Friday, October 10, 2008

Dakilang Ina

DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña

Buhay ko ay sa inyo lamang
Inilalaan sa bawat araw
Naghahanap-buhay ako
Para kayo ay aking mapakain.

Bawat araw nanalangin pa ako
Sana sa inyong paglaki
Magpakabuti kayo at magpakabait
Walang kalaban sa lipunan.

Oo aaminin ko
Minsan nasasaktan ko kayo
Sa sobra ninyong pasaway
Hindi ko mapigilan na di ko kayo
paluin ng konti.

Dumating man ang araw
Na di ko na kayo kayang buhayin
Dahil ako ay mahina na
Sana tulungan niyo rin ako.

Mga anak, o aking mga anak
Kayo ang bunga na aking pag-ibig
Sobra nga lamang na masakit
Mag-isa ko na bumubuhay sa inyo.

No comments: