siya na huminahon lang.” Totoo ang mga naririnig mo isa akong pokpok na babae. Kaunti lang ang umuunawa sa akin, naiiyak niyang sabi “.” Bakit iyon ang pinasukan mong trabaho?”, tanong ko sa kanya.Sa kanyang pagsagot doon ay napaluha rin ako. Kaya pala siya naging pokpok dahil wala siyang mapasukan na trabaho. Hanggang high-school lang pala siya. At kaya siya napilitan na maging pokpok ay para laging may ibili ng gamot ang nanay niya na matanda na at di na makapagtrabaho. Sila na lang daw kasing dalawa ng nanay niya. Ang tatay niya raw bata pa siya ay iniwan na sila kasama ang isa pa niyang kapatid na lalaki para sumama sa iba.
Paglabas namin matapos na manood ng sine ay di ko napigilan na di siya bigyan ng kaunting pera para sa pambili ng gamot ng nanay niya. Nasabi ko rin sa sarili na ang mga tao na lumalait sa pokpok ay makitid ang utak. Hindi nila inuunawa kung bakit nagiging pokpok ang isang babae.” Salamat ang bait mo “, sabay paalam sa akin ni Manilyn. Hindi ko na lang siya pinag-interesan.
Wednesday, October 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment